You are on page 1of 1

LUCBAN, JOAN S.

BSED 2-2
MAKRONG KASANAYAN – AWIT

“ ISANG AWIT SA KALIKASAN ”

Sa bawat umaga'y buhay ang kalikasan,


Sa bawat hagikhik ng hangin, may lihim na himig.
Kariktan ng kagubatan, ganda ng kalangitan,
Sa bawat galaw, himig ng buhay, hatid ay himagsikan.

Sa lupang tinubuan, ng mga puno't halaman,


Ligaya't kagandahan, alay sa ating bayan.
Kailangan natin yakapin, alagaan at pangalagaan,
Sa bawat sandali, pagmamahal ang ibigay.

Magtanim ng halaman, sa inyong bakuran,


Maglinis ng basura, sa ating paligid na bayan.
Sa dagat at ilog, pangalagaan ang yamang-tubig,
Buhay ayon sa kalikasan, dapat lagi't lagi't isilid.

Sa bawat hakbang, isang pag-aalay,


Sa inang kalikasan, ating ina na tunay.
Igalang at mahalin, ito'y panawagan,
Sa puso nating lahat, pagmamahal ay daluyan.

You might also like