You are on page 1of 1

PAHIMAKAS KAY MS.

GINA LOPEZ

Ms. Gina Lopez, marangal, palaban, maginoo


makakalikasan, aktibista para sa mundo
tagapagtaguyod din ng karapatang pantao
sa D.E.N.R. nga, pagsisilbi niya'y totoo

mga mamumutol ng puno ang sinagasaan


pati sumisira ng kagubatan't karagatan
ang kapakanan ng katutubo'y ipinaglaban
nag-atas na ipasara ang maraming minahan

tulad ni Francisco ng Assisi'y kanya ring batid


araw, hangin, tubig, lupa'y kanyang mga kapatid
kinalaban ang mga mapagsamantala't ganid
kalabang pulos pera ang isip ay nauumid

siya ang malaking hipong sumalunga sa agos


siya ang dragong pumuntirya sa nambubusabos
siya ang agilang kalikasa'y pilit inayos
siya ang anghel sa mga kalupaang nilapnos

Ms. Gina, minero'y natuwa sa 'yong pagkawalay


ngunit kaming narito'y taas-noong nagpupugay
pamana mo'y mga halimbawa't prinsipyong taglay sa buong bansa,
ngalan mo'y nagniningning na tunay

Greg Bituin, Jr.


(Co-convenor, Citizens Environment Network (CEN)
Board member, Greenresearch)

You might also like