You are on page 1of 22

KABIHASNANG

SUMER
Kabihasnang Sumerian
Sumerian
nagmula sa isa sa mga
pamayanang agrikultural na malapit sa
kabundukan ng Elsburz at Zagros ng
Turkiya .
noong 4000 B.K. ng lumikas
sila sa kapatagan ng Ilog Tigris at
Euphrates

Paraan ng Pamumuhay
pagsasaka , pangangaso , at
paghahayupan ang uri ng pamumuhay.
natutuhan din nila ang paggawa ng
kanal at Dam dahil sa madalas na
pagbaha .
ang irigasyon at sistema ng patubig
ay nakatulong ng malaki sa pagtaas ng
produksyon ng mga pananim.
Sistemang Panlipunan
nahahati sila sa mga Lungsod Estado
ika 19 at ika 20 siglo natuklasan
ng mga arkeologo ang labi ng lungsod
ng Ur at Uruk
Ur kanluran ng Euphrates
Uruk sa kasalukuyang Warka
Ang Lungsod ng Ur at Uruk
Relihiyon at Paniniwala
Teokrasya uri ng pamahalaan kung
saan ang Diyos ang pinakamataas na
pinuno.
Paring hari ang namumuno sa bawat
lungsod estado.
walang limitasyon ang kapangyarihan


ang Sumerian ay maraming Diyos
Bawat distrito ay may lokal na diyos
at isang templo na tinatawag na
Ziggurat.
Ziggurat
Ziggurat sentrong gawaing
panlipunan at pangkabuhayan.
matataas ang mga ito upang
magsilbing hagdan patungong langit.
itinuturing na tulay sa pagitan ng
tao at mga diyos.
Ziggurat ng Elamite sa Choga Zanbilna itinayonoong
1300 B.K. ang pinakamataas

Sistemang Panglipunan
1/3 ng kabuuang sakahan ng
Sumerian ay pag-aari ng templo na
maaring bilhin o ipagbili.
nahahati ito sa tatlong parte :
lupain ng panginoon na nakalaan sa
pagkain ng pari at tauhan ng templo.

Lupang para sa magsasaka at iba pang
opisyales na naglilingkod sa lupain ng
panginoon.
at araruhing lupa para sa mga
magsasaka na nag-aalay ng 1/7 o 1/8
ng ani sa templo.

Sistema ng Pagsulat
Naimbento ng mga Sumerian ang
sistemang Cuneiform o pagsulat sa
tabletang putik gamit ang tambo na
pinutol paparisukat sa dulo.
Ang orihinal ay gumagamit ng
pictographic sa paglalarawan ng tao at
ideya.
Iba pang Sistema
Sistema ng Numero :
Sexagesimal nakabase sa 60
Sining :
paggupit ng selyo o tatak sa pag-
ukit sa bato o kayay sa metal.

Nang lumaon gumamit rin ng
simbolong phonetic para sa mga
pangalan upang mabawasan ang bunto ng
mga ulat nakatago sa templo.
Nang mapagaan ang sistemang
Cuneiform ay ginaya ito ng ibang pang
tribo.
Pagbagsak ng Sumer
- hindi matatag at kulang sa
pagkakaisa ang pamahalaang Sumer
- noong 2350 B.K sinakop ni
Sargon the Great , pinuno ng Akkad ang
lungsod estado ng mga Sumerian.
- sinakop at ginawa niyang bahagi
ng kanyang nasasakupan ang Sumer.

- Lumawig ito hanggang
Mediteraneo, Persia , at Dagat Itim.
- Pinamunuan ni Sargon ito sa loob
ng 160 taon atsa panahong ito
lumaganap ang sibilisasyong Sumer.

