You are on page 1of 12

TALAKAYAN SA ZAKAT

ANG KAHULUGAN NG ZAKAT: Obligadong karapatan sa partikular na kayamanan para sa partikular ng isang grupo ng tao sa partikular na panahon. ANG KINALALAGYANG ANTAS NG ZAKAT: Itoy isa sa mga saligan ng Islam. At sa katunayan pinapag-isa ito ng Allah sa Salah sa karamihang puwesto ng kanyang aklat (Quran). Sinabi ng Allah: [ ] {At itatag ninyo ang Salah at ibigay ninyo ang Zakat at magsi-yuko kayo kasama ng mga nagsisiyuko (nagsasalah)}. Al Baqarah:43 At sinabi ng Propeta (S.A.W.):Binubuo ang Islam sa lima: Ang pagsaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at si Muhammad ay sugo ng Allah, Ang pagsasagawa ng Salah, Ang pagbibigay ng Zakat, Ang Hajj, At ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan] Isinalaysay ni Al Bukhari at Muslim. At nagsimula ang pagka-obliga nito noong ikalawang taon ng Hijrah. At ang sinuman ang tumanggi sa pagka-obligatory nito. sa katunayan titiwalag siya sa pananampalataya dahil lang rito, kahit ibigay man niya ito o hindi. At ang sinuman ang patunayan ang pagka-obligatory nito at pagkatapos ay ipagpaliban niya ang pagbigay nito at ipagkait, tunay na siyay suwail. At kung magka-isa ang isang pangkat ng mga tao sa pagpipigil nito, silay pupuksain. MGA KARANGALAN NG ZAKAT: 1- Paglilinis sa sarili at kayamanan, itoy hindi multa at hindi buwis bagkus nakakapagdagdag ng tubo at grasya. Sinabi ng Allah: [ ] {Kunin mo mula sa mga ari-arian nila ang sadaqah (Zakat) na siyang maglilinis sa kanila (sa pagkagahaman sa sarili) at magpapakabanal sa kanila dahil rito}. Attawbah: 103 2-Pagmamagandang luob sa nilalang at pag-aaruga sa pagitan ng mga tao ng lipunan. 3-Bilang pagsubok sa sinumang inubligahan rito, salalaong baga siyay nakakalapit sa allah sa pagbigay nito. MGA KUNDISYON SA PAGKA-OBLIGADO NG ZAKAT: 1-Ang pagiging Muslim, dahil itoy paglilinis (sa sarili) at ang pagano ay marumi (Dahil sa di-pagsampalataya-Kaya naman hindi karapatdapat ito para sa kanya-). 2-Ang pagiging malaya: (Hindi alipin) dahil ang alipin ay hindi nag-aari ng kayamanan bagkus ang amo nito ang nagmamay-ari ng kayamanan nito. 3-Ang pag-ari ng Nisab:(Tamang sukat na siyang itinalaga ng batas sa pagkaobligado ng Zakat). 4-Ang pagkatiyak sa pag-ari: Maging tiyak ang pag-aari sa isang bagay at hindi dapat ito agad nasisira o nakabahagi ang karapatan ng iba. 5-Ang pagkalipas ng isang taon: Ibig sabihin ang pagkabuo nito sa lahat ng mga kanaisnais para rito pagkalipas ng isang taon mula nang mapasakanya ang pag-aari nito. ANG MGA ARI-ARIAN NA DAPAT KUKUHANAN NG ZAKAT 1-Ginto, Pilak, at Pera.

2-Ang Produkto mula sa lupa (Mga butil at Prutas). 3-Mga paninda (Ari-arian) na binibinta (Tulad ng mga hayop, Sasakyan at lupain Atbp). 4-Mga hayop (Kamilyo, Baka at Tupa).

MGA KAANYUAN NG KAYAMANAN:

URI NG YAMAN Ang Ginto, Pilak at Pera:


Ang Ginto Ang Pilak Ang Pera

NISAB
85grs. 595 grs. Kung kailan umabot sa Nisab ng ginto o pilak 618 kg. /30 Saa 618 kg. /30 Saa

ZAKAT
2.5 % 2.5 % 2.5 % 10 % 5%

Ang Produkto mula sa lupa (Mga butil at Prutas):


A-Kapag pinatutubigan sa pamamagitan ng ulan o patubigan na umaagos. B-Kapag ginagastusan ang pagpapatubig

Mga Paninda (Ari-arian) na binibinta:


Ang anumang bagay na kusang inilaan para ibibinta sa layuning pagpapatubo ng datong Kung kailan aabot ito sa nisab ng Ginto 0 Pilak 2.5 %

Ang mga hayop (Kamelyo, Baka, Tupa at Kambing):


Mga kondisyon sa pagka-obligado ng Zakat sa mga Hayop: 1-Ang gawing itoy produkto ng gatasan at paparamihin, Hindi para ipagtrabaho. 2-Itoy malayang ipastol (Manginain ng damo).

