Professional Documents
Culture Documents
BS IT 3 Pahayag
“Iyan po ang dahilan kunga kaya ko po kayo ipinatawag. Isinasanguni ko po sa inyo ang
ginawa ng inyong anak. Malimit po siyang lumiban sa klase at kung pumasok po naman ay di
sumasagot at sa halip ay nag-iingay. Nangangamba po kaming baka pos a bandang huli ay
kami ang masisi sa ginagawang pagbubulakbol ng inyong anak”, ang paliwanag ng guro.
Nilisan niya ang paaralan na matamlay at mabigat ang paang nilakad na papalayo. Hindi
niya malaman ang kanyang gagawin. Sari-saring guniguni ang naglalaro sa isipan ni Aling
Pining. Si Manuelito, ang kabuto-bugtong anak ni Mang Tino at Alng Pining ay nasa ikalawang
baytang ng mataas na paaralan ng Maynila. Kahit sila ay mahirap, iginagapang nila ang
kanilang anak nang matapos man lamang ng pag-aaral. Ang kinikita ni Mang Tino sa
pagbabasura ay inilalaan lamang sa pag-aaral ni Manuelito at ang kanilang ginagasta sa araw-
araw ay ang kinikita ni Aling Pning sa paglalaba.
“Pining”, ang bahaw na tinig ni Mang Tino. Namamalikmatang tiningnan ni Aling Pining
kung kaninong ting ang kanyang narinig. Halos takot at pawing pangamba ang naghahari sa
kalooban ni Aling Pining. Lagging sumasaisip ang mga ginagawa ng kanilang mahal na anak sa
paaralan.
“Pining, naito ang bagong sapatos ni Manuelito” ani Mang Tino”, Ibigay mo ito sa kanya
at sabi ni Manuelito ay may pagliliwaliw na gaganapin sa kaniyang pinapasukan at itago mo
ito’ng aking naimpok nap era para sa daratal na pagliliwaliw na kanyang sasamahan, ayokong
mapahiya ang anak ko dahil sa butas na niyang sapatos.
Hindi rin naiwasan ni Manuelito ang dating gawi, sa halip na mag-aral ay nagbubulakbol
na lamang kasama ni Amado at ng iba pa nilang kaibigan.
“Ho’y, kaibigang Amando di agad ako nakaparito sa ating tagpuan dahil kami ay nag-
eksamen sa Pahayag. Di na nga ako pumasok sa ibang aralin naming”, ang padugtung-dugtong
na wika ni Manuelito. “Di bale, kaibigan, maaga pa rin naman. Ditto na tayo dumaan,” ang tugon
ni Amando. Tinahak nila ang kakahuyan, ng dumatal na sila sa bayan, na sisipol-sipol silang
naglalakad na wari mo’y walang kalungkutan, walang bahid ng pagod at hirap ang kanilang mga
mukha. Naisip ni Manuelito na laging magiging Masaya ang kanilang barkada kung lagi siyang
kasama ng mga ito.
Ngunit talaga yatang sinasadya ng pagkakataon, ang kanyang butihing ama ay nakita
niyang naglalakad sa kalye habang nangongolekta ng basura dahil ito ang trabaho ng kanyang
ama. Gulagulanit ang damit at naliligo sa pawis ang kanyang buong katawan dahil sa matinding
sikat ng araw. At mababatid sa kanyang mukha ang matinding pagod at hirap. Lumapit si
Manuelito at nginitian ang kanyang ama.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Di makatkat naman sa isipan niya ang ayos ng kanyang
ama. Halos mag-hapon silang naglimayon. Oras na ng uwian ng mga bata nang siya ay
nagpasya na din na umuwi.
Pagkauwi ng bahay nadatnan niya ang kanyang ina na basang-basa ng pawis dahil sa
pamamalantsa. Tumigil sa ginagawa ang kanyang ina nang siya ay makita at agad siyang
ipinaghanda ng pagkain. “Kain na Anak, marahil pagod na pagod ka dahil sa inyong eksamen”
wika ni Aling Pining. “Opo” ang kanya na lamang naisagot, Nang siya’y kumakain, noon lamang
niya nagpag-dilidili ang kamalian niya, hindi niya namalayan ang dalawang butil na luha na unti-
unting dumadaloy sa kanyang pisngi, siya’y nag-sisisi na sa kanyang ginagawa, nagpapagal
ang kanyang magulang para lamang siya ay makatapos, may makain at may maipang baon
patungo sa kanilang paaralan. Ang mukha ng kanyang ina’t ama na pagal na pagal ay di maalis
sa kanyang isipan, kung kaya’t nangako siya sa kanyang sarili na mag-aaral na siya ng mabuti
at iiwas na sa barkada ng sa ganoon pagdating ng bukas ay maipagmalaki siya ng kanyang
magulang.