You are on page 1of 14

ZAKAT By 

DANIEL LIBERTO (Updated July 26, 2022)

I.Panimula
Ang Zakat kapag isinalin ito sa tagalog ito ay Pagkawanggawa. Sa literal na kahulugan, ang zakat
ay paglago at kalinisan ngunit sa Islamikong pananaw, ang zakat ay nagsasaad ng isang uri ng
kawanggawa na kailangang bayaran batay sa itinakdang halaga ng Kayamanan. Ito ay tinatawag
na zakat sapagkat at ang pagpapala sa mga natitirang kayamanan ay dinaragdagan ng diyos
( Allah) kahit na aktual na halaga ng Kayamanan ay nababawasan. Ito ay ang ikatlong pillar o
haligi ng mga muslim na kung saan ang pananagutang panlipunan ay itinuturing na bahagi ng
isang tao sa Diyos ang obligasyong gawin ng Zakat ay nagpapatibay sa tungkuling ito.
Ang zakat ay naguutos ng pagbabayad ng nakapirming proporsyon ng mga Ari-arian ng isang
muslim para sa kapakanan ng buong pamayanan at lalo na para sa mga miyembrong
nangangailangan nito.

Kung tayong mga kristiyano ay nagbibigay ng handog sa Panginoon o pagbibigay ng sampung


pursyento ayon sa nakukuha nating kita o (tithes and offering) kung tawagin natin sa salitang
Engles dahil ayon sa (Malachi 3:10) (dalhin ninyo ng buong-buo ang inyong mga ikasampong
bahagi sa tahanan ng diyos upang matugunan ang pangangailangan sa aking tahanan.Subukin
ninyo ako sa mga bagay na ito, kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo
ang masaganang pagpapala).

Sa muslim naman ito ay tinatawag sa kanila na zakat na uri ng kawanggawa na kailangan


bayaran batay sa itinakdang halaga ng Kayamanan dahil sila ay naniniwala na kapag sila ay
kawanggawang nagbigay malilinis nito ang iyong kayamanan at kaluluwa ito rin ay
nagpapadalisay sa iyong kayamanan at kaluluwa. pagkakaisa at pagsama-sama. Ito rin ay
pagkakaroon ng malapit sa Allah.

Ayon din sa kanilang paniniwala na tanda ng kapatiran kung may panahon sila na kailangan nila
ng pagkakaisa at pagsasama- sama ito ay agad nilang pinapangatawanan dahil ito ay isang tanda
na tapat sa kamunidad. Naniniwala din sila na ito ay nakakapagpaalis ng kasalanan. Isang
pamamaraan ng Ibadha na ang pangunahing layunin ay ang pagpapaunlad ng Ispiritwal na
pamumuhay ng isang Muslim. Ang Zakat ay isang pamamaraan ng Ibadah na ang pangunahing
layunin ay ang pagpapaunlad ng Ispirituwal na pamumuhay ng isang Muslim.

1
II.Katawan

Ang prinsipiyo ng Zakat ay may kahalagahan sa pamamaraan ng Islam at ang mga sumusunod
na ilang bagay ay babanggitin upang ipakita ang kahalagahan nito:

1.) Isinasaalang-alang ang Zakat bilang ikatlong pinakamahalagang haligi ng Islam. Ang Propeta
Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nagsabi.
2.) Ang Zakat ay mahalaga sa Islam na kung sino mang Muslim ang magsabi na ito ay hindi wajib
(compulsory) ay maaaring lapatan ng kaparusahan kung ito ay hindi magbalik-loob at magsisi.
Ang kapasiyahang ito ay batay sa pinagtibay na kasunduan (ijmaa) ng mga Sahabah (kasamahan
ng Propeta) na dapat labanan ang mga Muslim na tumatalikod sa tungkulin ng pagbabayad ng
Zakat pagkaraan na si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay namatay.
3.) Ang pangangalaga ng mga mahihina at mahihirap na Muslim ay nasa pangangasiwa ng
pamahalaang Muslim at ang salaping ginagamit mula rito ay kinukuha mula sa kaban ng Zakat.
4). Pinananatili ng Zakat ang pag-ikot ng kayamanan sa lipunan na nagbubunga ng pag-unlad ng
kabuhayan at hanap-buhay. Kung ang kayamanan ay itinatago, higit pang Zakat ang babayaran
kaysa sa gamitin sa pagnenegosyo. Kaya, ang mga mayayaman ay napupuersang paikutin ang
yaman sa pamamagitan ng pagnenegosyo upang ang kayamanan nila ay hindi mapunta lahat sa
pagbabayad ng Zakat.

