You are on page 1of 2

TSINELAS

Anekdota ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag
walangsigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapagnahihipan ng
hangin. Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan
ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangkaay hindi gumiwang kapag ito
ay nakatigil sa tubig. Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin
sapaglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ngkaretela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas
ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawasa kahoy ay hindi
nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking inana
magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang
tsinelas at dali dali kong itinapon sadagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

”Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

”Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay walaring silbi sa
akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyangpaglakad. Napatingin ulit sa
akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.
ANG SERMON: ISANG ANEKDOTA
Anekdota ni Mullah Nassreddin

Minsan, inimbitahan si Nasreddin na magbigay ng sermon. Bago siya magsimula, kanyang itinanong, “Alam n’yo ba
kung ano ang aking sasabihin?”

“Hindi po,” sagot ng mga tao.

“Ay! Ayaw kong magsermon sa mga taong hindi alam kung ano ang aking sasabihin.”

Nahiya ang mga tao sa kanilang kamangmangan, kaya’t muli nilang inimbita si Nasreddin.

Tanong niya: “Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”

“Opo,” sagot ng mga tao.

“Ay! Kung alam n’yo na kung ano ang aking sasabihin, hindi ko na aaksayahin pa ang inyong oras,” at umalis si
Nasreddin.

Talagang sobra na ang pagkalito ng mga tao. Nagpasya silang anyayahan ng isa pang beses si Nasreddin, at
pinaghandaan nila ang kanilang isasagot.

“Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”

“Opo,” ang sagot ng kalahati ng mga tao. “Hindi po,” ang sagot ng iba.

Kung kaya’t ang tugon naman ni Nasreddin, “Kayong may alam kung ano ang aking sasabihin… pakisabi doon sa mga
hindi nakaaalam.”

At umalis si Nasreddin.

You might also like