You are on page 1of 5

Ang Dalawang Magtotroso at ang

Engkantada
(introduction)
May isang magto-troso na nagtungo sa kagubatan upang
mangahoy ng panggatong.Mabilis ang kilos ng lalaki dahil ayaw
niyang abutan ng dilim ngunit hindi inaasahang biglang
tumilapon sa lawa ang talim ng kaniyang palakol.Naupo siya sa
puno at nag isip kung ano ang susunod niyang gagawin.Biglang
lumitaw ang engkantada.
Engkantada:Ano ang problema mo?
Magtotroso1:Nahulog po sa tubig ang talim ng akin palakol
hindi ko alam kung mahahanap ko ito.
Engkantada:Tignan natin kung ano ang maitutulong ko sa iyo.
Wika ng engkantada sabay talon sa lawa.Paglitaw ng
engkantada,may hawak siyang gintong talim ng palakol.
Engkantada:Ito ba ang hinahanap mo?
Tanong ng Engkantada.Pinag masdan Mabuti ng magto-troso
ang palakol.
Magtotroso1:Hindi,hindi saakin iyan.
Ang tanggi ng magtotroso.Inilapag ng Engkantada ang gintong
talim sa pampang at muling sumisid.Maya-maya muli siyang
lumitaw at may dala naming pilak na talim ng palakol.
Engkantada:Ito ba ang iyong palakol?
Magtotroso1:Hindi,hindi sa akin yan.
Sagot ng magto-troso.Inilapag ng engkantada ang pilsk na talim
sa tabi ng gintong talim at mulinh sumisid sa lawa.Nang muli
syang lumita, may tangan naman siyang bakal na talim
Engkantada:Ito ba ang iyong hinahanap?
Tanong niya.
Magtotroso1:Oo, iyan ang aking nawawalang talim (masayang
sagot ng lalaki) Maraming salamat sa inyong tulong
Engkantada:Hinahangaan ko ang iyong katapatan.BIlang
gantimpala,s aiyo na rin itong ginto at pilak na mga talim.
Sabi ng engkantada habang iniaabot sa kanya ang tatlong talim
ng palakol.Nagpasalamat ang lalaki at masayang masaya siyang
umuwi.
Nakita ng kapitbahay niya na isa ring magtotroso ang dala
niyang mga patalim.Tinanong siya ng kapit bahay kung saan
niya nakuha ang mga talim.
Magtotroso1:Mangyari’y nangahoy ako sa tabi ng isang lawa sa
gubat nang matanggal at mahulog sa tubig ang talim ng aking
palakol.Tinulungan ako ng isang engkantada na mahanap ang
talim,at binigyan niya ako ng dalawa pa.
Pag mamalaking salaysay niya.
Magtotroso2:Sabihin mo sa akin kung paano ako makakarating
doon. Nais ko ring subukin ang akin kapalaran.(wika ng
kapitbahay)
Hindi naman nahirapan sap ag hahanap ang lalaki sa naturang
lawa at sinimulan niya ang pagsisbak ng panggatong.Sadyang
niluwagan niya ang kapit ng talim ng palakol sa puluhan kaya
tumalsik ito sa lawa.Naupo siya sa pampang at kunwa’y
nalulungkot sa kanyang sinapit.Maya-maya’y lumitaw ang isang
Diwata at nagtanong,
Engkantada:Ginoo,tila yata malungkot ka?
Magtotroso2:Mangyari’y nawala ang pinakamalaga kong pag-
aari
Hinagpis ng magtotroso.
Engkantada:ano ang nawala at paano nawala ito?
Tanong ng diwata.
Magtotroso2:Sinisibak ko ang mga panggatong na ito nang
biglang natanggal ang talim ng aking palakol at nahulog sa
tubig.Nag lagay ako ng panibagong talim at nagtrabaho muli
ngunit nahulog nanaman sa lawa.
Naiiyak na kuwento ng magtotroso sa engkantada
Engkantada:Huwag ka nang umiyak,
Wika ng engkantada.
Engkantada:titingnan ko kung ano ang aking maitutulong.
Saka sumisid sa lawa ang engkantada.Nang lumitaw siya,may
tangan siyang isang gintong talim.
Engkantada:Ito ba ang iyong nawawalang talim?
Tanong ng Diwata.Kinuha ng lalaki ang gintong talim at sinabing
Magtotroso2:Oo,ito nga ang aking gintong talim.Maraming
salamat saiyo.Mayroon pa akong isang talim na nawawala.
Engkantada:Susubukin kong hanapin din iyon.
Wika ng engkantada at muli siyang sumisid sa lawa.Habang
nasa ilalim ng lawa ang engkantada,naisip ng lalaki,
Magtotroso2:magiging kasing yaman na ako ng aking
kapitbahay.
Ilang sandal pa’y lumitaw ang engkantada na may hawak
naming pilak na talim.Iniabot niya ito sa lalaki ay nagtanong,
Engkantada:Ito ba ang isa mo pang nawawalang talim?
Inabot ng lalaki ang talim na pilak at nagwika
Magtotroso2:Oo, oo! Iyan nga ang isa pa.Maraming salamat sa
ginawa mong pagtulong sa akin.
Ngunit hindi ibinigay ng engkantada ang talim sa
magtotroso,sinabi nitong,
Engkantada:Hindi mapapasaiyo ang mga ito.Ang mga matapat
lamang ang tinutulungan ko.Ang Mabuti pa’y umalis ka na sa
kagubatang ito,kung hindi ay magsisisi ka!(pag ka sabi nito ay
naglaho na ang engkantada.)
Nanghihinayang na umuwi ang lalaki.
Magtotroso2:Ngayon nawala pa ang aking bakal na talim.(wika
niya sa sarili.)Sana, nagging matalino ako.

You might also like