You are on page 1of 4

Idyoma

Ang Idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi


kompusisyonal. Sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang
mga kanya-kanyang salita na nabuo.

Ang mga Halimbawa


sumusunod:

nito

ay

Anghel ng Tahan - anak


Binuksan ang dibdib - Ipinagtapat ang nasa loob
Kabagang - kaibigan/Kasundo
Kabatakan - tropa o kaibigan
Di mahapayang gatang - hindi magpatalo
Di mahulugang karayom- maraming tao
Durugin ang puso - pasakitan
Guhit ng Palad - kapalaran
Haharap sa magaling - mag-aasawa
Hubad sa katotohanan - hindi totoo
I-krus sa noo - tandaan
Isang kahik, Isang tuka - mahirap na pamumuhay

ang

mga

Tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin ang isang


kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di
karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang
saloobin.

. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang


bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng,
tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag
na Simile sa Ingles.

Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.

. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na


ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat
sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito
ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.

. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay,


pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay
na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos
tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa
Ingles.

Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.

. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na


tila ito ay isang tao.

Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.

. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng


kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin
at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Halimbawa:
1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.

. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung


ano ang tunog ay siyang kahulugan.ONOMATOPOEIA sa Ingles

Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay
bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.

Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan, isang


bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.

. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-katauhan na


pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:

1. Patay tayo dun.

You might also like