You are on page 1of 3

The Story of God

Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay.

(In 12 minutes or less)

Ang kuwentong ito ay galing sa Biblia. Tungkol ito sa Diyos na sa simula't simula pa ay narito na at siya ang maylikha ng lahat ng bagay. Sa kuwentong ito, ang Dios lang ang laging gumagawa ng mabuti, ng tama, at ng perpekto. Tinatawag siyang banal. Nagrebelde ang mga Habang nililikha ng Dios ang mundo, nanonood ang mga anghel na anghel laban sa Diyos. nauna na niyang ginawa. Nagkakantahan sila at sumasamba sa Dios...pero ang ilan sa kanila ay nagrebelde laban sa Dios, sinuway ang gusto niya. Itinuturo ng Biblia na lahat ng pagrerebelde laban sa Dios ay tinatawag na kasalanan. At dahil sa kabanalan ng Dios, hindi niya hahayaan ang kasalanan na manatili sa presensiya niya. Kaya pinalayas niya ang mga anghel na 'to (na tinatawag na ngayong demonyo), palayo sa presensiya niya. Nilikha ng Diyos ang tao. Napagpasyahan ng Dios na lumikha ng isang espesyal na nilalang ang tao. Sinabi ng Dios, "Likhain natin ang tao ayon sa ating larawan para maging katulad natin." Inihanda niya ang mundo para maging tirahan ng tao - pinuno niya ito ng mga halaman, mga ibon, mga isda, at iba't ibang uri ng mga hayop. Nilikha ng Dios ang unang mga tao - sina Adan at Eba. Pinatira sila ng Dios sa isang magandang hardin at ipinagkatiwala sa kanila ang pag-aalaga at pamamahala sa lahat ng kanyang nilikha sa mundo. Maganda ang relasyon Naging malapit ang Dios sa kanila, naglalaan ng oras sa kanila ng Diyos sa tao. araw-araw, at ipinapakita sa kanila kung paano mamuhay ayon sa nais niya. Namuhay silang malapit sa Dios at nasa ilalim ng pangangalaga niya - isang buhay na sagana, walang kulang, at walang katapusan. Nagrebelde ang tao Pero ang nakalulungkot, sa kabila noon, pinili nina Adan at Eba na laban sa Diyos. magrebelde laban sa Dios at sa kanyang pamamahala. Pinili nilang mamuhay ayon sa gusto nila, sa halip na ayon sa gusto ng Dios. Dahil hindi hahayaan ng Dios ang anumang pagrerebelde na manatili sa presensiya niya, pinalayas niya sila sa hardin, palayo sa Dios. Dahil dito, pumasok sa buhay nila ang sakit at kamatayan. Kumalat ang kasalanan Pagkatapos nito, dumami nang dumami ang mga tao. Kumalat ang at epekto nito. kasalanan sa mga anak nina Adan at Eba - hanggang sa mga sumunod na henerasyon. Kahit na ang tao'y nilikha ayon sa larawan ng Dios, pinili ng lahat ng tao na suwayin ang Dios. Naging marahas sila sa isa't isa. Nagpatuloy ito sa mga sumunod pang ilang libong taon. Nangako ang Diyos kay Sa kabila nito, nagpatuloy ang plano ng Dios na ibalik ang tao Abraham na ibabalik palapit ulit sa kanya. Nagbitaw siya ng isang matibay na pangako niya ang tao sa kanya. (tinatawag na tipan) kay Abraham. Sinabi ng Dios sa kanya, "Gagawin kitang ama ng isang malaking bansa at magiging tanyag ka. Ang buong mundo ay pagpapalain ko sa pamamagitan ng lahi mo. Ako ang magiging Dios ninyo at kayo ang magiging bayan ko."

Nagtiwala si Abraham sa Diyos. Sinimulang tuparin ng Diyos ang pangako niya.

Ipinangako ng Diyos ang pagdating ng isang Tagapagligtas.

Ibinalita ang pagdating ng Tagapagligtas

Ipinanganak ang isang Tagapagligtas si Jesus!

Nanawagan si Jesus sa mga tao na sumunod sa kanya.

