You are on page 1of 14

EKO-TULA

Sakdalan sa Kidapawan by Mark Angeles


Etnikong Kasawian by Dennis Espada
Ano ba ang Eko-Tula?
Ang tula ay anyo ng sining o panitikan na
naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat.

Kung ang tula ay maiuugnay sa konseptong


pangkalikasan, ito ay maaaring
matatawag na eko-tula.
Ano ba ang Eko-Tula?
Ito may kakayahang ipagbunyi ang mga
kaganapan tungkol at para sa mga nilalang,
tanawin, likas na yaman, kapaligiran, at kalikasan.
SAKDALAN SA
KIDAPAWAN
Sakdalan sa Kidapawan ni Mark Angeles
Hindi na nga makapagtanim,
Ninakaw pa ang isasaing.

Kami ang binigyan,


Iba ang nakinabang.

Pagbalik namin sa bahay,


Naabuta’y sariling lamay.
Sakdalan sa Kidapawan ni Mark Angeles

Tigang parin ang lupa,


Said na ang aming luha.

Magbabayad ang salarin,


Kami ang maniningil.
Mga Termino
Tigang Said

Tuyo o labis na tuyo, tuyot, walang Ubos o naubos


tubig
ETNIKONG
KASAWIAN
Etnikong Kasawian ni Dennis Espada

Etnikong batas ang nagsasabi sa atin


na dapat mag-alay bago pumutol ng puno;
Lumipat sa bagong lugar pagkatapos
ng anihan. Hayaan ang lupa’y makabawi
Mula sa alaala ng pagkakaingin.

Hanggang ang Green Circle ay dumating sa gubat,


daan-daan ang sinisira araw-araw;
winawasak ang mga batang puno habang ang lahat
ng halama’t hayop, ang kanilang mga pugad,
pati kami, ay pinalalayas.
Etnikong Kasawian ni Dennis Espada
Nagdadalamhati ako sa di-makatarungang pagkaagnas ng pag-asa,
ang pagkatuyo ng mga muhon, patay na mga ilog
Lahat ay gutom habang palabas ang tubo sa baybayin.
sa laylayan at mataas na bahagi ng Sierra Madre
ay masaker ng lagaring de-makina ng mga mangangahoy.

Batid ni Mekedyapat ang aming pagdurusa,


ang mga ninuno nami’y labis na nasasaktan.
Ang dating hiwa-hiwalay na mga angkan ay bumabangon
nang may kolektibong pagkakaisa–ang nawawalang kawing
para ibalik ang aming naglahong paraiso!
Mga Termino
Green Circle Mekedyapat

Developer na nag-o-operate sa Diyos ng mga


General Nakar, Quezon Dumagat
The people revere spiritual beings as guardians
of good faith, and believe that every being on
earth – living or non-living – has a spiritual guide.
Thus, inflicting destruction on any being shall
bring misfortune and illness to the person or
people responsible. (Amos, 2004)
No one can own the land, and nobody should
claim ownership to it. This is Mekedyapat's (God)
gift to the community and not to any individual.
Whatever is gained from the land is shared by
the community...for without the land, the
community dies. (Espada, 2003)
EKO-TULA
Enoc, Christine
Escasinas, Arabela

You might also like