You are on page 1of 10

FILIPINO TE REVIEWER

WOOHOOO KABANATA SUMMARIES WITH DETAILS! Sana masaya ang inyong pagaaral para sa ating pagsusulit sa asignaturang Filipino! 29 kabanatas of Don Juan, Pedro, Diego, Leonora and Maria goodness! ~Cherisse

I.

ANG HILING NG MAKATA

Nagpapakita ng isang mapagkumbabang makata, na nagsasabi na siya ay nagkakamali dahil isang ordinaryong tao lamang siya at may mas mataas pang tao kaysa sa kanya (ang Diyos) Nagdarasal na sana ay gabayan siya sa pagsulat, at na sana ay unawain ng mga tao ang kanyang kwento. Itong kabanata ay isang MONOLOGO.

II. KAHARIAN NG BERBANYA Ipinakilala ang mga tauhan at ang problema ng kwento (ang sakit ni Don
Fernando) Ipinakita: o Ang pagmamahal ng magulang o Importansya ng edukasyon o Katangian ng mabuting pinuno o Ang kagandahan ng Berbanya o Inggit nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan

III.HAMON KAY DON PEDRO


Pinakita ang pagkabigo ni Don pedro sa kanyang pahahanap sa ibong adarna, at ang responsibilidad niya bilang isang panganay na anak. Nakatulog si Don Pedro bago pa nakarating sa Ibong Adarna, dahil siya ay nawalan ng pag-asa.

IV. DON DIEGO: AKO NAMAN! Ang dahilan kung bakit natulak si Don Diego na hanapin ang Ibong Adarna ay
dahil o Mahal niya ang kanyang ama, at gusto niyang gumaling ito o Mahal niya ang kanyang kapatid, at kailangan niyang hanapin ito. Si Don Diego ay nakatulog pagdating ng Ibong Adarna dahil siya ay namangha dito. Nakalimutan niya ang dapat niyang gawin at sa hulihan, itoy di na niya nagawa.

Don Pedro
- Naglakbay ng 3 buwan - Namatayan ng kabayo - Di-nakita ang ibong adarna dahil nawalan ng pag-asa.

Don Diego
- Naglakbay 5 buwan - Namatayan ng kabayo - Ibong Adarna ay nakita ngunit natulala at nakatulog; nakalimutan ang layunin

NAGING BATO SILANG DALAWA.

V.

HANGAD MAKATULONG

Ipinakita na talagang hinangad ni Don Juan na makatulong sa kanyang ama na mahanap ang kanyang mga kapatid at hanapin ang Ibong Adarna. Ipinakita na talagang ibig protektahan ni Don Fernando si Don Juan o Dahil paborito si Don Juan o Dahil nawala na sina Pedro at Diego; baka mawala pa si Don Juan o Dahil bunso si Don Juan o Dahil sa panaginip ni Don Fernando na mapapahamak si Don Juan. o DAHIL MAHAL NIYA SI DON JUAN. Ang lakbay ni Don Juan ay napakasimple at talagang nakalaan sa Diyos: wala siyang kabayo, ang kanyang pagkain ay isang tinapay lang para sa bawat buwan ng kanyang paglalakbay, at lagi siyang nagdarasal. Nakakita siyang matandang leproso pagkatapos ng 4 buwan na paglalakbay.

VI. GANTIMPALA NG KABUTIHANG LOOB


Nakakita si Don Juan ng matandang sugatan na humihingi ng limos. Ang tanging bagay na hawak ni Don Juan ay isang tinapay, at binigay pa rin niya ito. Noong malaman ng matanda na ito ang huling tinapay ni Don Juan, sinubukan niyang ibalik ito, pero hindi pumayag si Don Juan. Itinuro ng ketongin si Don Juan patungo sa ermitanyong nakatira sa isang dampa. Sa Ermitanyo ay nakita niya ang tinapay na kanyang binigay sa ketongin. Dahil dito, ikinumpara ni Juan ang Ermitanyo kay Hesus. Ito ay isang HIWAGA. BILIN ng ERMITANYO: o Hiwain mo ang palad mo gamit ang LABAHA, patakan mo ng DAYAP ang iyong PALAD para di ka makatulog sa kanta at kagandahan ng Ibong Adarna. o Sa oras na makatulog na ang Ibong Adarna, itali mo ang kanyang paa gamit ang gintong SINTAS at dalhin mo siya sa akin.