Zakat - Ang Patakaraan

.Para maging wajib (compulsory) ang Zakat, ang mga sumusunod ay dapat matupad
-ang wajib ay isang pari hindi pwede maging isang ganap na wajib ang isang muslim kapag hindi
niya ginagawa ang mga sumusunod na ito.
1. Ang isang Muslim ay dapat na nasa hustong pag-iisip at gulang. Walang obligasyon sa mga
kulang ang isip sapagkat hindi sila responsable sa kanilang mga gawa o kilos.
2. Ang isang Muslim ay dapat na may naipong yaman o salapi na higit sa kanyang
pangangailangan.

3. Ang naipong yaman o salapi ay dapat na higit sa hangganan ng Nisab (itinakdang minimum).

4. Ang naipong yaman o salapi ay dapat na nasa kanya na lagpas sa isang taon.

SINO ANG MGA DAPAT TUMANGGAP NG ZAKAT?

Mayroong walong uri ng mamamayang muslim na inilalarawan ng Qur’an bilang mga taong
nararapat tumanggap ng zakat:
-Ang Qur’an ito ay bibliya ng mga muslim

2
1. Fuqara (Ang Mga Kapuspalad)
Sila ang mga taong umaasa lamang mula sa tulong ng kapwa. Sila ay maaaring mga ulila, may
kapansanan, biyuda o biyudo mga matatanda, walang mga hanapbuhay.

2. Masakin (Ang Mga Dukha o Mahirap)


Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nagsabi: "Sinoman ang hindi
nakakakuha ng sapat upang tugunan ang kanyang pangangailangan ngunit hindi namamalimos o
hindi nakikita sa kanyang ang pagiging mahirap, siya ay isinasaalang-alang bilang dukha
(masakin)."

Mula sa Hadith na ito, ang isang dukha ay taong mahirap ngunit dahil sa kanilang paggalang sa
sarili hindi nila magawang humingi o mamalimos. Kaya ang komunidad ng Muslim ay nararapat
magsiyasat kung sino ang mga taong ganito ang kalagayan upang matulungan sa kanilang
pangangailangan.

3. Amilina Aalaiha (Ang Taga-Paningil ng Zakat)


Sila ang mga taong inutusan ng Islamikong Pamahalaan na maningil ng Zakat. Sila ay dapat
bayaran mula sa Kaban ng Zakat.

4. Muallafat-ul-Qulub (Mga Bagong Kasaping Muslim)


Sila ang mga bagong kasapi ng Muslim na dapat bigyan upang tulungan sa kanilang
pagbabagong buhay.

5. Ar Riqab (Ang Pagpapalaya ng Alipin)


Sila ang mga taong nagnanasang makalaya mula sa pagkakaalipin. At dahil sa panahon ngayon
ay wala ng ganitong kalakaran, ang dapat bigyan ay yaong mga taong nakakulong ng dahil sa
kanilang walang kakayahang magbayad sa itinakdang salapi ng korte. Sila ay nakakulong dahil
maaaring sila ay nagkaroon ng mga aksidente.

6. Al-Gharimin (Mga Taong May Utang)


Sila ang mga taong baon sa utang . Hindi naman ibig sabihin ay dapat tulungan ang isang taong
nagkautang ng dahil sa kanyang kapritso at walang katuturang paggasta. Ang Al-Gharimin ay mga
taong nagkakautang ng dahil sa mga di-maiwasang pangyayari o ng dahil sa kanilang pang-araw-
araw ng pamumuhay.

