You are on page 1of 2

Mga Elemento ng tula

Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod. Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog. Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan. Talinhaga- Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahuluganng tula.

Tayutay
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang saloobin.

1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag naSimile sa Ingles. Halimbawa: Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit. 2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles. Halimbawa: Siya'y langit na di kayang abutin nino man. 3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.

Halimbawa: Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. 4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Halimbawa: Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis. 6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Halimbawa: Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo. 7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.ONOMATOPOEIA sa Ingles Halimbawa: Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan. 9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. Halimbawa: Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil. 10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: Patay tayo dun.

You might also like