Paano natin masasabi na mapayapa ang isang lugar o ang isang komunidad ? Ilarawan ang isang lugar o bansang mapayapa. Pansinin ang dayagram sa ibaba. Ano ang ipinakikita nito? . POSITIBO AT NEGOTIBONG KAPAYAPAAN Ang positive at negative peace ay mga konsepto na nagsasaad ng iba't ibang uri ng kapayapaan. Ang dalawang konseptong ito ay kadalasang ipinaliliwanag sa larangan ng teorya ng kapayapaan at relasyong internasyonal. POSITIVE PEACE Ang positive peace ay nangangahulugang hindi lamang ang kawalan ng kaguluhan o digmaan, kundi pati na rin ang pagkakaroon ng katarungan, kaunlaran, at paggalang sa karapatang pantao. Ito ay mas malawak na konsepto na nagsisikap na malutas ang mga sanhi ng kaguluhan sa lipunan, tulad ng kahirapan, diskriminasyon, at hindi pantay na distribusyon ng yaman. Ang layunin ng positive peace ay ang pagtataguyod ng isang lipunan na may mataas na antas ng katarungan at pag-unlad. NEGATIVE PEACE Ang negative peace, sa kabilang banda, ay tumutukoy lamang sa kawalan ng direktang kaguluhan o digmaan. Ito ay mas pangunahing nagfofocus sa kawalan ng karahasan kaysa sa pagbuo ng isang masusing batayan para sa pangmatagalang kapayapaan. Maaring ang isang lipunan na may negative peace ay mapayapa sa oras na walang nangyayaring malalang kaguluhan, ngunit maaaring mabuo ang mga tensyon o sanhi ng hidwaan na maaaring muling magdulot ng kaguluhan sa hinaharap. Halimbawa nito ang tigil-putukan sa panahon ng digmaan. PANGKATANG GAWAIN Pangkatin ang klase sa lima. Atasan ang bawat pangkat na umisip ng mga isyu o bagay sa komunidad na may kaugnayan sa kapayapaan.
Bumuo ng poster ang bawat pangkat tungkol dito.
PANGKATANG GAWAIN Pangkatin ang klase sa lima. Atasan ang bawat pangkat na umisip ng mga isyu o bagay sa komunidad na may kaugnayan sa kapayapaan.
Bumuo ng poster ang bawat pangkat tungkol dito.
PANGKATANG GAWAIN Pagpapakita ng bawat grupo ng kanilang natapos na gawain.
Hayaang basahin at punahin ng ibang pangkat
ang ginawa ng bawat isa. Sa loob ng puso ay isulat ang iyong personal na karanasan na may kaugnayan sa kapayapaan. Maaaring ito ay karanasan sa inyong bahay, sa ating paaralan, o sa komunidad. Ibahagi ito sa iyong katabi pagkatapos.