Tupa at Kambing

40 120 ( Tupa ) 121 200 ( Tupa ) 201 - Pataas 30 - 39 40 - 59 60 Sa bawat 30 O kaya Sa bawat 40 Bababa ng 25 ( Kamelyo ) ( Bawat 5 ( Kamelyo 25 - 35 36 45
2

1 ( Tupa ) 2 ( Tupa ) 3 ( Tupa ) ( Sa bawat 100 - 1 Tupa ) 1 ( Bisiro 1 Taon ) 1 ( Bisiro 2 Taon ) 2 ( Bisiro 2 Taon ) 1 ( Bisiro 1 Taon ) 1 ( Bisiro 2 Taon ) 1 ( Tupa ) 1 Babaing Kamelyo ( 1 Taon ) o kaya 1 Lalaking Kamelyo ( 2 Taon ) 1 Babaing Kamelyo ( 2 Taon )

Baka

Kamelyo

46 - 60 61 75 76 90 91 120 121 Sa bawat 40 O kaya Sa bawat 50

1 Babaing Kamelyo ( 3 Taon ) 1 Babaing Kamelyo ( 4 Taon ) 2 Babaing Kamelyo ( 2 Taon ) 2 Babaing Kamelyo ( 3 Taon ) 3 Babaing Kamelyo ( 2 Taon ) 1 Babaing Kamelyo ( 2 Taon ) 1 Lalaking Kamelyo ( 3 Taon )

ANG MGA MAY KARAPATANG TUMANGGAP NG ZAKAT: Sinabi ng Allah:


[ ]

{Ang mga Sadaqah (Zakat) ay para lamang sa mga Dukha, Mga nangangailangan, Mga lumilikom nito, Mga sinasanay ang kanilang kalooban (sa Islam), Mga Alipin (Upang maging malaya), Mga lublub sa utang (Walanh pambayad), Sa landas ng Allah (Mga nakikibaka-Mujahideen-), Kinapos ng panustus sa daan. Itinakdang ubligasyon mula sa Allah, ang Allah ang siyang nakaaalam (sa karapatan ng bawat isa) Matalino (kapag ka nag-atas ng batas). Attawbah: 60 Al-Fuqara: Sila yaong mga hindi nila kinikita ang kanilang kasapatan sa kanilang kabuhayan. 2- Al-Masakin: Sila yaong mga hindi nila kinikita ang kahigitan ng kanilang kasapatan sa kanilang kabuhayan. 3- Ang mga lumilikom nito (ng Zakat): Kung wala silang mga pasahod rito. 4- Mga mahihina ang kalooban: Kapag napapatunayan ang pagyakap nila sa Islam. 5- Ang mga aliping nakatalaga na magbigay ng tubos subalit wala silang matagpuang pantubos. At gayon din ang bihag na Muslim. 6- Ang baon sa utang: A-Utang para sa ibang tao (Pambayad sala ) . B-Utang niya mismo; May mga utang subalit hindi kayang bayaran. 7-Sa landas ng Allah: Ang mga nakikibakang-kusang loob, walang tinatanggap na pasahod sa kanila. 8-Ang Biyahero: Ang manlalakbay na kinapos ng panustus sa kanyang paglalakbay.
1-

