You are on page 1of 2

Ni: Kathlyn Kaye S.

Vargas

Ironiya / pag-uyam
1. Mukha ni Inday lahat napapalingon
Angking kagandahang tigyawat na lipon
Batik-batik na mga mala-marmol
Kumikinang na mga rubing tuldok.

2. Buhok na kay lambot, likas


Tirahan ng sanlibong bigas
Bawat hibla’y kumukumpas
Sa ‘kulot salot’ na alyas.

Hayperboli

1. Galun-galong pighati’t lungkot


Suliraning kanya umiikot
Isang kutsarang luhang hakot
Ng solusyong laging poot.

2. Maria Clarang malibog-kiri


Kagandahan ang pinahahari
Kabaong ng pakitang kimi
Pang-akit kindat sa lalaki.

Metapora

1. Tumigil man ng oras sa pagtikatik


Sa puso ko’y lagi kang nakatitik
Maagnas man ang bundok na nakatirik
Sa puso ko’y baon ka ng pagtangkilik.

2. Malagim na lihim
Mapagkalong damdamin
Lakip ang bulong kay lalim
Sa dasal ng takip-silim.
Personipikasyon

1. Dahong kumakaway sa saya


Tampok mga pusong kumakanta
Mga sangang humaharang
Sa mag-irog bakas na andukha.

2. Mga ngiting namumutawi’t nangungusap


Sa landas na tinatahak anumang hirap
Mukhang salamin ng malagim na trahedya
Sa kapalarang nagsusumamo ng hustisya.

Simili / pagtutulad

1. Animo’y kalabaw na walang kapaguran


Kayod sa umaga’t maghapon man
At tulad ng langgam na kay liit
Tinatarok tirik ng ibong pipit.

2. Animo’y alapaap na kay sarap damhin


Ang pag-ibig na aking inaangkin
Singhalimuyak ng rosas sa ardin
Ang tamis ng pagmamahal na sumasalin.

You might also like