You are on page 1of 1

Gintong Tigre

“Noon sa Linungao ako kumukuha ng mga kahoy. Umaga nang kumuha ako ng
mga kahoy doon. Naaliw ako sa pangangahoy at paglingon ko, tumakbo palapit sa akin
ang kasama ko at sinabing, “hindi mo ba nakita habang nangangahoy ka? Mayroong
nakatingin sayo.” Sabi ko naman, “anong nakatingin?” sagot niya, “Iyong tigre na
parang ginto.” Sabi ko, “saan papunta?” sabi niya, “nandoon na, dito dumaan.”
Pagtingin ko sa bato, may mga nakadikit na ginto. Kaya naman kinuha ko ang
mga ito at binigay ko lang din sa aking kasama. Totoo talaga iyon pero kasama ko lang
ang nakakita dahil nga nakatuon ang pansin ko sa pangangahoy kasi wala masyadong
mapagkuhanan dito sa Bongtud. Iyon lang ang pangkabuhayan ko dati. Ibebenta ko at
piso ang halaga.
Kinuwento ng aking kasama ang pangyayari subalit pinagtawanan lamang siya.
Sabi pa niya, “ayaw niyong maniwala na kami nga magkasama ni Ondoy. Kahit itanong
niyo pa sa kanya. Siya nga kumuha ng mga ginto na dumikit sa bato.” Kapag naman
nagkakausap kami mg mga tao, natatakot sila kasi raw sa Linungao maraming
engkanto. Takot sila ngunit di ako natatakot pumunta. Ang dapat katakutan taong
lasing, hindi engkanto. Ang engkanto, malayo ka pa nakikita ka na nila at tatakbo sila
papalayo. Samantalang ang mga lasing pag nakita ka, minsan lalapitan ka’t aawayin.
Sa pangyayaring iyon, marami nang nangangahoy sa Linungao pero may iilan pa
ring takot. Marami akong nakukuhang haligi doon na ang halaga’y 25 piso. Iyon ang
pinagkakaperahan ko noon. Pero sa ginto, hindi na ulit ako nakakita. Iyon lamang ang
panahon na nakakita ng isang gintong tigre ang aking kasama.“

Ipinasa ni:
GREZEL CASPE

You might also like