MGA PANGKALAHATANG TALA SA ZAKAT: 1-Puweding ibigay ang Zakat sa lahat ng naunang nabanggit na mga uri o kaya ituon na lang sa isang uri. 2-Dapat huwag magbigay sa di-sumasampalataya maliban kung ito ay bilang pagpapalapit ng kalooban. 3-Hindi puweding ibigay ito sa mayaman, at hindi rin puwede isa sa mga lahi ng AlHashimey. 4-Mas mainam na ibigay ito sa mga malapit niyang kamag-anak na nangangailangan. 5-Hindi puweding ibigay ito sa mga malalapit na kamag-anak na obligatoring tustusan. 6-Ang mas mainam ay huwag ipadala ito sa ibang bansa ng nagbibigay. 7-Puwede sa asawang babae ang magbigay ng Zakat sa kanyang asawa. 8-Walang Zakat ang mga bagay na kusang inilaan sa pansariling gamit tulad ng hikaw o kuwentas na ginto at iba pa subalit mas mainam na ibigay ang Zakat nito. 9-Ang Zakat ng mga kusang inilaan upang rerintahan, dapat ay sa tubo ng pinarerintahan hindi sa kapital ng ari-arian. 10-Ang Zakat ng Produkto ng lupa, ito ay sa takdang panahon ng pag-aani. 11-Ang Zakat ng minang natagpuan (mga kayamanan na ibinaon sa panahon ng kamangmangan) ay 1/5 ng kayamanan.
3

12-Ang Zakat ay dapat ibigay agad ito sa takdang oras ng pagka-obligatory nito at puwede rin ibigay bago sumapit ang takdang iyon. At ito ay isang bayarin na pinapasan ng taong namatay na dapat niya itong linisin upang sa kawalan ng kanyang kasalanan. KABANATA PARA SA ZAKATUL-FITR Ang kahulugan nito: Isang Saa (Sukatan para sa mga butil) sa pagkain, at ito ay ilalabas at ibibigay sa mga maralita bago magsalah ng Eid Al-Fitr, ito ay nagsisilbing panlilinis ng nag-aayuno sa mga masasamang salita at gawain na kanyang nagawa sa sandali ng kanyang pag-aayuno. Ang dami nito: Isang Saa mula sa pangunahing pagkain ng bansa (Halos katumbas ng tatlong kilo) at ito ay apat na akop ng palad (Akop ng katamtamang lalaki). ANG LAYUNIN SA PAGKALIHITIMO NITO: Tulad ng nabanggit, ito ay nagsisilbing panlinis ng nag-aayuno mula sa mga masasamang salita at gawain. At pagpapakain sa mga dukha at pagpupuno sa kanilang pangangailangan sa araw ng Eid. At ito ay bilang pagpapasalamat sa Allah sa pagkaganap ng obligatoring pag-aayuno (Buwan ng Ramadhan). At tungkulin ito: ng bawat Muslim, Bata man o matanda at ito ay tungkulin din ng mga taong may katungkulan tumustus sa kanilang mga asawa, anak at mga malalapit na kamag-anak. Mas mabuti na pati na yaong mga sanggol na nasa sinapupunan pa ay tungkulin din ng ama ang magbigay ng Zakatul-Fitr sa kanila. Si Abdullah bin Umar (Raa) ay nag-ulat, sinabi niya:[Itinakda ng Sugo ng Allah (Saw) ang Zakatul Fitr na isang Saa ng Trigo o kaya isang Saa ng Barley tungkulin ng taong alipin at taong malaya, Lalaki at Babae, maliit at malaki sa mga Muslim]. Isinalaysay ni Al Bukhari At ang may karapatan nito: ay ang mga maralita ng mga Muslim. Ang oras ng pamimigay nito: Ipinag-uutos ng Sugo (Saw) na ipamimigay ito bago isagawa ang Salatul Eid, at puweding ipamimigay ito sa loob ng isang araw o dalawang araw bago magsagawa ng Salatul-Eid, subalit ang pinakamainam na oras ng pamimigay nito ay sa araw ng Eid bago magsasalah. KABANATA NG SIYAM (PAG-AAYUNO) ANG KAHULUGAN NG PAG-AAYUNO: Sa Letiral na kahulugan ay: ang pagpigil. Sa pambatas na kahulugan: ang pagpipigil sa pagkain, pag-inom at pakipagtalik magmula sa pagsapit ng madaling araw hanggang sa lumubog ang araw. ANG PAGKALIHITIMO NG PAG-AAYUNO: Itinalaga ng Allah ang pag-aayuno batay sa kanyang sinabi: {O kayong mga mananampalataya! Itinalaga sa inyo ang pag-aayuno na tulad ng pagkatalaga sa mga nauna sa inyo, baka sakaling maging banal ang pagkatakot ninyo}. Al-Baqarah: 183 At sa kanyang sinabi: [ ] {At ang sinumang nakasaksi sa inyo sa Buwan (Ramadhan) ay nararapat na pag-aayunuhan niya ito}. Al-Baqarah:185
4

[ ]

