May isang maralitang magkakkahoy na nakatira sa tabi ng
lawa. Isang araw, habang nagpuputol siya ng kahoy, biglang
tumilapon ang kanyang palakol at nahulog sa lawa. Naku! Ang aking palakol. Mahirap na akong makabili ng bagong palakol. Wala na akong magagamit sa aking paghahanapbuhay. Himutok na wika ng magkakahoy. Walang ano-anoy isang lalaki ang lumitaw sa lawa. Bakit ka narito sa aking lawa? tanong ng lalaki. Nahulog po ang aking palakol sa lawa. Di ko po kayang masisid iyon. Hayaan mo at tutulungan kita. Ang wika ng lalaki sabay sisid sa lawa at nang lumitaw ay isang gintong palakol ang tangan. Ito ba ang iyong palakol? tanong ng lalaki Aba! Hindi pos a akin iyan, tugon ng magkakahoy. Muling sumisid ang lalaki at isang pilak na palakol ang kanyang ipinakita sa magkakahoy. Tingnan mong mabuti. Ito ba ang iyong palakol? Hindi po iyan. Lumang-luma po ang aking palakol. Sa ikatlong pagsisid ng lalaki, isang lumang palakol ang kanyang hawak nang siya ay lumitaw. iyan po ang aking palakol, tuwang-tuwang wika ng magkakahoy. Salamat po. Kunin mo na rin ang ginto at pilak na palakol. Gantimpala ko sa iyong katapatan. Pinahanga mo ako. Bihira ang taong katulad mo. Wika ng lalaki. Biglang naglaho ang lalaki sa lawa. Galak na galak na umuwi ang magkakahoy. Ibinalita ang pangyayari sa kanyang asawa.