VII. ANG KARAPAT-DAPAT


Nakita ni Don Juan ang Ibong Adarna. Nabihag rin si Don Juan sa kanyang kagandahan at ganda, ngunit dahil sa labaha at sa dayap, siya ay nanatiling gising. Pagkatulog ng Ibong Adarna, itinali ni Don Juan ang Ibong Adarna gamit ang sintas para ibigay sa Ermitanyo. Inilagay ng Ermitanyo ang ibon sa isang HAWLA. Binigyan si Don Juan ng isang BANGA at ng tubig para ibuhos ni Juan sa mga bato, para sila ay maging tao muli. o Reaksyon ng Magkapatid: Si Don Pedro ay napaiyak at niyakap ang kanyang kapatid. Si Don Diego ay nagtaka tungkol sa mundo Pareho sila ay masaya dahil sa kanilang pagkaligtas. Siya ay bumalik sa Ermitanyo para magdiwang dahil sa kanilang tagumpay. Dito, ipinagaling ng Ermitanyo ang mga sugat ni Don Juan. Sinabihan ng Ermitanyo ang tatlong magkakapatid na sanay walang magtaksil sa kanila

VIII.

BUNGA NG MASAMANG GAWA

Habang naglalakad pauwi ang magkakapatid, nagkaroon ng masamang balak si Pedro, at isinangkot rin nia si Diego, na hindi makatanggi sa kanyang kuya dahil sa takot.

Ang plano ni Pedro ay ang patayin si Don Juan pag nakuha nila ang ibon, at magpapakita sila sa kanilang ama para makukha ng gantimpala at karangalan. Sabi ni Diego, imbis na patayin si Juan, siya ay bugbugin na lang dahil masamang pumatay. Binugbog nila si Juan na hindi na gumanti. Hinayaan na lang niya na siya ay matamaan. Umuwi sina Diego at Pedro sa kanilang ama. Natuwa siya na makita ang magkapatid, ngunit nang nakita niyang wala si Juan, siya ay nalungkot muli at tilang mas lumala ang sakit. Nagduda ang lahat dahil ang Ibong Adarnang hawak ay pangit ang balahibo at hindi kumakanta.

IX. SAGOT SA TAIMTIM NA DASAL


Sobrang bugbog-sarado na si Juan ngunit hindi pa rin niyang nakalimutan na magdasal sa Diyos. o Ang mga Pinagdasal ni Juan Sana gumaling na ang aking ama Sana patawarin ang aking mga kapatid Sana payagan niyo po akong pumasok sa langit Inaalay ko po ang sarili ko sa inyo, Diyos Bakit po ba ako pinagtaksilan ng aking mga kapatid, o Hesus? May matandang uugod-ugod na nagpagaling kay Juan. Sinabi ng matanda na ang kabutihan ay hindi dapat ginagawa kung ang layon ay hindi dahil gusto mo lang maging mabuti. (You should not do good for a reason other than simply being good.) Umuwi si Juan papuntang Berbanya.

X.

