You are on page 1of 4

MAHAL KO SILA

Inay, mahal kita at nababatid mo.


Sa iyo ko utang, ang abang buhay ko;
Munti pa man iyong kinalinga
Nadarama ko pa iyong pag-aaruga.

Ikaw parin, Ama ko, gabay ng tahanan,


Mapagpahalaga sa dangal ng angkan.
Iminulat ako sa kabutihang asal,
At nang mapanuto sa landas ng buhay.

Ama at Inang mahal na tanging ligaya,


Paglalaanan ko ng aking pagsinta.
Magsisikap ako upang magtagumpay
Sa pangarap nila habang nabubuhay.

------------------------------------------------------------------------------------------------

1. Sino ang tinutukoy sa unang taludtod? Isulat sa malaking titik


2. Sino ang tinututokoy sa unang taludtod ng pangatlong saknong? Isulat ito sa
loob ng isang parisukat
3. Isulat ang bilang ng saknong ng tula
4. Anong damdamin ang ibinabadya sa tula?
A. Pagkamuhi sa magulang
B. Pagmamahal sa magulang
C. Pag-asa sa magulang
5. Sino ang nagsasalita sa tula? Ikahon ang titik ng tamang sagot
A. Ama
B. Ina
C. Anak

ANG BULKANG MAYON

Isa sa pinakamagandang tanawin sa Pilipinas ang Bulkang mayon.


Matatagpuan ito sa Legazpi, Albay. Dinarayo ito ng mga turistang galing sa
iba’t ibang bansa.

Sinasabing isang kababalaghan ang hugis balinsunsong nitong


walang bahid pingas. Kahit man sang panig tingnan, hindi nagbabago ang
hugis nito.

Dating isang bulkang natutulog ang Bulkang Mayon. Nang minsang


sumabog ito, daan-daang tao ang nasawi at nalibing nang buhay sa
kumukulong putik nito. Sa di-kalayuan sa bulkan, naroon ang dating
simbahan ng cagsawa. Natabunang ang simbahang ito at ang pinakamataas
na bahagi lamang ng tore nito ang naiwang saksi sa kalagimang naganap ng
sumabog ang magandang Bulkang Mayon noong araw. Sa kasalukuyan,
nagpapakita na naman ito ng pagiging aktibo.

------------------------------------------------------------------------------------------------

1. Isulat ang pangalan ng bulkang binanggit sa katha.


2. Isulat kung saan ito matatagpuan
3. Iguhit ang hugis nito
4. Isulat kung ano ang tawag sa mga taong dumarayo upang tanawin ito
5. Isulat ang pangalan ng bayang natabunan ng pag sabog ng bulkan
ANG DAGA

Ang daga ay salot sa bahay at bukirin,


Ating pag-isipang sila ay puksain.
Pagkain at palay saka kagamitan,
Sa salbaheng daga, walang kaligtasan.

Paglipol sa daga tunay na mabuti,


Sa lahat ng tao, tulong na malaki.
Magpain ng bitag, gumamit ng lason,
Nang ang mga daga, tuluyang malipol

-----------------------------------------------------------------------

1. Tungkol sa ano ang tula? Isulat sa malaking titik ang sagot


2. Ano ang dapat nating gawin sakanila? Bilugan ang titik ng wastong
sagot
A. Puksain
B. Alagaan
C. Pagyamanin
3. Isulat ang tatlong bagay na binanggit sa tula na hindi ligtas sa daga.
Isulat ang mga ito ng pahanay.
4. Isulat ang bilang ng paraan ng paglipol sa daga na binanggit sa tula.
5. Kaibigan ba ng magsasaka ang mga daga? Sagutin ng Oo o Hindi.
Lagyan ng ekis ang wastong sagot

You might also like