You are on page 1of 3

ARALIN BILANG: 6

PAMAGAT: PAGBABAGONG-ANYO NG BAYAN


BUOD:
Bago pa dumating ang mga dayuhang nanakop sa ating bayan, may mga maliliit
pamayanang nang umusbong at patuloy itong umuunlad. Marami na rin silang mga
kagamitan o materyales na kanilang ginagamit sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Mayroon na rin silang sistema o paraan kung papaano mabuhay at may kaunting
kaalaman tungkol sa kanilang kapaligiran. May sarili na ring paniniwala ang mga
katutubo tungkol sa buhay. Ang mga kulturang ito ay mababago sa pagdating ng mga
mananakop

Sa pagdating ng mga espanyol sa ating bansa, nasaksihan nila ang ganitong uri ng
pamumuhay ng mga katutubo. Nang masakop na ng espanya ang Pilipinas, ang
Pilipinas ay naging estadong kolonyal ng espanyna. Ang mga namalakad sa
pamumuno sa Pilipinas ay simbahan at ang gobernador-heneral. Ang mga dating datu
ay naging mga Gobernadorcillo at cabeza de barangay. Pumayag sila maging cabeza
de barangay at Gobernadorcillo dahilan sa iba’t-ibang panunuhol o mga cabuya na
ginawa ng mga espanyol. Sa ganitong uri ng pamamahala, pinilit nilang baguhin ang
pamumuhay at mga nakasanayan ng mga katutubo sa pamamagitan ng prosesong
Reduccion. Sinubukan nilang baguhin ang boung pagkatalo ng mga katutubo.
Sinasabing ang salitang reduccion ay isang uri ng sistemang kolonisasyon na kung
saan ang sapilitan at sistematikong pamamaraan ng pagtitipon-tipon ng mga
mamamayan sa iisang pook na nakapasailalim sa iisang pamahalaan o pinuno. Ito rin
ang tawag sa pagpapalipat ng tirahan ng mga katutubo sa isang “maayos” na
pamayanan na nagdulot ng sapilitang pagtitipon ng mga mamamayan sa isang pook.
Ang mga maliliit na pamayanang na nakasentro sa tabing-ilog (ilawud) at ang mga nasa
kabundukan (ilaya) ay pinagsama sa iisang lugar na kung tawagin ay pueblo. Ang
paghuhubog ng mga pamayanang ito sa iisang lugar/lupain ay inayon mula sa
modelong pyudalismo na laganap dati noon sa Europa.

At dahil dito, marami na ang nagbago mula sa pisikal ng mga katutubo, ang kanilang
mga tirahan hanggang sa kultura nila. Ang mga paniniwala ng mga katutubo ay unti-
unting nawala at napalitan ito ng mga “tamang” pananaw. Ang mga espanyol ang
nagturo sa mga Pilipino ng pagiging “sibilisado”. Ang pagsasama-sama ng mga maliliit
na pamayanan ay nagdulot ng pagbubuo ng mga bayan at mula dito sa mga bayang ito,
uusbong ang isang kamalayan na sila ay isang estado na sinakop ng mga dayuhan. At
ito ang magiginig dahilan ng pagusbong ng nasyonalismo.

PAGSUSURI:
Mula sa pamagat pa lang ng aralin na ito, malalaman kaagad na ito ay tungkol sa mga
pagbabagong nagananp sa mga pamayanan noong panahon ng mga espanyol at kung
papaano ito nakaapekto sa pamumuhay at paniniwala ng mga Pilipino. Ito rin ang
simula ng pagiging “sibilisado” ng mga Pilipino dahil sa mga magagarang arkitektura ng
mga gusali at mga bahay na inayon pa mula sa mga arkitektura sa Europa. Mula sa
pananamit hanggang sa paniniwala ay nagkaroon din ng pagbabago sa mga katutubo.

Sa pangkahalatan naman gaya ng ekonomiya at pulitika, makikita na naging kongkreto


at naging strikto sa pagpapatupad ng mga hakbangin patungo sa pagbabago. Sa
eknomiya, ang kalakalayang galleon ang naging pinagkukunan ng pondo para sa
kolonisasyon sa Pilipinas. Ito ang kumontrol sa pangangalakal sa bansa. Ito ang dahilan
ng pagkaputol ng koneksyon ng Pilipinas sa mga karatig bansa na nakikikpagkalakalan
sa kanila dati.

Ang araling ito ay masasabing napakakomprehensibo at napakalaman sa mga detalye.


Ang mga mahahalagang mga impormasyon at mga detalye ay nalathala ng mabuti at
maayos. Ang mga spesipikong mga detalye ay nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod
ng pagkakasalaysay ng awtor. Ang mga detalye ay napakaspesipiko at napakadiretso.
Isa ito sa mga natatanging bukal ng kasaysayan dahil sa sobrang komprehensibong at
napakadetalyadong paglalahad. Ito ay isang objektibong pagtalakay ng kasaysayan at
nakaayos ang mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod.