ANG KATOTOHANAN AY LALABAS

Nagbalik ang Ibong Adarna sa kanyang ganda pagdating ni Juan. Pagkatapos niyang maging maganda uli, sinabi niya ang mga katotohanan tungkol sa pagkabigo nina Diego at Pedro at ang kanilang pagtataksil o ANG 7 KATOTOHANAN Naging bato sina Don Pedro/Diego Naging buhay na tao muli sina Pedro & Diego Nagkwento siya tungkol sa tulong ng ermitanyo Nagkwento tungkol sa mga sugat at pinaghirapan ni Don Juan Nagkwento sa balak pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego Tungkol sa aktwal na paggawa ng kataksilan Nagsalaysay tungkol sa matandang uugod-ugod. Nagbigay ng hatol ang hari na bawiin ang lahat ng karapatan ng 2 prinsipe, ngunit hindi pumayag si Juan dito. Pero sinabi ni Don Fernando na pag nagkasala muli ang dalawang taksil, ang kanilang buhay na ang kapalit. Sobrang daming oras ang inaaksaya ng hari sa Ibong Adarna na medyo naiingit na si Donya Valeriana. Inutusan ng hari ang kanyang mga anak na bantayin ang Ibong Adarna.

XI. INGGIT ANG SANHI


Pinatawad na ni Fernando sina Diego at Pedro ngunit nagtangka muli silang magtaksil sa kanilang kapatid.

Pinagbantay ng dalawang taksil si Juan maski hindi pa niya oras. Dahil sa sobrang antok, nakatulog si Juan. Pgkatulog ni Don Juan, pinakawalan ng magkapatid ang ibon. Gumising si Don Juan at noong nakita niya na wala na ang ibon, siya ay natakot dahil hindi niya na alam kung paano pagtatakpan ang kanyang mga kapatid (pagkunsinti) Lumayas si Don Juan at nang malaman ito ng kanyang ama, ipinahanap niya si Juan kay Diego at Pedro. Kahit saan man sila tumingin, hindi nila mahanap ang bunsong kapatid. Nakita nila si Don Juan sa Armenya.

XII. DI-HUSTO ANG TANGAN


Ang Armenya ay isang maganda at payapang lugar kung saan nagpunta si Juan para magsisi sa kanyang nagawa, at para maligtas sa parusang kamatayan ang kanyang mga kapatid. Noong nakita ni Don Diego si Don Juan, siya ay nahiya. Pero sabi ni Pedro kay Diego, Wag kang magpakita ng takot. Sabi ni Pedro, iwanan na lang nila ang Berbanya at ang kanilang mga responsibilidad at manatili na lang sila sa Armenya. Pumayag si Juan dahil ang tangi niyang kahinaan ay ang kanyang sobrang pagmamahal sa kapatid. Masaya ang buhay nila. Isang araw, dahil wala silang magawa, nagliwaliw sila sa Armenya.

XIII.

TAGUMPAY AT TATAG NG LOOB

Ang magkakapatid ay nakahanap ng isang balon. Ito ay marmol na tinutubuan ng gintong lumot. Unang bumaba si Don Pedro dahil siya ang panganay, pero agad siyang bumalik sa taas dahil sa takot sa dilim. Sumunod si Diego pero hindi rin siya nakaabot sa dulo ng balon. Si Juan ang huling bumaba. Tinyaga niya ang dilim at nakarating sa dulo. Sa ilalim ng balon ay may napakagandang lugar, na may palasyong gawa ng ginto at pilak.

XIV.

WALANG DAMBUHALANG KALABAN

Nakilala ni Juan si Juana at agad siyang napaibig. Noong sinabi ni Juan kay Juana na mahal niya ito, agad namang tinanggap ni Juana ang puso nito. May higanteng kasama si Juana sa balon at sa kabutihan ng Diyos, natalo ni Juan ang higante. Nagyaya na si Juan na lumisan sila mula sa balon pero sabi ni Juana, may kapatid pa siyang kailangan niyang iligtas. Dahil hindi makatanggi si Juan sa hiling ng kanyang sinta, siya ay pumayag.