At sinabi ng Sugo (Saw): [Binubuo ang Islam sa lima ..at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan]. Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim. MGA PAKINABANG NG PAG-AAYUNO: Sa pag-aayuno ay may mga Espirituwal, Panlipunan at kalusugan na kapakikinabangan. 1-Pagkabanal sa sarili, at nililinisan nito ang mga masasamang asal. 2-Nakapagbabawas ng pagtingin sa karangyahan sa Mundo at nakapag-aakit ng kalooban sa Huling Araw. 3-Nakapagsasanay sa pagiging matiisin at masunurin. 4-Nagtatalaga ng pagkahabag sa mga Dukha at pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim. 5-Nakapagbabawas sa pagkahilig kumain at nakapagpapahinga ng panunaw ng pagkain. 6-Ito ay kabilang sa pinakadakilang dahilanan sa pagpapatunay ng kabanalan ng pagkatakot. MGA KATANGIAN NG PAG-AAYUNO: Sinabi ng Propeta (Saw):[Ang pag-aayuno ay pananggalang mula sa lumalagablab na apoy]. Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim. Si Abu Hurayrah ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ng Allah (Saw): [Ang sinumang pagaayunuhan ang buwan ng Ramadhan, bilang wagas na pagsasampalataya at paghahangad ng gantimpala ay patatawarin ang kanyang mga naunang kasalanan]. Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim. Si Abu Hurayrah (Raa) ay nagsabi: sinabi ng Sugo ng Allah (Saw):[Ang sinumang itatag ang Ramadhan bilang wagas na pagsasampalataya at paghahangad ng gantimpala, patatawarin ang kanyang mga naunang kasalanan]. Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim. Si Abu Hurayrah (Ra) ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ng Allah (Saw):[Sinabi ng Allah: Ang lahat ng gawain ng anak ni Adam ay sa kanya maliban sa pag-aayuno sapagkat sa Akin ito at Ako ang ang maggagawad ng gantimpala nito, ang pag-aayuno ay pananggalang (sa lumalagablab na apoy ng Impiyerno) at kung ang isang araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo ay hindi nakapagsalita ng masasamang salita o nakipagtalik sa asawa at hindi kayo nakapagtaas ng boses (dahil sa galit) at kung sinusumbatan siya ng isa o kaya nais makipag-away sa kanya. Sasabihin lamang niya:Tunay na ako ay isang nagaayuno. Sumpa man sa may hawak ng buhay ni Muhammad, Ang hininga na nanggagaling sa bibig ng nag-aayuno ay mas mainam sa Allah kaysa halimuyak ng Musk, ang nag-aayuno ay may dalawang kasiyahan na kanyang ikinatutuwa: (Una) Kapag nagsimula siya kumain ng kanyang Iftar siya ay nasisiyahan. At (Pangalawa) kapag makatagpo niya ang kanyang Panginoon siya ay masisiyahan (Sa gantimpala ng kanyang pinag-aayunuhan) ]. Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim. Si Abu Hurayrah (Ra) ay nag-ulat; Katotohanan, ang Sugo ng Allah (Saw) ay nagsabi: [Kapag sumapit na ang buwan ng Ramadhan ay binubuksan ang mga pinto ng Paraiso] Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim. MGA PAMAMARAAN NG PAG-ALAM SA PAGSAPIT NG RAMADHAN: Una:Masilayan ang gasuklay na buwan ng Ramadhan o ang pagsasaksi ng isang taong mapagkakatiwalaan na kanyang nakita ito. Sinabi ng Allah: [ ] {Ang sinumang makasaksi sa inyo ng Buwan (Ramadhan) ay nararapat niyang pag-aayunuhan ito}.Al-Baqarah:185
5