7. Fi-Sabilillah (Sa Landas ng Allah)


Sila ang mga taong nakikipaglaban upang mapanatili ang Batas ng Allah. Bagamat ang isang
taong nagsasagawa ng Jihad ay may salapi, hindi naman niya maaaring sarilinin ang gastos ng
jihad. Kailangan din na ang lahat ay dapat magbigay para sa fi-sabilillah.
8. Ibn-us-Sabil (Mga Taong Naglalakbay)Ang naglalakbay ay maaaring may konting salapi ngunit
dahil sa malayong paglalakbay kinakailangan niya ng karagdagang salapi, siya ay nararapat
tulungan mula sa zakat

3
Ang mga panuntunan ng Zakat ay kailangan mong suportahan ang iyong kayamanan sa buong
taon ng Islam bago ka magbayad ng Zakat. Ang zakat ay dapat may layuning magbigay ng buong
puso at hindi labag sa loob. Dapat kang magbigay ng donasyon sa isang taon kung ikaw man ay
lumampas sa limitasyon ng pagbibigay ng zakat maaari kang mag-abuloy ng zakat anumang oras
o taon.

Walang tiyak na petsa kung kailan dapat bayaran ang Zakat maaari mo itong bayaran sa
anumang punto sa buong taon. Pinipili ng maraming Muslim na magbayad ng kanilang Zakat sa
huling 10 araw ng Ramadhan dahil iniisip na ang mga gantimpala sa pagbibigay ng Zakat sa oras
na ito ng taon ay nagdadala ng mas maraming gantimpala kaysa sa anumang oras ng taon.

Ang zakat ay pu-pwedeng ipasa sa kanyang asawa ngunit hindi niya pwedeng ipasa ito sa
babaeng asawa dahil sa kulturang kanilang pinaniniwalaan na dapat ang asawang lalaki ang
dapat na magdumala nito at higit sa lahat responsibilidad ito ng mga lalaking muslim, maging sa
kanilang anak hindi pwedeng ipasa dahil sila ay may tungkulin na tustusan ang mga ito.

Maari mong ibigay ang iyong zakat sa iyong tiyuhin at tiya kung sila ay karapat dapat nabigyan
dahil hindi ka nila dependent at hindi sila sa umaasa sa iyong pananalapi. Hindi ka
makakapagbigay ng zakat sa iyong mga magulang o lola at lolo dahil may tungkulin kang alagaan
sila at tustusan.

May dalawang uri ng zakat sa Islam. Minsan nalilito ang zakat sa zakalt al-filtr, ngunit magkaiba
nag dalawa. Ang zakat ay isang donasyon na dapat gawin ng lahat ng mga muslim na
nakakatugon sa halagang obligadong ibigay sa layunin na ito para sa Zakat. Ang paggawa ng
isang kawang gawa na donasyon nang walang malinaw na ito ay para sa Zakat ay hindi
mabibilang. Sa paghahambing ang Zakat al-filtr ay isang donasyon na dapat gawin ng lahang ng
mga muslim o pinuno ng sambahayan at dapag ibigay bago ang pagsisimula ng mga panalangin
ng Eid . Ang Zakat al-fitr ay isang maliit maliit na donasyon kaysa sa Zakat .

Bilang isa sa mga haligi ng Islam, ang Zakat ay isang anyo ng obligadong kawanggawa na may
potensyal na mapagaan ang pagdurusa ng milyun-milyon.

Sa literal na kahulugan ng salitang 'maglinis,' naniniwala ang mga Muslim na ang pagbabayad ng
Zakat ay nagpapadalisay, nagpapataas at nagpapala sa natitira sa kanilang kayamanan.
Zakat ay isa ring espirituwal na koneksyon sa gumagawa ng isang tao – para dalisayin ang iyong
kayamanan para sa kalooban ng Allah (swt) ay ang pagkilala na ang lahat ng ating pag-aari ay sa
Kanya, at para sa Kanya tayo nagsisikap na wakasan ang kahirapan at tulungan ang ating mga
kapatid.