Kahit matanda na si Abraham, naniwala pa rin siya sa pangako ng Dios na bibigyan siya ng anak. Dahil nagtiwala siya sa Dios, itinuring siyang matuwid at nagkaroon siya ng magandang relasyon sa Dios. Nagkaanak si Abraham, at lumaki nang lumaki ang pamilya niya. Tinawag silang Israelita at sila ang bansang magpapakita sa buong mundo kung paano mamuhay ayon sa kagustuhan ng Dios, na malapit ulit sa Dios. Binigyan sila ng Dios ng malaking lupain kung saan lalo pa silang pinagpala ng Dios at binigyan ng kasiyahan ayon sa ipinangako niya. Ngunit habang tumatagal, nagsimulang gawin ng mga Israelita kung ano ang magustuhan nila at nagrebelde sa Dios at sumuway sa mga utos niya. Di na sila nagtiwala sa Dios. Sumamba sila sa mga di-tunay na dios - sa tao, sa mga bagay, sa kayamanan, sa kapangyarihan. Ipinagpalit nila sa mga ito ang Dios. Dahil sa pagrerebelde nila, pinahirapan sila ng Dios at inalipin ng mga bansang kaaway nila. Pero patuloy pa rin ang pagmamahal ng Dios sa kanila. Nangako siyang isa sa lahi nila ang darating para iligtas sila at ibalik sa magandang relasyon sa Dios. Hindi lang sila, kundi lahat ng nilikha ng Dios...pabalik sa dating kalagayan noong una silang nilikha ng Dios. Nagkaroon ng 400 taon na hindi nagsasalita ang Dios sa kanila. Sa panahon ito, tinatawag na silang Judio, nasa ilalim sila ng pamamahala ng Roma, pinakamalakas sa lahat ng kaharian sa buong kasaysayan. Sa wakas, nagpadala ang Dios ng isang anghel sa isang dalaga na ang pangalan ay Maria na taga-Nazareth. Sinabi ng anghel, "Magbubuntis ka at magkakaroon ng isang anak na lalaki at tatawagin siyang Jesus. Maghahari siya at ang kaharian niya ay walang katapusan. Mabubuntis ka sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, kaya siya'y tatawaging Anak ng Dios." Ipinaalam ng Dios kay Maria at sa kanyang mapapangasawang si Jose na ang lalaking ito ang pinakahihintay na haring pinili at ipinangako ng Dios na magliligtas sa kanyang bayan! Totoo nga, noong sumunod na taon, nagsilang si Maria ng isang lalaki na pinangalanan nilang Jesus, ang ibig sabihin, "Ang Dios na nagliligtas." Lumaki si Jesus at minamahal ng Dios at lahat ng nakakilala sa kanya. Sa buong buhay niya, lagi niyang pinipiling sumunod sa gusto ng Dios, gawin palagi kung ano ang mabuti at tama. Nanawagan si Jesus sa mga tao na sumunod sa kanya. Inanyayahan niya silang maging bahagi ng Kaharian ng Dios, nakapailalim sa pamamahala ng Dios. Sabi niya, "Pinagpapala ng Dios ang mga inaaming kailangan nila ang Dios, ang mga mapagpakumbaba't mahihirap, ang mga maamo at maawain - ang Kaharian ng Dios ay para sa kanila. Pinagpapala ng Dios ang mga may malinis na puso, ang mga nasasabik na makasama siya." Itinuro niya sa mga tao na ang Kaharian ng Dios ay nasa puso natin. Sinabi niya, "Ipinakita ng Dios ang kanyang dakilang pag-ibig sa

tao nang ipadala niya ako - ang kanyang nag-iisang anak - dito sa mundo. Sinuman ang magtiwala sa akin at mamuhay ayon sa kalooban ko ay magkakaroon ng buhay na walang kulang at walang katapusan. Ipinadala ako ng Dios para iligtas kayo. Di ako matatanggap ng sinumang nais na patuloy na mamuhay sa pagsuway at sa kadiliman. Inaako nila ang hatol ng Dios para sa kanilang sarili. Pero ang mga nais mamuhay sa kalooban ng Dios ay magtitiwala sa akin at mabubuhay magpakailanman!" Namatay si Jesus sa krus Tulad ng ipinangako ng Dios, ipinadala niya si Jesus para iligtas ang at muling nabuhay. mga tao mula sa kanilang pagsuway at sa parusa ng kamatayan. Tinanggap ng Dios ang matuwid na pamumuhay ni Jesus bilang kahalili natin. Binugbog siya at ipinako sa krus, dala-dala ang parusang nararapat para sa lahat ng mga taong sumuway sa Dios! Sa ikatlong araw nagtagumpay siya sa kamatayan nang buhayin siyang muli ng Dios. Nakita ito ng mahigit sa 500 saksi. Umakyat sa langit si Pagkatapos, bumalik na si Jesus sa kanyang Ama sa langit, kitang-kita Jesus at ipinadala ang ng mga tagasunod niya ang pag-akyat niya sa ulap! Nangako Espiritu. siyang ipapadala niya ang kanyang Espiritu para manirahan sa kanila. Ang Espiritu ang magpapaalala sa kanila ng lahat ng itinuro ni Jesus, babago sa kanilang mga puso para maging tulad ni Jesus, at magbibigay sa kanila ng kakayahang mamuhay sa kagustuhan ng Dios tulad ng ginawa ni Jesus. Inutusan din ni Jesus ang kanyang mga tagasunod na puntahan ang mga tao at ikuwento sa kanila ang tungkol kay Jesus - ang buhay niya at ang pagkamatay niya bilang handog na umako sa parusa sa kanilang mga kasalanan - at akayin sila para magtiwala sila sa kanya at sumunod sa kanyang kagustuhan. Nagsimulang mabuo ang Ito ang simula ng tinatawag ng Bibliya na Iglesiya (Church) - isang Iglesia. komunidad ng mga tao sa buong mundo na dahil sa ginawa ni Jesus ay may buhay na walang kulang, malapit sa Diyos, at sumusunod sa kanyang mga kagustuhan. Muling babalik si Jesus. Inaanyayahan tayo ng Diyos na maging bahagi ng napakagandang kuwentong ito...nagpapatuloy ang kuwentong ito hanggang ngayon! Sinabi din ng Bibliya ang katapusan ng kuwentong ito. Nangako si Jesus na isang araw ay babalik siya para tuluyang tapusin na ang lahat ng kasamaan, kasalanan at pagrerebelde sa Diyos. Pagkatapos, wala nang sakit, hirap, at kamatayan. Magiging ganap ang pagdating ng Kaharian ng Diyos, at lahat ng tao at lahat ng bagay ay papasailalim sa kanyang pamamahala. Bago dumating iyon, patuloy tayong mamumuhay ayon sa kagustuhan ng Diyos, sinasabi at ipinapakita sa mga tao kung ano ang klase ng buhay na nasa loob ng kaharian ng Panginoong Jesus.
Source: Gospel DNA Leaders Guide, GCM Collective, http://www.gcmcollective.com/article/gospel-dna/; Storying and Church Formation, WigTake Resources, http://www.movements.net/wp-content/uploads/2010/09/Storying-Church-Formation-2010.pdf

You might also like