Si Abu Hurayrah (Raa) ay nagsabi: Sinabi ng Propeta (Saw):[Mag-umpisa kayo ng pagaayuno kung kailan ninyo makikita ito (Ang buwan ng Ramadhan) attatapusin ninyo ang inyong pag-aayuno kung kailan ninyo nakita ito]. Isinalaysay ni Al-Bukhari. Pangalawa:Maging ganap ang bilang ng buwan ng Shaban ng tatlumpong araw. Ang patunay nito: Si Abdullah bin Umar (Raa) ay nag-ulat; Sinabi ng Propeta (Saw): [At kung natabingan sa inyo (Ang Buwan) ang dapat sa inyo ay tantiyahin ninyo ito]. Isinalaysay ni Muslim. At tungkol sa pagtatapos ng buwan ng Ramadhan: Ito ay dapat masaksihan ng dalawang lalaking mapagkakatiwalaan. ANG MGA URI NG PAG-AAYUNO: A) Ang ubligadong pag-aayuno: 1-Ramadhan 2-Kabayaran 3-Panata B) Hindi ubligadong pag-aayuno: 1-Kusang loob 2-Kinamumuhian 3-Ipinagbabawal ANG MGA SALIGAN NG PAG-AAYUNO: 1-Layunin (Anniyyah). 2-Ang pagpigil: sa mga nakapagpapawalang saysay sa pag-aayuno magmula ng madaling araw (Fajr) hanggang sa paglubog ng araw. ANG MGA KONDESIYON NG PAG-AAYUNO: 1-Ang pagka-muslim. 2-Ang pagsapit ng hustong gulang. 3-Ang kaisipan 4-Ang naninirahan 5-Malaya sa mga nakapagpipigil ng pag-aayuno: at ito ay partikular lang sa mga kababaihan mangyaring hindi siya sa buwanang regla o kapapanganak.

ANG MGA KONDESIYON SA KAGANAPAN NG PAG-AAYUNO: 1-Ang pagka-Muslim. 2-Ang Layunin :sa nakaraang gabi. 3-Ang kaisipan. 4-Ang pagkakilala. 5-Ang pagtigil ng dugo ng inaaregla. 6-Ang pagtigil ng dugo ng bagong panganak. ANG MGA MABUBUTING GAWAIN SA PAG-AAYUNO: 1-Ang maagang pag-aalmusal sa sandaling lumubog na ang araw. Sinabi ng Sugo ng Allah (Saw):[Mananatili ang mga tao sa kabutihan hanggat inaagahan nila ang pag-aalmusal (sa pag-aayuno). 2-Ang pag-aalmusal ng Rutab o Tamr (Mga uri ng bunga ng Palmera) o kaya tubig, batay ito sa sinabi ni Anas: [Kaugalian ng Propeta (Saw) ang mag-almusal ng mga Rutab bago magsagawa ng Salah at kung walang Rutab ay Tamr at kung walang Tamr ay ilang taga ng baso ng tubig]. Isinalaysay ni Ahmad at Abu Daud at ni Al-Tirmeziy.
6

3-Ang 4-Ang 5-Ang 6-Ang 7-Ang 8-Ang

pananalangin sa sandaling mag-aalmusal. pagpapahuli ng sahur (Pag-aalmusal sa madaling araw). pagpaparami ng mga mabubuting gawain at ng gawaing kusang-loob. pagbabasa ng Quran, at pagsasagawa ng Umrah. pagsasagawa ng mga panggabing Salah (Taraweeh). pamamalagi sa Masjib (Al-Itikaf).

MGA KINASUSUKLAMAN SA PAG-AAYUNO: 1-Ang pagmamalabis sa pagmumog at pagsingot ng tubig. 2-Ang pagsisinungaling, pagsasalita ng mga malalaswang salita, paglilibak at paninirang puri. 3-Ang mga pumupukaw ng kalibugan. ANG MGA KADAHILANANG PINAHIHINTULUTANG IHINTO ANG PAG-AAYUNO (KUNG KINAKAILANGAN). 1-Ang paglalakbay. 2-Ang may sakit. 3-Ang Buwanang Regla at ang bagong panganak. 4-Ang pagkatakot sa ikapapahamak ng isang tao alang-alang sa kaligtasan nito, ang pagbubuntis at ang nagpapasuso. ANG MGA BAGAY NA NAGPAPAWALANG-BISA SA PAG-AAYUNO: 1-Ang pagkain, pag-inom at ang mga katulad nito. 2-Ang pakikipagtalik. 3-Ang pagsusukang sinasadya. 4-Ang sinasadyang paglabas ng punlay sanhi ng pagnanasa. 5-Ang pagsapit ng Regla at ang pagpanganak. 6-Ang pagpapalabas ng maraming dugo mula sa katawan. 7-Ang pagpapasiyang ihinto ang pag-aayuno. NAGKAKAROON LAMANG NG BISA ANG MGA NABANGGIT NA NAKAKASIRA NG PAG-AAYUNO BATAY SA MGA SUMUSUNOD 1-Ang pagkaroon ng Kaalaman. 2-May sariling kapasiyahan. 3-Ang sinadya. ANG PAGBAYAD SA NASIRANG PAG-AAYUNO: Nararapat sa taong inubligahan ng pag-aayuno na dapat niyang palitan 0 bayaran ang bawat araw na kanyang nasira sa buwan ng Ramadhan - maliban sa pakikipagtalik na kadahilanan dahil nararapat sa kanya ang mga sumusunod - : 1-Magpalaya ng isang alipin at kung walang matagpuan. 2-Mag-ayuno ng dalawang buwan na sunod-sunod at kung hindi niya makayanan. 3-Magpakain ng animnapung Maralita. ANG PAG-AAYUNONG KAALIW-ALIW (Hindi kanais-nais) 1-Araw ng Arafah (Ika-siyam sa araw ng Dul-Hijjah -Sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj-). 2-Araw ng Ashoorah (Ikasampong araw ng Muharram at isang araw sa unahan o sa hulihan nito). 3-Anim na araw sa buwan ng Shawwal. 4-Ang unang sampong araw sa buwan ng Dul-Hijjah. (Ang unang siyam na araw. 5-Ang Ayyamul Beedh (Araw na ika:13-14-15- sa bawat buwan). 6-Araw ng Lunes at huwebes. 7-Ang mag-ayuno sa isang araw at di mag-ayuno sa isang araw. 8-Ang sinumang walang kakayahang mag-asawa.
7