XV. KAHIT PITO ULO NG SERPYENTE Pumanhik si Don Juan sa napakagandang (ngunit napakaliit, at gawa ng ginto)
palasyo kung saan nakita niya ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa buong buhay niya eto si Leonora. Si Leonora ay isang matapang at medyo mataray na prinsesa. Medyo matagal bago masagot ni Leonora ang prinsipe. Dumating ang serpyenta at tinalo ito ni Don Juan gamit ang balsamo at dasal. Lahat sila ay umalis sa balon.

XVI.

MULING PAGTATAKSIL

Nainggit si Don Pedro dahil nabihag siya sa kagandahan ni Leonora. Naalala ni Leonora na may naiwan siyang importanteng singsing sa kanyang
mesa. Dahil ayaw ni Juan na bumalik si Leonora doon (O baka gusto lang niyang magyabang?) nang magisa, tinahak na lang ni Juan ang balon uli. Habang bumababa si Juan sa balon, siya ay muling pinagtaksilan ni Pedro. Ang lubid na nakakabit sa kanyang katawan ay ipinatid ni Pedro, at lumagapak si Juan sa ilalim ng balon. Ibig sanang tumalon ni Leonora para mailigtas si Juan, pero agad siyang pinigilan ni Don Pedro. Pagkatapos ay ipinahayag ni Pedro ang kanyang pagmamahal kay Leonora. Sa Berbanya ay nanaginip nanaman si Fernando nang masama. Sa panaginip, si Juan ay itinali sa isang yungib, sinampal siya at itinulak mula sa isang bangin. Pero naniniwala si Fernando na ang kamaligtaran ang nangyayari sa totoong buhay.

XVII. HANGGANG KAILAN Sina Don Pedro at Don Diego ay bumalik sa kanilang ama. Sinabi nila na hindi nila
nakita si Juan pero nakakita sila ng dalawang prinsesa na kanilang iniligtas (Mga pangahas! Sinungaling!) at kanilang dapat pakasalan. Maski na itoy isang kasinungalingan, hindi sila mapigilan ni Leonora dahil sa kanyang takot. Sina Don Diego at Juana ay ipinakasal, ngunit sinabi ni Leonora na siya ay may panata na nagtatagal ng pitong taon kaya hindi niya mapakasalan si Pedro. Humingi rin siya ng sarili niyang silid ...Lahat ito ay nangyayari habang si Juan ay nagdurusa.

XVIII. MULING PAGHAHANAP, MULING PAGTATAGPO Hinang-hina na ang katawan ni Don Juan nang nakita siya ng lobo. Pinahiga niya
ang prinsipe nang mabuti at pagkatapos ay pumunta siya sa Ilog Herdan kung saan kumuha siya ng tubig gamit ang tatlong bote maski na ang pagkuha ng tubig mula sa ilog ay bawal. Ang tubig ay ipinahid kay Don Juan. Nang gumaling si Don Juan, niyakap ito ng lobo at tinitigan nito si Don Juan, at naalala niya na may singsing siyang kailangang kunin. Pagkatapos ay lumabas sila ng balon (nakakalipad ang lobo) at iniwan na ng lobo si Juan. Sinabihan ng Ibong Adarna si Juan tungkol sa mas maganda pang babae na si Maria Blanca, na nakatira sa Cristales, na may kapatid na sina Isabel at Juana. Nakalimutan ni Juan si Leonora at naglakad papuntang Cristales.

XIX.

ANG GANTI SA MAPAGKUMBABA

Sa Berbanya, si Leonora ay sobrang nalulungkot at ang tangi niyang maisip ay si Don Juan. Sa paghahanap sa de los Cristal, parang siya ay nagugutom at naliligaw kaya noong may nakita siyang matanda, siya ay nanlimos. Wala naman masyadong dala ang matanda ngunit ang isang bukbukin na tinapay, pulut-pukyutan at tubig na nagbigay ng sobrang saya kay Juan. Pumunta si Juan sa isang bumbong para kumuha ng tubig. Nagtanong si Juan kung saan ang Cristales, pero hindi rin alam ng matanda. Pero sinabi niya na may ermitanyo na may alam. Kailangan lang niya na magpakita ng isang baro.

