You are on page 1of 3

Ma. Bernadette I.

Silao
HUMSS 11- Bravery
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Pamagat: Ang Ginto sa ating Kapaligiran
May-akda: John Linarson Z. Napoles
Pinagkunan: http://stemafilipino.blogspot.com/2016/11/ang-ginto-sa-ating-kapaligiran.html
Petsa: Nobyembre 24, 2019

ANG GINTO SA ATING KAPALIGIRAN


May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga sa ating pamumuhay at sa pang araw-araw. Mga
bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating
paligid na nagsisilbing ginto sa ating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay
maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay makinang, mahal,
at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.

Ang mga punong kahoy, na nagbibigay sa atin ng napakasarap na simoy ng hangin, at bumubuo sa sangkap
na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad,
na nagbibigay sa atin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.

Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating kinakailangan sa pang araw-
araw dahil ito ay nagbibigay sa atin ng pagkain. Mga gulay na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay
kulay lila,kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na
walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo.

Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang umaagos. Tubig na
nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin natin
at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.

Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga kulay berde na
dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid.

At ang pinakamagandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa oras ng pagmulat ng ating
mga mata, ang araw – na nagbibigay sa atin ng liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating
planeta, araw na nagbibigay sa atin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.
1. Ano ang paksang inilarawan sa teksto?
1.1 Ang paksang inilalarawan sa tekstong “Ang Ginto sa ating Kapaligiran” ay ang mga gintong
hindi natin napapansin na mahalaga sa ating pamumuhay at sa pang araw-araw. Kung saan ang ginto
ay tumutukoy sa mga likas na yaman sa ating kapaligiran katulad ng gulay, punong kahoy, dagat,
mga halaman, at ang araw na nagbibigay buhay sa atin at marami pang iba.

2. Anu-ano ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa teksto?


2.1 mahiwaga, mahal, mabigat, makinang, napakasarap ,malalapad, matangkad, masustansya, berde,
kulay lila, kulay dilaw, kulay pula, bilog na bilog, malinaw, kulay asul, malalim, kulay berde,
pinakamaganda, bilog, at malaki.

3. Kultura (Relihiyon, Paniniwala, Pamumuhay, Kaugalian, atbp.)


3.1 Paniniwala
3.1.1 Ang kanilang paniniwala na ang ginto ay hindi lamang mahiwaga, mahal, mabigat, at
makinang. Sa iba maituturing nilang mayaman ang isang tao kung ito ay mayroon ginto na
makinang,mabigat, at mahal. Lingid sa kanilang kaalaman ang tunay na ginto ay ang ating
kapaligiran. Ang lahat ng tao ay mayroong sari-sariling pagsisimbolo ng ginto maaring ang
iba ay naniniwala na ang ginto ay ang kanilang pamilya o kanilang kaibigan at marami pang
ibang paglalarawan sa ginto.

3.2 Pamumuhay
3.2.1 Napakalaking bahagi na lamang sakanila ang kapaligiran dahil dito sila naninirahan at
nakakakuha nang kanilang makakain sa bawat araw. Kaya’t ang gintong ito ay nakakatulong
sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

4. Katangian/Anyo/Pisikal (Tao,Bagay,Lugar)
4.1 Ang ginto ay naglalarawan sa mga tao,bagay,lugar at ang lahat ng mga nakikita natin sa
kapaligiran buhay man o hindi itinuturing pa rin itong mahalaga katulad ng isang ginto. Sapagkat ang
gintong ito ay napapakinabangan natin at napupunan nito ang pangangailangan nating bilang isang
taong naninirahan sa isang kapaligiran.

5. Kilalanin ang dalawang uri ng paglalarawan na ginamit ng may-akda sa teksto.


5.1 Obhetibo
5.1.1 Ang mga punong kahoy, na nagbibigay sa atin ng napakasarap na simoy ng hangin, at
bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Ang salitang
naglalarawan ay napakasarap, inilalarawan nito ang salitang hangin o simoy ng hangin.
5.2 Subhetibo
5.2.1 Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito ay mahiwaga,
mahal, mabigat, at makinang. Ang salitang naglalarawan ay mahiwaga,mahal,mabigat, at
makinang, inilalarawan nito ang salitang ginto. Karamihan sa atin naiuugnay natin ang ginto
bilang isang mahiwaga ngunit di nila alam na ang tunay na ginto ay nakikita lamang ito sa
ating kapaligiran.
6. Bakit mahalaga ang paglalarawan ng isang teksto?
6.1 Mahalaga ito sapagkat nakakatulong ito upang mas malawak na maintindihan ng mambabasa
ang mga imahe na nais ipaisp o iparating ng isang manunulat.

7. Ano ang kaugnayan ng sinuring teksto sa,


7.1 Sarili
7.1.1 Iniuugnay ko ang aking sarili sa isang dagat. Ang dagat na patuloy na umaagos. Parang
mga problemang dumarating sa aking buhay, hinahayaan ko na lamang ito at ipinagdarasal
sapagkat alam kong may gagabay saakin at tutulong saakin upang patuloy ding malutas ang
aking mga problema sa buhay.

7.2 Pamilya
7.2.1 Itinuturing kong punong kahoy ang aking pamilya katulad ng nasa teksto sapagkat sila
ang pumoprotekta, gumagabay at sila ang nagsisilbing tahanan ko sa aking buhay at nagiging
kaagapay ko sa pagsulong sa aking mga problema.

7.3 Komunidad
7.3.1 Ang aking komunidad ay maiuuugnay ko sa tubig katulad ng nasa teksto ito ang
pumapawi sa ating kauhawan. Kung maiuugnay natin ito sa komunidad sila ang lumulutas sa
lahat ng mga problema at tumutulong nadin sa mga nangangailangan.

7.4 Bansa
7.4.1 Maiuugnay ko ang bansa sa isang halaman o dahon. Isang halaman na nagmula sa isang
butil ng binhi at kung ito ay inaalagaan at pinoprotektahan patuloy itong yayabong katulad ng
isang bansang nagmula sa maliit ay magiging isang bansang maunlad.

7.5 Daigdig
7.5.1 Ang daigdig ay naiuugnay sa isang ginto sapagkat ito ay mahiwaga at mahalaga, dahil
ang daigdig na ito ay nag-iisa lamang na mayroong taong nabubuhay. mga tao na nagsisilbing
tagapangalaga ng ginto sa ating kapaligiran.

You might also like