Ang Ginintuang Panahon
- Subalit nag alsa ang mga lungsod
estado laban sa mga Akkadian.
- nabawi ng Ur ang kapangyarihan
mula sa mga Akkad noong 2100 B.K. at
pinamahalaan ang Sumer at Akkad.
- Ang Ginintuang Panahon ay nakamit
sa panahon ng lungsod estadong Ur.
Muling Pagbagsak
- maraming nagtangkang lusubin
ang kapatagan ng Tigris at Euphrates.
- naglaban ang mga Elamite mula sa
Persia at Amorite o Babylonian ng
dalawang taon , nagtagumpay ang mga
Amorite sa pamumuno ni Hammurabi.
Kodigo ni Hammurabi
Kung ang sinuman ay nagdala ng isang akusasyon ng krimen sa harap ng mga nakatatanda at hindi niya ito napatunayan, siya ay
papatayin kung ang inakusa niya ay isang kasalanang may parusang kamatayan.
Kung ang sinuman ay nagnakaw ng pag-aari ng isang templo o korte, siya ay papatayin. Ang tumanggap ng ninakaw na bagay mula sa
kanya ay papatayin rin.
Kung ang sinuman ay nagsasagawa ng marahas na pagnanakaw at nahuli, siya ay papatayin.
Kung sinaktan ng anak na lalake ang kanyang ama, ang kanyang mga kamay ay puputulin.
Kung binulag ng isang tao ang mata ng isa pang tao, ang kanyang mata ay bubulagin rin.
Kung ang isang tao ay bumungi sa isa, siya ay bubungiin rin.
Kung binali ng isang tao ang buto ng isa pang tao, ang kanyang buto ay babaliin rin.
Kung sinaktan ng isang malayang tao ang katawan ng isa pang malayang tao, siya ay magbabayad ng 10 shekel sa salapi.
Kung ang alipin ng isang malayang tao ay nanakit sa katawan ng isang malayang tao, ang kanyang tenga ay puputulin.
Kung sinaktan ng isang tao ang katawan na mas mataas sa ranggo sa kanya, siya ay tatanggap ng 60 paghampas sa publiko.
Kung sinaktan ng isang tao ang isang malayang babae na nalaglag ang kanyang hindi pa naipanganak na anak, siya ay magbabayad
ng 10 shekel sa pagkawala ng anak.
Kung ang isang tagapagtayo ng bahay ay nagtayo ng bahay para sa isang tao at hindi ito tamang itinayo at ang bahay ay bumagsak at
napatay ang may ari nito, ang gumawa ng bahay ay papatayin.
Kung ang sinuman ay nagnakaw ng baka o tupa o isang asno o isang baboy o isang kambing, kung ito ay pag-aari ng isang Diyos o sa
korte, ang magnanakaw ay magbabayad ng makatatlumpo nito. Kung ito ay pag-arri ng isang malayang tao ng hari, siya ay
magbabayad ng makasampu nito. Kung ang magnanakaw ay walang maibayad, siya ay papatayin.
Kung ang isang kapatid na babae ng isang Diyos ay magbukas ng tindahan ng alak, ang babaeng ito ay susunugin hanggang sa
kamatayan.
Kung ang sinuman ay umupa ng isang baka at ito ay pinatay ng Diyos, ang taong umupa nito ay manunumpa sa Diyos at ituturing na
walang sala.
Kung ang sinuman ay nagturo ng daliri (manirang puri) sa kapatid na babae ng Diyos o asawang babae ng sinuman at hindi ito
mapatunayan, ang taong ito ay dadalhin sa harap ng mga hukom at tatatakan ang kanyang kilay.
Kung inilaan ng isang ama ang isang alila ng templo o birhen ng templo sa Diyos at hindi siya nagbigay ng regalo: kung ang ama ay
namatay, tatanggapin ng babae ang ikatlo ng bahagi ng anak mula sa pagmamana ng bahay ng kanyang ama at magtatamasa ng isang
usuprukto habang siya ay nabubuhay. Ang mga pag-aari ng babae ay kabilang sa kanyang mga kapatid na lalake.
Kung ang sinuman ay umupa ng baka at napatay ito sa pamamagitan ng masamang pagtrato o pananakit, babayaran niya ang may ari,
baka sa baka.
Kung ang isang tao ay bumili ng aliping lalake o babae at bago lumipas ang isang buwan ay nagkaroon ng sakit na benu, kanyang
ibabalik ang alipin sa nagbenta at tatanggap ng perang kanyang binayaran.
Kung ang sinuman ay nangasiwa sa isang lupain upang bungkalin ito at hindi siya nakapag-ani dito, dapat patunayang wala siyang
ginawang trabaho sa lupain at dapat siyang maghatid ng butil gaya ng itinaas ng kanyang kapitbahay sa may ari ng lupain.
Kung ang sinuman ay mangasiwa sa isang tigang na lupain upang bungkalin ngunit siya ay tamad at hindi ito ginawang matataniman,
kanyang aararuhin ang hindi natanimang lupain sa ikaapat na taon, at bubungkalin at ibabalik ito sa may ari at sa bawat 10 gan, ang 10
gur ng butil ay babayaran.
Kung mabigo ang sinuman na bayaran ang utang at ibinenta ang kanyang sarili, kanyang asawa, anak na lalake at anak na babae para
sa salapi o ibigay sila sa sapilitang pagtatrabaho: sila ay magtatrabaho ng tatlong taon sa bahay ng taong bumili sa kanila o may ari at
sa ikaapat na taon, sila ay palalayain.
Kung habang nasa isang dayuhang bansa, ang isang tao ay bumili ng aliping lalake o babae na kabilang sa isa pang tao ng kanyang
sariling bansa; kung bumalik siya sa kanyang tahanan at nakilala ito ng may ari ng aliping lalake o babae; kung ang aliping lalake o
babae ay katutubo ng bansa, kanyang ibabalik ito nang walang salapi.
Kung ang isang lalake ay nag-asawa at hindi siya nagkaanak at ninais ng lalake na mag-asawang muli: kung kanyang kinuha ang
ikawalang asawang ito at dinala siya sa kanyang bahay, ang ikalawang asawa ay hindi bibigyan ng pagiging pantay sa kanyang asawa.
Kung ang isang lalake ay nagbigay sa kanyang asawa ng isang lupain, hardin at kasulatan nito, kung pagkatapos mamatay ng asawa
at ang mga anak na lalake nito ay hindi nagtaas ng pag-aangkin, kung gayon ibibigay ng ina ang lahat sa kanyang mga anak na lalake
na kanyang ninais at hindi mag-iiwan ng anuman sa mga kapatid na lalake ng asawa niya.

You might also like