XX. MAGPAKAILAN PA MAN

Nasa isip pa rin ni Leonora si Juan. Minsan, sinusubukan dalawin ni Pedro si Leonora, pero kapag nakikita ni Leonora na hindi si Juan ang bumibisita sa kanya, hindi na binubuksan ni Leonora ang pintuan. Minsan ay sinasamba ni Leonora ang larawan ni Juan, at sumasakit ang puso ni Pedro, dahil nakikita rin niya na sumasakit ang puso ni Leonora dahil sa kanyang kapatid. Nagusap sila ni Leonora at sinubukan ni pedro na pilitin siya na limutin si Juan dahil minamahail rin naman siya ni Pedro.

XXI. BUNGA NG PINAGHIRAPAN Limang buwan nang naglalakad si Don Juan para hanapin ang isa pang Ermitanyo.
Pagkakita ng Ermitanyo (500 years nasa gubat) kay Juan, siya ay nagalit at tinawag siyang isang tukso. Pero nang ibinigay ni Juan ang baro, napaiyak ang ermitanyo at nalamang hindi naman pala tukso si Juan. Tinanong ni Juan kung saan ang Cristales, kaso hjindi niya rin alam. Gamit ang kanyang kampana, tinawag niya ang mga hayop sa lugar. Tinanong niya kung mayroong may alam kung saan ang Cristales, pero wala, kaya inutusan na lang niya ang olikornyo na dalhin si Juan sa kapatid niyang ermitanyo. Pagkakita rin ng isang ermitanyo (800 years nasa gubat) kay Juan, nagalit rin ito. Nang pinakita ang baro, siya rin ay umiyak at hinagkan ang baro. Tinanong ni Juan kung nasaan ang Cristales kaso di rin niya alam. Nagpatugtog na lang siya ng kampana para dumapo ang lahat ng ibon, at tinanong niya kung meron na ba sa kanilang nakatungtong ng Cristales. Wala sa kanila ang may alam, maliban sa isang agila na nahuli sa pagdating. Ang lakbay ay magiging medyo matagal kaya pinaghandaan ito. Ang baon ng agila ay 300 duruan kung saan 5000 ibon ang nakatuhog, at ang mga nagdadala ay ang iba pang mga ibon. Pagkaubos ng baon, sila ay nakarating sa banyo ni Maria.

XXII. AGAD KITANG MINAHAL Hapon (takipsilim) na nang nakarating ang agila at Juan sa banyo ni maria. Sinabi
na 4am pa maliligo si Maria, kaya kailangan niyang maghintay ng konti. Pagdating ni Maria, si Juan ay nabihag dahil sa ganda nito, at paghubad niya, hindi siya makatigil sa pagtingin. Pagpasok ng prinsesa sa tubig, ninakaw ni Juan ang damit ni Maria at hinalikan ito. Nang makita ni Maria na ang damit niya ay nawala, siya ay nagalit. Nagtapat si Juan na siya ang nagnakaw ng damit at nagtapat ng kanyang pagibig para sa prinesang napakarikit. Pinatawad ito ni Maria, pero si Juan ay nagsinungaling nanaman (ang kasinungalingan ay tungkol sa kung paano siya nakarating sa banyo ni Maria) Binigay kaagad ni Maria ang kanyang pagmamahal kay Don Juan.

XXIII. PAGSUBOK SA BINATANG NAGMAMAHAL Nagkwento si Maria tungkol sa mabagsik na kaparusahan ng kanyang ama sa
kanyang mga nakaraang maniligaw, kaya tinuruan ni Maria si Juan kung paano magpakilala at makipagsuyo sa hari. Sinabi rin ni Maria na bawal pumunta si Juan sa palasyo kundi ang kamatayan niya ay matitiyak. Para maniwala ang hari sa mga intensyon ni Juan, kailangan daw niyang sundin lahat ng utos nito. Pero sa totoo lang ay hindi si Juan ang gagawa ng mga utos ng hari, kundi si Maria.