Ang babasahin ay hinati ng manunulat sa ilang parte para madaling maintindihan ng


mga mambabasa, mapagtuonan ito ng pansin ng mabut ang ilang mahahalagang
detalyei at para maipaliwanag ito ng maayos at kongkreto sa mga mambabasa. Ang
mga ito ay ang reduccion, ang proseso ng pagbabagong anyo, ang naging kalagayan
ng bayan sa kaayusang pueblo at ang pagkakakontrol sa Pilipinas bilang isang
estadong kolonyal ng espanya. Sinimulan ng awtor na talakayin ang aralin sa reduccion
at ipinaliwanag kung ano ang kahulugan ng salitang ito. Tinalakay at ipinaliwanag ang
mga konkretong mga hakbang na isinagawa para sa pagbabago ng pulitika at
ekonomiya. At bilang pruweba rito, nagbigay ng mga ilang pruweba ukol dito. Tinalakay
din nila ang ilang mga naging sanhi at bunga ng mga pagbabagong ito sa istilo ng
pamumuhay ng mga katutubo. Nagkaroon din ng pagkukupara sa dating ayos ng mga
lipunang dati at sa lipunang “makabago” kasama ang mga espanyol. Tinalakay naman
ang paraan ng pamumuno ng mga espanyol sa Pilipinas at papaano ang kanilang
pamamalakad upang mapamunuan ang iba’t ibang mga lalawigan. Ang pamahalaan ay
pinamumunuan ng gobernador-heneral at ito ang naging kinatawan ng hari ng espanya
para sa mga kolonya nila. At mula sa ilalim ng pamumuno ng gobernador-heneral, may
mga local na opisyal na kasama sa pamumuno para naman sa mga lalawigan.

Kung ikukumpara ang araling ito sa tradisyunal na pagtatalakay, masasabing mas


komprehensibo, mas detallado at direkta ang pagkakatalakay. Kung papanisining
mabuti ang pagtalakay ng tradisyunal na paraan, sinasabing lang na matapos na
tuluyang masakop ng mga espanyol ang Pilipinas, nagtayo sila ng mga higanteng
gusali at mga pueblo. Nagsaad din ng mga ilang mga pagbabago. Pero hind nabanggit
kung papaano nila nagawa ang mga pagbabagong ito at ang mga proseso
pinagdaanan. Nakasama ring tinalakay ang pamahalaan at ang kanyang mga sangay
pero hindi ganoon kalawak ang pagtatalakay di gaya ng araling ito. Hindi rin sinaad at
ipinaliwanag ng mabuti kung papaano ang sistema ng pamamalakad ng mga espanyol
sa ating bansa bilang isang kolonya. May mga kulang-kulang na mga impormasyon na
hindi napagtuonan ng pansin at wala man lang sinabing mga pruweba ukol sa mga ito.
Ang pagtatalakay sa tradisyunal na pamamaraan ay hindi man lang nakaayos ukol sa
pagkakasunud-sunod ng kanilang pangyayari sa kasaysayan o kung minsan naman,
sinasabi lang ang ilang mga mahahalagang pangyayari at hindi na sinasama ang ilan.
Kailangang isama sa talakayan ang ilang maliliit na pangyayari dahil dito nagsisimula
ang ilang mahahalagang pangyayari o kung minsan naman, ito ang nagiging dahilan.
Magkakakonektado ang mga pangyayari ito kahit ito pa ay malaki o maliit.

Dahil sa mga kakulangan ng mga impormasyon sa tradisyunal na talakayan ng


kasaysayan, ito ang magiging susi upang maging sagot upang madagdagan at ito rin
ang maaaring maging pruweba sa ilang pang mga suliranin na hanggang sa ngayon ay
hinahanap pa rin ang kasagutan. Ito rin ay maaaring maging bunga na isa pang
kaisipan o kaalaman ukol sa ating kasaysayan.

Pero sa kabilang banda ng magandang pagtalakay ng araling ito, may mga kapansin-
pansing ilang mga kahinaan nito. Sabi ng araling ito na parang kung hindi pa tayo
nasakop ng mga espanyol, hindi pa tayo magiging sibilisado at dahil daw sa mga
espanyol hindi magiging maayos ang pamumuhay ng mga katutubo. Nandirito daw sila
sa Pilipinas upang makatulong sa atin na hindi naman totoo. Mula sa tradisyunal na
pamamaraan ng pagtalakay ng kasaysayan at sa dalawang nobela ni Rizal, inilarawan
ng mga ito kung papaano ang pamumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ng mga
espanyol. Una ang tunay na pakay talaga ng mga espanyol sa Pilipinas ay ang mga
spices at ilang mga likas yaman na hindi matatagpuan sa europa. Pangalawa kainitan
noon sa europa ang paghahanap ng mga bagong lupang masasakupan dahil ito ang
nagrerepresenta ng pagiging makapangyarihan ng isang bansa dati at dito rin ang
puntan ng ibang espanyol dahilan sa paparaming populasyon sa buong europa. Ang
mga kolonya ang magsisilbing pagkukuhanan ng kita ng mga bansang nanakop. At
panghuli kung talagang gusto tayong maging sibilisadong mga tao, bakit nila pinaikot
ang mga katutubo sa pamamagitan ng kristyanismo? Hindi talaga itinuro ng mga prayle
ang mga tunay nakapaloob at isinaasaad sa bibliya mismo kundi literal nilang
ipinahayag kung ano ang nakasulat doon. Ginamit ng mga prayle ang simbahan upang
makuha ang kanilang gusto at para maging mga hari. Ang mga ito ang maaring maging
kahinaan ng araling ito.

P.S.: Franz hindi pa ito tapos. ituloy nyo na lng ito sagutan nyo na lang ung last
three questions un na lang naman ang hindi ko nailalagay dito eh cge sori kung
late na to. Edit mo na lang kung may nakita kang mga typo o mali

You might also like