You are on page 1of 3

Ayaw lumisan

Pilitin man nating magsama

Sa kontrata’y walang gustong pumirma,

Isang ihip lang ng hangin,

Tayo’y liliparin

Sa kandungan ng iba pupulutin

Balutin man ako ng ginto

Mananatiling kulay pula ang dugo

Magkikita pa rin tayo

Maaaring sa kabilang mundo

Ehehele na lang ang alaala,

Babaunin kahapong pagsasama,

Mauubos ang oras nating dalawa

Na humihiling na ikaw na lang sana.

Ayaw pa ring lumisan ng pusong nag-iisa.

PAG-IBIG NA WAGAS
May isang dalaga na ubod ng yaman,

Umibig sa abang binatang utusan;

Langit at lupa ang kanilang pagitan

Kaya’t pagmamahala’y maraming hadlang.

Pamilya ni Lira’y ayaw sa binata

Pagkat mangyari’y isa s’yang hampaslupa

Mababang tingin pilit pinamumukha

Kay Simsong mabait, masipag mat’yaga.

Minsang umakyat ‘tong si Simson ng ligaw

Dala’y gitara at bulaklak na dilaw

At kahit na sa kanya ay sadyang ayaw

Ng ama ni Lira’y pilit siyang dumalaw.

Ngunit hindi pa man sa may tarangkahan,

Naroroon ang Don, tila nag- aabang

Kasama’y mga lalaking naglalakihan

Habang mga mata’y puno ng kasamaan.

Pilit tinatagan pusong nagmamahal

Sa Don ay lumapit at nagbigay galang

Ngunit anong sakit nang siya’ duraan

Matapos hamakin ay sinaktan naman.

Mga tauhan nito’y bigla siyang sinuntok

Binugbog, sinipa at sa lupa’y nalugmok

Di pa nasiyaha’y pinalo sa batok

Saka pinatakbo sa hudyat ng putok.

Dahil sa takot ‘di siya nag-alinlangan

Tumakbong matulin tungo sa kung saan

‘Di inalintana sakit ng katawan

Ang makalayo ang tanging nais lamang.

Si Simso’y humayo ng araw ding yaon

Batid na pangarap tangi lamang baon,

Sa kanyang minamahal ‘di maglalaon

Ang maging marapat sa tamang panahon.

Doo’y hinarap samu’t saring hamon

Lahat tiniis para lang maka-ahon

Pilit pinanindigan kanyang desisyon

Na ang kanyang paglayo’y magkakatugon.

Dahil sa nangyari, si Lira’y tumamlay

Masisiglang mata’y nawalan ng kulay;

Nagmukmok sa silid, kalungkuta’y taglay

Pagbabalik ng irog ang hinihintay.

Nagmamahal na ama’y di nakatiis


Para sa anak ay naglaho ang bangis,

Sinaliksik si Simon sa buong libis

Kasiyahan ng anak ang tanging nais.

Ngunit isang taon na ang dumaraan,

‘ni anino ni Simso’y di nasilayan;

Naratay si lira sa kapighatian,

Nagistulang patay ang pusong sugatan.

Lumipas ang araw si Simso’y lumitaw

Matikas na binata ang s’yang bumuglaw

Pansin ang karangyaan sa bawat galaw,

Kaya’t mga kanayo’y tila ba natuklaw.

Tahanan ni Lira ang agad tinungo,

Tiwala sa sarili’t loob ay buo;

Sa pangalawang beses, handang sumuyo,

At muling balikan kabiyak na puso.

Si Don Damyan ang una niyang hinarap

Na nagka-ayos rin matapos mag-usap,

Habang si Lira’y malugod s’yang tinanggap

At muling nabuo, pag-ibig na wagas.

You might also like