You are on page 1of 3

Ang Kalikasan ay Yaman

By: Maron John B. Vistan Ang kalikasan tunay na yaman Bahagi ng ating kabataan Ang pundasyon ng kinabukasan Pagsikapan at pagkaingatan

Gubat sa bundok ay kayamanan Uri ng buhay matatagpuan Sinag ng araw ay walang kasing kinang Himig ng hangin dalay katahimikan

Ang lambak ng maganda kong hardin Punong-puno ng ibat ibang pananim Gandang bulaklak san man tumingin Masustansyang pagkain ang kanyang hain

Ang pagbabago ay hindi makakamtan Kung ang kalikasan ay mapabayaan Ito ang lakas ng isip at katawan Kapag masira , tayo ang mawawalan.

You might also like