4
Ayon sa Hanafi madhab, ang Zakat ay 2.5% ng kayamanan na nasa pag-aari ng isang tao sa loob
ng isang taon ng lunar. Kung ang kayamanan ay mas mababa sa isang threshold figure, na
tinatawag na nisab, kung gayon walang Zakat na babayaran. Kung ang kayamanan ay higit pa sa
nisab, ang Zakat ay nagiging obligado.Ginagamit ng Islamic Relief ang Zakat upang matulungan
ang ilan sa mga pinakamahirap at pinakamahihirap na komunidad sa mundo. Ang iyong mga
donasyon ay nagdudulot ng kagalakan sa mga taong ito, at nagdudulot ng pag-asa na balang
araw ay makakapagbigay sila sa halip na tumanggap ng Zakat

.III.Konklusyon

Ito ay buwan ng Ramadan, at sa panahong ito marami sa atin ang nag-iisip kung paano kalkulahin
ang Zakat. Ngunit bumalik tayo at maglaan ng oras upang pahalagahan, ano ang Zakat? Bakit ito
nagtataglay ng ganoong kahalagahan sa Islam?Sa panahong pinaghihigpitan ang maraming
serbisyo at negosyo, kapag sarado ang mga hangganan at hindi tiyak ang kabuhayan ng
maraming tao, patuloy na nagbibigay ng tulong at suporta ang mga kawanggawa. Sa buong
mundo, sinisikap ng mga makataong organisasyon na tiyakin na ang mga pinaka-mahina na tao
ay hindi napapansin sa panahon ng pandemyang ito.
Ngunit hindi nila magagawang gumana nang walang kabutihang-loob ng mga taong handang
magbigay sa oras ng krisis. Bilang mga Muslim, ang pagbibigay ng kawanggawa ay higit pa sa
isang paraan ng pagkamit ng kasiyahan ng Allah, ito rin ay isang obligasyon at isang karapatan na
dapat nating tuparin, na kilala bilang Zakat.

Ang layunin ng Zakat ay matiyak na ang mga mahihirap at nangangailangan, ang mga mahihina
at ang mga mahihirap ay mapangalagaan. Nilalayon nitong tiyakin na ang ating kolektibong
kayamanan ay makakahanap ng paraan sa mga taong higit na nangangailangan nito.Sa Islamic
Relief, nagsusumikap kaming ipamahagi ang iyong Zakat sa paraang nagbibigay ng
kapangyarihan sa mga tao na masira ang ikot ng kahirapan. Ang aming layunin ay magbigay ng
kaluwagan, at sa huli ay mailabas ang mga tao sa kanilang mahihirap na kalagayan sa
pamamagitan ng pagtulong sa kanila na maging malaya sa pananalapi.

Tulad ng iba pang obligasyon sa Islam, ang Zakat ay sapilitan lamang kung ang ilang mga
kundisyon ay natutugunan. Tulad ng alam natin, ang Allah (swt) ay hindi nagpapabigat sa isang
kaluluwa ng higit sa kaya nitong pasanin.Sumasang-ayon ang karamihan ng mga iskolar na ang
mga pangunahing kondisyon para sa Zakat ay na ito ay ipinag-uutos para sa mga Muslim na nasa
hustong gulang, na may matinong pag-iisip, na nagmamay-ari ng pinakamababang halaga ng
Zakatable na kayamanan, o Nisab, para sa hindi bababa sa isang lunar na taon.
ZAKAT
CHRISTIAN SCHOOL OF POLOMOLOK
PANALIKSIK 11
Dec, 07 2022

Ipinasa ni:
Randlyn A. Fuentes
Ipinasa kay:
Sir. Nhot U. Ali

7
8
9
10
11
12
13
14

You might also like