Pagkakita kay Juan ng haring Salermo, sila ay nagkamustahan at ipinahayag ni Juan ang kanyang hiling na mapakasal kay Maria. Sinubukan ni Salermo na papasukin si Juan sa palasyo, pero siya ay tumanggi. Si Don Juan ay binigyan ng utos ng hari (Unang Utos ni Haring Salermo) patagin ang bundok at itanim ang sansalop na trigo na kailangang patubuin ng isang gabi, gawing galapong at pagkatapos ay gawing tinapay ni Juan na kakainin ni Fernando sa susunod na umaga. Gabi na at tinupad ni Maria ang mga hiling ng kanyang ama, gamit ang kanyang mahika blangka. Ginawa niya ang lahat ng ito habang natutulog si Don Juan. Maski napagod si Donya Maria, masaya pa rin siya dahil para kay Juan ang lahat ng ginawa niya. Manghang-mangha ang hari dahil nagawa ni Juan ang kanyang utos.

XXIV.

TAGISAN NG TALINO

IKALAWANG UTOS NG HARI: Ang mga Ita sa Dagat o Ang 12 na itang mahal ng hari ay kanyang itinapon sa dagat. Kailangang makuha ni Juan ang lahat kundi ang parusa ay kamatayan. o Para makuha ang mga ita, lumusong si Maria at sinigawan ang mga ita. Sila ay nagbalikan dahil sa takot. o Malaki ang paghanga ni Salermo kaso hindi siya papayag na matalo ng isang hamak tulad ni Juan. IKATLONG UTOS NG HARI: Ang Bundok sa Harap ng Aking Bintana o Ibig ni Salermo na ang bundok ay ilipat sa harapan ng kanyang bintana para makahinga siya ng sariwang hangin. Pag itoy hindi niya magawa, ang kapalit ay ang kanyang buhay. o Madaling araw ay tinupad na naman ni Maria ang hiling ni Salermo. o Ang hari ay nasindak dahil napakahirap na nga ng mga utos at nagagawa pa rin ito! IKAAPAT UTOS NG HARI: Itabon ang Bundok o Ngayon naman ay gusto ni Salermong ilipat ang bundok sa dagat. Doon ay makakakita dapat siya ng kastilyong magagamit bilang pananggol ng kaharian. o Si Juan ay binigyan ng mga kasangkapang pwede niyang gamitin sa pagtayo ng kastilyo -- bareta, piko, palataw, kutsara, maso, kalaykay kaso sabi ni Maria na hindi niya kakailanganin ang mga ito. o Nagising si Salermo dahil s atugtog ng kanyang mga kanyon, at namangha siya. IKALIMANG UTOS NG HARI: Ibalik ang Bundok o Naisip ni Salermo na ayaw na niya ng kastilyo kaya ipinabalik na lang niya ang bundok. IKAANIM NA UTOS NG HARI: Ang Singsing sa Dagat o Ang singsing ni Salermo ay nahulog sa dagat, at hiling ni Salermo na makuha muli ito. o Ang singsing ay mahahanap sa umaga sa unan ng hari, kung wala, siya ay papatayin. o Ang prinsesa ay nagdala ng hapag, sangkalan, batya at itak. Ito ay ginamit ni Don Juan para tadtarin si Maria. o Pagkalunod ng mga tinadtad na piraso ni Maria ay magiging isda na sisisid sa tubig para hanapin ang nawawalang singsing ni Salermo.