ANG MGA ARAW NA KINASUSUKLAMAN ANG PAG-AAYUNO: 1-Araw ng Arafah sa nagsasagawa ng Hajj. 2-Pantatanto ng Pag-aayuno sa araw ng Beyernis (o sa Sabado o kaya sa araw ng Linggo). 3-Deri-deritsong pag-aayuno (Sa loob ng dalawang araw o kaya tatlong araw). 4-Araw na pinagdadalawang-isipan (Huling araw ng buwan ng Shaban). 5-Ang Araw-araw na pag-aayuno. 6-Ang pag-aayuno ng babae na walang pahintulot ang kanyang asawa. ANG MGA ARAW NA IPINAGBABAWAL ANG PAG-AAYUNO: 1-Ang pag-aayuno sa dalawang Araw ng Eid. 2-Araw ng pagreregla at panganak. 3-Ang natatakot mapahamak. 4-Mga araw ng Tashreeq:(Ika-10/11/12- sa Dul-Hijjah)

ITIKAF
1-ANG KAHULUGAN NG ITIKAF: Pangwikang kahulugan: Pananatili, Tuloy-tuloy, Tumigil at Pagkakulog. Pang-Islamikong kahulugan: Pagkahiwalay at Pananatili sa Masjid na may layuning pagpapalapit sa Allah. 2-ANG NARARAPAT SA ITIKAF: Ang Itikaf ay binubuo ng pagkawala ng makamundong bagay sa ating puso at pagpupuno nito (Puso) ng pagsamba at pag-alaala sa Allah. Pagsuko ng isang sarili sa Allah at pagnanais nito sa Allah ng habag at pabor. 3-MGA URI NG ITIKAF: Obligado: Ang pangakong Itikaf, gaya ng pagsabi: Kung magtagumpay ako sa aking ginagawa, magkagayoy ako ay magsasagawa ng Itikaf ng tatlong araw atbp. Pinapayagang gawain: Ang pagsagawa nito ay sa huling sampong araw ng buwan ng Ramadhan. 4-ANG MGA HALIGI NG ITIKAF (Arkan): Ang Gustong magsagawa nito. Ang pananatili sa Masjid [ Si Ali (Ra) ay nagsabi: Walang Itikaf maliban sa Masjid na pinagtitipon-tipon ng mga tao. Ang lugar kung saan ang Itikaf ay isinasagawa doon. 5-ANG KONDISYON NG ITIKAF: Islam. May matinong pag-iisip. Kailangan isagawa ito sa Masjid na pinagtitipon-tipon ng mga kalalakihan. Dapat siyang panatiling malinis mula sa pagtatalik o paglabas ng punlay sa pamamagitan ng panaginip o sa buwanang Regla at sa panganganak. 6-ANG MGA BAGAY NA NAKAKASIRA NG ITIKAF: Ang pagtatalik kahit hindi nilabasan. Mga bagay na paroroon sa pagtatalik. Pagkawala ng ulirat sa pamamagitan ng pagkalasing.
8

Pagtatakwil sa Pananampalataya. Paglabas ng Masjid nang walang kadahilanang kanais-nais.

