You are on page 1of 3

Pagsulat

ng

Tekstong
Naratibo
SUBJECT:
DATE::
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang

February 18, 2022


teksto tungo sa Pananaliksik
Daloy ng Luksong Dugo
Sabi nila, ang lahat raw ng nagkakasala ay napapatawad. Kahit

sinong tao raw sa mundo ay kayang tanggapin lahat ng mga nangyayari sa

kanilang paglalakbay. Kaya ko ba magpatawad? Sa totoo lang, bihira akong

magpunta o magdasal sa Poong Maykapal. Ngunit sa araw na iyon, ako ay

napaluhod na lamang at napabulong sa hangin, sana ay dinggin ang aking

mga iyak at tanggalin ang panghabang-buhay na pasakit.

Hinigit ako ng aking pinsan papunta sa tindahan ni Aling Luz.


“Teka lang, ano ba? Bakit ka ba nagmamadali diyan?”. Tinanggal ko ang

kamay na nakahawak sa aking braso. Napansin ko ang hagikgik ng aking

pinsan na si Russel. “Sabi ni Ate A, mayroon daw tayong overnight mamaya

kasama ang mga pinsan natin. Matagal na rin kasi tayong hindi

nagkakasama-sama kaya naisipan nila na mag-aya. Ano G ka ba?”. Napaisip

ako dahil sandamakmak pa ang aking mga gagawin sa bahay. Pero nakakamiss

nga ang aking mga pinsan dahil sa tagal naming hindi nagkita-kita. “Sige

sasama ako sainyo. Sa bahay ba ulit ni Diana? “. Ang isa ko pang pinsan

na babae. Sa tahanan nila kami palagi tumatambay o di kaya’y natutulog.

Hilig talaga namin noon pa lamang ang paggagala at pagtitipon-tipon. Kaya

hindi ko lubos maisip kung paano niya kinaya na durugin at wasakin ang

mga masasayang pagsasama namin.

“Huy! Asan si Ate Keith? Hindi ba makakarating?”. Tanong ko

kay Russel. Walo lang kaming nandito sa bahay ni Diana dahil kulang ng

dalawa. Hindi ata makakarating dahil malapit na mag curfew. “Oo, hindi

pinayagan ng kanyang tatay. Marami raw gagawin sa eskwelahan”. Nagsimula

na kami kumain ng pancit canton at naglaro ng piring-piringan hanggang sa

nakatulog ang lahat dahil sa pagod. Naidilat ko bigla ang aking mga mata

dahil sa gulat. Madilim. Siguro dahil pinatay ang mga ilaw. Subalit hindi

lang ang aking paligid ang madilim, kundi pati na ang aking isipan. Akala

ko ay nananaginip lang ako tungkol sa nangyari saamin ng aking ama,

ngunit hindi. Totoo pala. Ang kanyang mga kamay ay nilusot sa aking suot

na blusa at unti-unting tinaas ang kamay sa aking kayamanan. Hindi ako

makapag-isip ng ayos. Akala ko alam ko na ang gagawin. Akala ko

makakasigaw…makakapagsalita…makakatakas, ngunit mali pala ako.

Isang taon na ang nakakalipas simula noong nangyari iyon

saakin. Nalaman ng mga kamag-anak namin ang nangyari. Madalas kong

naririnig sa aking isipan ang mga katagang binitiwan nila saakin.

“Syempre lalaki yun, siguro natukso. Bakit ka pa kasi sumama?”. “Siguro

ginusto mo rin yun. Bakit di ka sumigaw o humingi ng tulong”. Ipinagdasal

ko na lang sa Panginoon na gabayan ako sa aking patuloy na paglalakbay at

siya na ang bahala magpatawad sa nagkasala. Dahil kung ako ang tatanungin

kung kaya ko ba magpatawad, ang sagot ko ay hindi. Habang buhay akong

magluluksa sa mga alaala na sana ay hindi na lang nangyari.

You might also like