Binilin ni Maria na sanay wag makatulog si Don Juan habang si naghahanap siya ng singsing sa ilalim ng dagat. Kaso, nakatulog si Juan at nakalimutan ang kanyang pangako. o Ang prinsesa ay napagod sa kahihintay kay Don Juan, kaya nahulog muli ang singsing. Ginising ni Maria si Juan at nagalit dahil hindi niya sinunod ang kanyang bilin, pero maski na siya ay may pagkululang, mahal pa rin ni Maria si Juan. o Kinailangang tadtarin muli ang prinsesa, kaso minadali ang trabaho at ang dulo ng hintuturo ni Maria ay tumalsik. Nahanap muli ang singsing kaso napansin ni Maria na hindi na buo ang kanyang daliri. o Nagtaka nanaman ang hari kung paano ginawa ni Juan ang imposibleng gawaing iyon. IKAPITONG UTOS NG HARI: Ang Pagaamo sa Kabayo o Ang ibig ng hari ay paamuin ang alagang kabayo na sobrang hari ng sama. Nang ikinwento ito ni Juan kay Maria, sabi ni Maria na ang kabayo ay sa totoo lang ay ang kanyang ama at kailangang magingat si Don Juan. o Tinuro ni Maria ,kung paano talagand kailangang tratuhin ang kabayo para hindi siya gaanong masaktan at para magtagumpay siya sa gawaing ito. o Dahil sinundan ni Juan ang mga bilin ni Maria, ang kabayo ay umamo. Sinabi ni Maria kay Juan na magkikita daw si Juan at si Salermo sa susunod na araw.

XXV. MALAYANG UMIBIG Ang ama ng prinsesa ay may sakit na malubha kaya malungkot si Maria. May kasiyahan na nangyayari sa palasyo. Ang pagpipili. Dito ay may tatlong
pintuan kung saan pipiliin ni Juan kung sino ang gusto niya (ang nasa likod ng bawat pintuan ay ang isang anak ni Salermo Isabel, Juana at Maria) at ang tanging makikita lang ay ang hintuturo ng bawat anak ni salermo. Si Maria ay nasa ikatlong silid at ito ay kaagad nalaman ni Juan. Tama ang pinili ni Juan ngunit ayaw pa rin ni Salermo na ipamigay ang kanyang anak. Gusto niyang ipamigay si Juan sa kanyang kapatid sa Inglatera kaya medyo nagalit si Maria at nalito kung ano ang mas susundin niya ang kanyang magulang o ang kanyang pagibig? Pinili ni Maria ang pagibig at nagdesisyong magtanan. Sinabi ni Maria na knin ni Juan ang ikapitong kabayo dahil ito ay ang pinakamabilis, kaso hindi sumunod si Juan sa panuto at kunuha ang ikawalo. Nagkamali si Juan sa pagpili ng kabayo kaya naabutan sila ng hari. o Nagtapon sila ng isang karayom na naging kulungan ng kabayo at ni Salermo. o Nagtapon si Maria ng sabon na naging isang matangkad na harang na gawa ng bula. o Nagtapon sila ng isang kohe na nagdulot sa pagiging dagat ng lupang nakalibot sa kanila. Sinumpaan ng hari si Maria dahil alam na niyang wala na siyang magagawa. Isinumpa ng hari na pagtapak ni Juan sa Berbanya, makakalimutan niya si Maria. Namatay si Haring Salermo at sila ay nakarating sa Berbanya.

XXVI.

