You are on page 1of 19

INTERVENTION GROUP

ACTIVITY
P T A N S O A T A W I D K
E A P I G H O G O W K L K
P I L A K I K I W N A F M
S D M A N G A N G A H O Y
E T A P K E A T O Y O T O
R U C H H O T O B O Y B H
T W Q K L U L U I N N M A
E N G K A N T A D A U D K
ACTIVITY

Laro: KAHON NG
TALASALITAAN
Pumili ng kahong bubuksan.

1 2 3 4

TA P O S N A
isang mabait na nilalang
1 A
na nagbabantay sa
kalikasan

Pangit na nilalang

2 B

Taong lasing na mahilig sa


3 C alak

diwata

1
Taong naglilinis ng kubeta

1 A

Taong nangunguha ng

2 B
kahoy sa kabundukan

Taong namimili sa palengke


3 C
Mangangahoy

2
Tumutukoy sa isang bahay

1 A

Bagay na ginagawa natin


ngayon
2 B

Isang komunidad na may


3 C populayon

nayon

3
Pantanggal ng bara sa lababo
1 A

Giangamit panghiwa ng
2 B
sibuyas

Isang kasangkapan na
3 C
ginagamit sa pamputol ng

Palakol
puno

4
Natapos mo na ang
talasalitaan.
PA G B A S A

ANG MANGANGAHOY AT
ANG KANYANG PALAKOL
PA G B A S A

ANG MANGANGAHOY AT
ANG KANYANG PALAKOL
PA G B A S A

ANG MANGANGAHOY AT
ANG KANYANG PALAKOL
PA G B A S A
Isang araw, may isang mangangahoy na
pumuputol ng isang malaking kahoy, malapit sa
isang malaking ilog. Dahil sa pawis at sa pagod ay
dumulas ang kanyang palakol sa malakas na agos
ng ilog. Napaluha ang mangangahoy, sapagkat
siya ay mahirap lamang, at ang palakol na iyon ay
ang tangi niyang kasangkapan sa kanyang
paghahanapbuhay.
PA G B A S A
Nagkataon naman na may isang magandang engkantada
sa tubig ang nakarinig at nagpakita siya sa mangangahoy at
sinabi niya, "Ano ang nangyari? Bakit ka nalulungkot?"
"Nahulog ang palakol ko sa ilog," sagot ng mangangahoy.
"Hayaan mo'y hahanapin ko iyon para sa iyo," sabi ng
engkantada. Agad siyang sumisid sa ilog at paglitaw nito ay
may hawak na isang palakol na gawa sa lantay na ginto.
PA G B A S A
Ito ba ang iyong palakol?" tanong ng engkantada.
"Hindi po," sagot ng mangangahoy. "Napakahirap ko po para
magkaroon ng ganyang kagandang palakol."
Lumusong muli ang engkantada at pagkaraan ng sandali ay
lumitaw ito at ang hawak naman ay palakol na yari sa purong
pilak.
"Ito ba ang iyong palakol?" tanong niyang muli.
"Hindi rin po," sagot ng mangangahoy. "Talaga pong
napakahirap ko upang makabili ng ganyang kagandang
palakol."
PA G B A S A
Nawala na naman ang engkantada, at nang muli itong
sumulpot ay hawak na nito ang isang luma at gamit
nang palakol na yari sa ordinaryong bakal lamang.
"Ito ba ang palakol mo?" tanong niya.
"Opo, iyan na nga po," sagot ng mangangahoy.
Tuwang-tuwa niyang kinuha ang lumang palakol na
iyon mula sa engkantada na umahon na mula sa ilog.
"Maraming salamat po."
PA G B A S A
Ibinigay din ng engkantada sa mangangahoy ang palakol na
gawa sa ginto at ang palakol na gawa sa pilak.
"Ikaw ay tapat at di-nanlolokong mangangahoy," sabi ng
engkantada. "Tanggapin mo ang mga palakol na ito bilang
regalo ko sa iyo, upang maging maligaya ka at mayaman."
Nang mabalitaan ng mga kapitbahay ng mangangahoy ang
kanyang magandang kapalaran ay may isa dito na nagbalak na
magkaroon din ng ganoong pagkakataon. Nagtungo siya sa
may ilog at itinapon niya doon ang kanyang palakol, at
nagkunwaring nalulungkot.
PA G B A S A
Sumulpot din ang engkantada at tinanong kung bakit siya
nalulungkot. Sinabi ng lalaking iyon na nahulog ang kanyang
palakol sa ilog. Sinabi ng engkantada na hahanapin niya ang
nahulog na palakol, sumisid siya pagkaraan ay lumitaw ang
kanyang kamay na hawak ang gintong palakol.
"Ito ba ang palakol mo?" tanong ng engkantada.
"Oo, iyan nga," sagot agad ng lalaki. Inabot niya ang gintong
palakol, ngunit bigla na lamang nawala iyon. Hindi na rin
nagpakita pa sa kanya ang engkantada kailanman.
JOURNAL WRITING
Isulat sa lapis ang iyong mga natutunan sa
araw na ito.

You might also like