You are on page 1of 2

Ang Magpuputol ng Kahoy at ang Diwata

Tagapagsalaysay: Isang hapon, isang mahirap na magpuputol ng kahoy ang pumasok sa kagubatan upang pumutol ng isang puno na gagamiting panggatong. Pinili niya ang isang mataas at tuwid na puno na nasa tabi ng Lawa at sinimulang ihataw ang kanyang palakol. Ang taginting ng palakol ay dinig sa buong kagubatan. Binilisan ng magkakahoy ang pagputol upang hindi siya abutin ng gabi. Ngunit ang matalim na palakol ay lumuwang at natapon sa Iawa. Tumalon ang lalaki sa tubig upang hanapin ang patalim ng palakol. Pauiit-ulit siyang sumisid ngunit hindi niya makita iyon. Naupo siya sa paanan ng kahoy at nagmuni-muni kung ano ang dapat niyang gawin. Walang anu-ano ay biglang lumitaw ang isang diwata na nagtanong. Diwata: Ano ang bumabagabag sa iyo, mabuting lalaki? Arman: Ang patalim po ng aking palakol ay nalaglag sa tubig. Pinag-iisipan ko po kung makikita ko pa iyon. Diwata: Titingnan ko kung ano ang magagawa ko. Sisisirin ko ang lawa. Tagapagsalaysay: Hindi nagtagal at pumaibabaw ang diwata, hawak ang talim ng palakol na lantay na ginto. Kumislap ito nang masilayan ng araw habang ang tubig ay tumutulo. Diwata: Ito ba ang patalim ng iyong palakol? Tagapagsalaysay: Ang magpuputol ng kahoy ay isang mahirap lang na tao. Alam niya na kung mapapasakanya ang gintong palakol, siya ang magiging pinakamayamang tao sa buong baryo. Ngunit kaagad siyang umiling sa tanong ng diwata. Arman: Hindi po, hindi po 'yan sa akin! Diwata: Sige, sisisid ako ulit sa tubig upang itoy hanapin. Tagapagslaysay: Maya-maya ay lumutang siya, hawak ang patalim na kumikinang na pilak. Diwata: Ito ba? Arman: Hindi po, hindi po. lyan po ay hindi sa akin. Diwata: Sa pangatlong pagkakataon, ako ay sisisid upang ang iyong palakol ay kunin. Ito ba ang iyong palakol? Isang lumang patalim na bakal? Arman: Opo, iyan po ang aking patalim. Maraming salamat po sa pag-aabala ninyong makuha ito. Diwata: Nais kong sabihin na ako ay hanga sa iyong katapatan, Dahil dito ay nais kong ibigay sa iyo ang pilak at gintong patalim bilang isang handog kasama na ang luma mong patalim. Arman: Ako ay nagpapasalamat at nagagalak sa handog na iyong ibibigay. Maraming-maraming salamat po. Diwata: Gayunpaman, ako ay humihingi ng isang kahilingan sa iyo. Arman: Ano po iyon. Ako po ay taos pusong susunod.

Diwata: Itigil mo at ng iba mo pang kasamahan ang pagputol ng mga punongkahoy na hindi kinakailangan dito sa lawa. Magtanim ka ng maraming puno at pangalagaan mo ang ating likas na yaman sa bundok na ito. Arman: Masusunod po, diwata. Diwata: Ako ay nanalig sa iyong kakayahan na ito ay iyong susundin. Dahil kung hindi, uulan ng malakas at babaha sa inyung pamayanan. Arman: Naiintindihan ko po. Paalam. Tagpagsalaysay: Umuwi ang magpuputol ng kahoy dala-dala ang ginto at pilak na palakol. Masayang-masaya ang kanyang asawa ng itoy makita. Nena: Saan mo ito nakuha ang mga palakol, na kigaganda at kikinang? Arman: Sa isang diwata na tumulong sa akin sa pagkuha ng aking patalim. Nena: Dapat tayong magdiwang at magpasalamat sa kanya. Tagapagsalaysay: Lumipas ang mga panahon, naging mabuti ang pamumuhay ng magpuputol ng kahoy, at unti-unting nakalimutan ang bilin ng diwata. Maraming mangangahoy ang pumunta sa lawa upang pumutol ng mga punongkahoy. Hindi na rin sila nagtanim ng pampalit sa kanilang mga pinutol. Nagtapon pa sila ng mga basura sa lawa. Nagpakita ang diwata kay Arman sa kanilang bahay habang itoy natutulog. Diwata: Labis akong nalulungkot sa mga pangyayari. Naging maginhawa nag iyong pamumuhay at nakalimutan mo ang aking bilin sa iyo. Ako ay lubhang nasasaktan sa inyong mga pinaggagawa. Isang bagyo ang aking tatawagin upang maghatid ng baha at kalamidad sa inyong lugar. Tagapagsalaysay: Labis na napahiya ang lalaki at umiyak na humihing ng tawad. Arman: Ako ay nahihiya sa aking ginawa. Humihingi ako ng tawad. Naging pabaya ako sa iyong inutos. Diwata: Huli na ang lahat nilalang. Tagapagsalaysay: Umulan ng malakas ng gabi rin iyon. Maraming tubig ang dumaloy mula sa bundok. Wala ng mga puno ang pumigil sa pagdaloy nito. Kaya naman ang kumunidad ay nalubog sa tubig sa mabilis na oras at panahon. Maraming bahay at ari-arian ang nalubog sa baha at putik. Maraming nagutom at may iilan na nasaktan. Nagsisi ang mga mamumutol ng kahoy sa kanilang ipinaggagawa sa kalikasan. Nangako sila na aalagaan na ang kapaligiran. Subali hindi na nagpakita ang diwata magpakailanman.

You might also like