IKAKASAL NGA BA

Bago silang tuluyang makarating sa Berbanya, iniwan muna ni Don Juan si Donya
Maria sa bahay ng isang pastol sa nayon ng Ermepolis. Kailangan daw munang magpakita ni Juan sa kanyang kaharian at ayusin ang handaan para sa pagdating ni Maria. Ayaw talaga ni Mariang magpaiwan, pero siya ay pumayag ngunit may isang kondisyon na bawal lumapit si Juan sa kahit sinong babae, maski ang kanyang ina. Nang makita ng Berbanya si Juan, sila ay nagdiwang. Ng makita ni Leonora si Juan, siya ay hinimatay at pagkagising ay tumabi kay Juan. Nagtapat si Leonoira tungkol sa kanyang panatang isang kasinungalingan na ginamit lang niya para hindi siya mapakasal sa isang lalaking hindi niya mahal. Nagkwento rin siya na si Juan ang kanyang totoong tagapagligtas at totoong mahal. Pero ang mga ibang kasalanan nina Diego at Pedro, di na niya isinabi. Binigyan ng hari si Leonora ng pagkakataong piliin kung alin sa dalawa ang kanyang gustong pakasalan at pinili niya si Juan. Dahil sa mga sinabi ni Leonora, tila kailangan nang itakwil ni Fernando ang mga taksil, kaso sabi ni Leonora, pagkatapos na lang ng kasal. Nalaman ni Maria na nakalimutan na siya ni Juan gamit ang kanyang mahika. Nagplano na siya ng kanyang paghigiganti.

XXVII.

BAKAS NG NALIMOT NA LUMIPAS

Sa nayon ng Ermepolis, si Donya Maria ay nagpalano ng kanyang paghihiganti. Para magawa niya ang kanyang mga balak, siya ay humiling para sa o Damit na pang-emperatris at isang gintong korona o Isang karosa na may 6 na kutsero 6 na lakayo Mga abay 12 na kabayong pare-pareho ang hitsura Pagdating ni Maria sa kasalan, ipinatigil ni Fernando ang kasal at nagpatugtog para sa kanya dahil siya ay isang importanteng tao. Sabi ni Maria na ang layon niya sa pagpunta sa kasal ay dahil may gusto siyang ipakitang laro. Siya ay naglabas ng prasko na may laman na dalawang itang magasawa. Ikinuwento ng magasawang ita ang istorya nina Maria at Juan. Tuwing magtatanong ang babaeng ita kung naalala mo ba? sa negrito, ang sagot ay laging hindi at pinapalo siya gamit ang isang suplina kaso ang nakakaramdam ay si Juan. At tuwing nasasaktan si Juan, mas lalo lang siyang napapamahal kay Leonora at nainis si Maria.

XXVIII. NAGBALIK ANG ALAALA NG PAGIBIG Nagalit si Donya Maria kasi hindi pa rin siya nakikilala ni Juan kaya nagtangka
siyang ihulog ang prasko para ginawin ang mundo ng Berbanya. Nang nalaan ni Don Juan ito, lumiwanag ang kanyang isip at nakilala niya na sa wakas si Maria. Inamin niya rin na siya ang may kasalanan at na sjya ay mayroon ring kamailan. Sinabi ni Juan na ang tunay niyang gustong pakasalan ay si Maria. Nag narinig ito ni Leonora, siy ay di pumayag at ikinwento niya ang 7 taon niyang pahihintay para kay Juan. Narinig at nalito si Haring Fernando pero ibinigay niya ang karapatan kay Leonora dahil siya ay ang nauna.

Si Maria naman ay nagreklamo dahil ang katwirang ito ay hindi raw tama. Pero maski parang mali nga ang hatol ng hari, itoy hindi niya mabawi dahil siya ay isang hari. Ang arsobispo ang nagdesisyon kung alin ang karapat-dapat kay Juan at ang sabi niya ay dapat si Leonora kasi siya ay nauna. Naniwala si Maria na may mga batas na talagang mali! Dahil sa galit, ang tubig sa prasko ay itinapon ni Maria at gininaw ang Berbanya. Dahil dito, si Don Juan ay sumuko na at sinabi na mahal niya si Maria, at ibinigay kay Pedro si Leonora. Ang puso ni Juan ay sa wakas ay na kay Maria.

XXIX.

MASAYA ANG BUHAY

Lahat sila ay nagpakasal si Pedro kay Leonora at si Juan kay Maria. Si Don Pedro ay naging hari ng Berbanya at si Don Juan ay naging hari ng Cristales. Magaling na hari at reyna sina Juan at Maria at noong sila ay namatay, talagang naalala sila ng mga tao sa kanilang puso.

You might also like