7-DAHILAN NA KUNG SAAN AY PINAHIHINTULUTAN ANG NAGSASAGAWA NG ITIKAF NA LUMABAS NG MASJID: Islamikong dahilan: -Paglisan upang magsagawa ng Salatul-Jumah. -Paglisan upang magsagawa ng Salatul-Eid. Likas na dahilan: -Pagkain at pag-inom, kung walang nagdadala sa kanya ng pagkain. -Paglisan upang gumamit ng palikuran. -Paglisan upang maglinis (Maligo) gawa ng paglabas ng punlay nang siya ay matulog. PAALAALA: Ang isang tao ay lilisan para sa kinakailangang oras upang matupad ang mga nabanggit na pangangailangan. Dahilan ng pangangailangan: -Pagkatakot ng isang tao sa kanyang kayamanan sa pagkawala. -Pagkatakot sa sarili na dahil sa matagal na pananatili.

ANG LAYLATUL-QADR
Ang Laylatul-Qadr ay ang pinakabanal na gabi ng taon at ito ay nasa buwan ng Ramadhan. Ang Allah ay nagsabi sa banal na Quran na ang Laylatul-Qadr ay nakakahigit kaysa isang libong buwan. Nakakabuting tetyempuhan ang Laylatul-Qadr sa mga huling sampong gabi ng Ramadhan. Ang Propeta (S.a.w.) ay ginawa niyang magdasal sa mga huling sampong gabi ng Ramadhan, Ginigising niya ang kanyang mga asawa at nananatiling malayo sa kanila upang sumamba sa Allah. Anong araw ito? -Ito ay isa sa mga huling gabi ng Ramadhan, at tinityempuhan ito sa mga gansal na gabi. Pagsamba at pagsagawa ng panalangin tuwing Laylatul-Qadr. # Si Al-Bukhari ay nag-ulat mula kay Abu Hurayrah na ang Propeta Muhammad (S.a.w.) ay nagsabi: Ang sino man ang magsagawa ng pagdarasal sa Laylatul-Qadr na may paniwala at nagnanais ng gantimpala sa Allah ay patatawarin ang lahat ng kanyang naunang kasalanan. # Si Aisha (R.a.) ay nagsabi: Tinanong ko ang Sugo ng Allah, O Sugo ng Allah, kung alam ko ang Laylatul-Qadr, Ano ang aking sasabihin? Ang sabi niya (S.a.w.): Sabihin mo, O Allah ikaw lang po ang nagpapatawad at mahal mo ang humihiling ng kapatawaran, kaya patawarin mo po ako.

ANG HAJJ
1-ANG KAHULUGAN NG HAJJ: Pang-Wikang kahulugan: Pagpunta sa banal na pook o lugar. Pang-Islamikong kahulugan: Pagpunta sa Makkah upang magsagawa ng partikular na gawain at oras, sa layuning pagsamba sa Allah. # Ang Allah ay nagsabi:
97 :

( )

Ang Hajj (Paglalakbay sa Makkah) doon sa bahay (Kabah) ay tungkulin ng Sangkatauhan sa Allah sa sinumang may kakayahan pumunta (May sapat na panustus, Malusog ang pangangatawan at mapayapa ang daan), at sino man ang hindi maniwala (Itatakwil ang Hajj). Katotohanan, ang Allah ay sagana sa pagpapala ng Sanglibutan (Tao at Jinn). Ali-Imran:97 2-ANG PAGKA-LEHITIMO NG HAJJ: Ang pagka-obligado ng Hajj ay isang beses sa tanang buhay. Ang Hajj ay ikalimang haligi ng Islam. Naitalaga ang Hajj sa mga Muslim noong ika-siyam na taon ng Hijrah. 3-ANG KAHALAGAHAN NG HAJJ:

: ) (
Si Abu Hurayrah ay nag-ulat: Ang Propeta Muhammad (S.a.w.) ay nagsabi:[ Ang sinumang magsagawa ng Hajj at hindi nakapagsalita ng mga masasamang salita at hindi nakagawa ng mga gawaing salungat sa batas (ng Allah), Siya ay babalik (sa kanyang pinanggalingan nang walang bahid na kasalanan) gaya ng araw noong siya ay isinilang ng kanyang Ina]. 4-ANG MENSAHE NG HAJJ: Nagpapakita ng pagkakaisa ng Islam. Nagpapaalaala sa atin sa araw ng paghuhukom. Naglilinis ng sarili sa kasalanang nagawa. 5-ANG MGA KONDISYON NG OBLIGADONG HAJJ: Islam. May sariling pag-iisip Hustong gulang. May kakayahang magsagawa ng Hajj. Malaya (Hindi alipin). Sa kababaihan: Dapat ay may kasamang Mahram (Asawa kaya o mga malalapit na kamag-anak na hindi puweding mag-asawa sa kanya, at kailangan ay may kakayahang ipagtanggol ito. 6-Ang mga haligi ng Hajj (Arkan): Ihram Tawaf Al Ifaadah Saey Pagpanatili sa Arafah 7-Ang mga Obligado ng Hajj (Wajibat): Pag-Ihram sa Miqat
10

