You are on page 1of 3

PANULAANG FILIPINO CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: Dranyl C. Macabacyao SEKSYON: N12.1

PAMAGAT NG GAWAIN: Iskrip ng Alamat PETSA:

Alamat ng Ilog Magat


Mga Tauhan:
Tagapagsalaysay
Magat
Aya - Asawa ni Magat
Kabaryo
Lalaki 1
Lalaki 2

Tagapagsalaysay: Noong unang panahon, mayroong isang binatang makisig at


matangkad na nakatira sa kagubatan. Matikas siya, malusog at matipuno ang kanyang
katawan. Ang tawag sa kanya ay Magat.
Kabaryo: Magandang araw sa iyo, Magat.
Magat: Magandang araw din po sa inyo. Kumusta na po sa nayon ngayon?
Kabaryo: Mabuti naman. Kailan ka ba makakabalik doon?
Magat: Hindi ko po alam. Mas gusto ko pong manirahan dito sa kagubatan.
Kabaryo: Ganoon ba. Mukhang mas nagugustuhan mo na nga rito. O sige, ako`y tutuloy
na baka ako`y gabihin bago makarating sa nayon.
Magat: Mag-iingat ho kayo.

Tagapagsalaysay: Matagal nang naninirahan si Magat sa kagubatan kung saan siya


lumaki. Kasa-kasama lagi ang pana nito, saan man siya magtungo o maglakbay.
Hanggang sa isang araw dahil sa paglalakbay niya ay nakarating siya sa malaking ilog.
Magat: Ito na ata ang pinakamalaking ilog na nakita ko.
Tagapagsalaysay: At mula sa pagkamangha niya sa ilog ay natanaw niya ang isang
napakagandang dalaga.
Magat: Siya na ata ang pinakamagandang babaeng nakita ko.
Tagapagsalaysay: Ngunit sa tabi ng dalaga ay natanaw ni Magat ang isang ahas na nasa
PANULAANG FILIPINO CSSH-ABFIL

sanga ng puno. Nakita rin ng dalaga ang ahas at sa takot nito ay lumubog ito sa ilalim ng
tubig at nagtago. Agad na pinatay ni Magat ang ahas gamit ang kanyang pana. Nang
mapatay ang ahas ay agad nilapitan ni Magat ang babae at iniahon ito mula sa ilog.
Binuhat niya ito hanggang makarating sa baybayin.
Magat: Ayos ka lang ba, Binibini?
Aya: Maraming salamat sa pagligtas sa akin.
Tagapagsalaysay: Sa labis na pagpapasalamat ng dalaga ay niyakap niya si Magat.
Aya: Maraming salamat talaga.
Magat: Walang anuman. Wala na ang ahas. Ayos na ang lahat.
Aya: Hindi ko talaga alam ano ang mangyayari kapag wala ka.
Magat: Ayos na ang lahat. Huwag ka nang matakot. Ligtas ka na.
Aya: Salamat. Ako nga pala si Aya.
Magat: Ako naman si Magat.
Tagapagsalaysay: Sa labis na paghanga ni Magat kay Aya ay hiniling niyang maging
asawa ito.
Magat: Maaari ba kitang maging asawa.
Tagapagsalaysay: Pumayag naman si Aya ngunit sa isang kondisyon.
Aya: Pumapayag ako ngunit ipangako mo sa akin na hinding-hindi mo akong titignan
kapag tanghali.
Magat: Pinapangako ko.

Tagapagsalaysay: Namuhay bilang mag-asawa sina Magat at Aya.


Magat: Nagpapasalamat ako dahil tinanggap mo ang kahilingan ko.
Aya: Mas lubos akong nagpapasalamat dahil kung hindi dahil sa`yo hindi ako maliligtas.
Talaga nga sigurong pinatagpo tayo ng tadhana para sa isa`t isa.
Magat: Maraming salamat, Aya. Sa lahat.

Tagapagsalaysay: Dala-dala pa rin ni Magat ang ipinangako nito kay Aya. Ngunit isang
araw ay nainip siya.
Magat: Bakit ba ayaw ni Aya na tignan ko siya kapag tanghali? Sa ganda ng asawa ko`y
tiyak na may malalim siyang dahilan para dito.
Tapagsalaysay: Pagtataka ni Magat sa sarili. Nang magtanghali ay hindi niya napigilang
tignan ang asawa nito. Sa loob ng silid ng asawa, ay nakita niya ito na unti-unting
nagkakaroon ng kaliskis ang buong katawan at tuluyan itong naging isang buwaya.
Magat: Aya! Anong nangyayari sa iyo. Bakit ka nagkaganyan?
Aya: Ipinangako mo ngunit baaa----
Magat: Ayaaaaa! Anoooong----
Aya: Mahal na mahal kita, Magat.
PANULAANG FILIPINO CSSH-ABFIL

Magat: Hindi ka si Aya. Aya, bumalik ka!


Aya: Ipinangako mo sa akin na hinding-hindi mo ako titignan pero hindi mo tinupad.
Magat: Aya, patawarin mo ako. Bumalik ka na sa katauhan mo. Ayaaaaa!!
Tagapagsalaysay: Ngunit hindi na nakasagot si Aya at tuluyan na itong namatay sa
kaanyuan ng isang buwaya. Kumulog nang malakas at biglang nagwika ang kalangitan.
Kalangitan: Dahil sa pagsuway mo, ang kaisa-isang babaeng iniibig mo ay namatay.
Naging tapat ka sana sa iyong pangako Magat, ngunit gayunpaman huli na ang lahat
dahil wala na ang babaeng pinangakuan mo. Namatay siya nang dahil sa iyo. Tandaan
mo ang lahat ng iyan. Dahil sa iyo namatay ang babaeng iniligtas mo dahil sa kainipan at
kahangalan mo!
Tagapagsalaysay: Nawala ang boses ng Kalangitan at biglang bumuhos nang malakas.
Inilibing ni Magat ang katawan ni Aya nang may labis na pagsisisi sa sarili. At dahil sa
labis na dalamhati at kalungkutan, nagpunta si Magat sa ilog at nagpakalunod doon.
Sa paglipas ng panahon, ay naging makapangyarihan ang ilog na iyon.
Lalaki 1: Umaapaw na naman ang ilog. Walang taon ata na hindi umaapaw ang ilog na
yan. Babahain na naman ang palayan sa patag ngayon.
Lalaki 2: Totoo nga siguro ang sabi-sabi noon. Taon-taon na umaapaw ang ilog na iyan
dahil sa paghihinagpis.
Lalaki 1: Anong ibig mong sabihin?
Lalaki 2: May lalaking nagngangalang Magat daw ang nagpakalunod sa ilog nang
mamatay ang iniibig nito. At taon-taong umaapaw ang ilog na yan dahil sa paghihinagpis
niya. Sinasabing siya rin daw ang dahilan ng pagkamatay ng iniibig niya kung kaya`t labis
na ang paghihinagpis nito.
Tagapagsalaysay: At magmula noon ay tinawag nilang Ilog Magat ang ilog na iyon
bilang pag-aalala sa kamatayan at paghihinagpis ni Magat. At doon nagmula at
nagsimula ang Alamat ng Ilog Magat.

You might also like