Pagpanatili sa Arafah hanggang paglubog ng araw. Pagpalipas ng gabi sa Muzdalifah Pagtulog sa Mina Pagbabato sa Jamarat Pag-ahit / Pagputol ng buhok Tawaf Al Wida (Pamamaalam na Tawaf)

8-Mga uri ng Hajj: Hajj lamang [Ifrad]: Ang layunin ay magsagawa ng tanging Hajj lamang. Pinagsasabay ang Hajj at Umrah [Qiran]: Ang layunin ay magsagawa ng Hajj at Umrah nang sabay at sapat na ang pagsagawa ng isang Tawaf at isang Saey. Pinagsama ang Hajj at Umrah [Tamattu]: Ang pinakamainam na uri ng Hajj. Pagsasagawa ng Umrah sa buwan ng Hajj hanggang sa matapos ito at sa ika-8 ng buwan ng Dhul-Hijja magsagawa ng Ihram (Papasok sa katayuan ng Hajj) upang magsagawa ng Hajj. 9-Ang kahulugan ng Ihram: Ang layunin sa pagpasok sa katayuan ng Hajj. Muhrim: Ang tawag sa tao na nasa katayuan ng Ihram. 10-Mga bagay na ipinagbabawal habang nasa katayuan ng Ihram: Pagputol/ Pag-ahit ng buhok Pagputol ng kuko Sa mga kalalakihan:Huwag takpan ang ulo, Huwag magsuot ng may tahi na kasuotan gaya ng pantalon, damit atbp. Sa mga kababaihan: Huwag takpan ang mukha maliban kung may dumadaan na hindi Mahram, at huwag magsuot ng guwantes at belo. Paalaala: Kung ang nasabing ipinagbabawal na bagay ay nagawa mangyaring ang kabayaran para dito ay karaniwang kabayaran, dahil ito ay karaniwang kabayaran. Pamamaril: Kung ito ay nagawa, mangyari magsagawa ng kasukat na kabayaran (Depende sa uri ng hayop). Pagkokontrata sa pag-aasawa: Kung ito ay nagawa, mangyaring walang kabayaran. Pagtatalik sa asawa: Kung ito ay nagawa, mangyari magsagawa ng malaking kabayaran. **Kung ito ay nangyari bago maisagawa ang Tahallulol Awwal magkagayoy ang kanilang Hajj ay sira at kailangan nilang kumatay ng kamelyo (Badanah) at ipagpatuloy ang proseso ng kanilang pagsasagawa ng Hajj at babayaran na lang nila sa susunod na taon. **Kung nangyari ito pagkatapos maisagawa ang Tahallulol Awwal ang kanilang Hajj ay tanggap, at magsagawa lang sila nang pagkatay ng tupa (Fidyah). Tahallulol Awwal: Nangyayari kung ang dalawa sa tatlong sumusunod ay nagawa. 1-Pagbabato ng Jamarat 2-Pag-aahit/ Pagputol ng buhok 3-Tawaf Pag-ikot sa Kabah Sa ilalim ng mga sumusunod na kondisyon (1) Layunin (2) Kaalaman (3) Pagtanto
11

Karaniwang Kabayaran: Pag-aayuno ng tatlong araw (Siyam). Pagpakain ng anim na mahihirap Saa bawat isa (Sadaqah). Pagkatay ng Tupa (Nusuk). PAALAALA: Ang sakripisyong hayop ay sapilitan kung ang tao ay hindi nanggaling ng Makkah. Ito ay isang tupa, o 1/7 hati ng kamelyo o baka; At kung hindi kayang magkatay ng sakripisyong hayop mangyari na siya ay mag-ayuno ng (10) araw (Tatlong araw sa mga araw ng Hajj at pitong araw kapag siya ay nakabalik na sa kanyang pamilya).

ISINALIN SA TAGALOG NI: MUHAMMAD TAHA ALI

12

You might also like