You are on page 1of 2

Ilang mga payo sa pagsugpo ng riya

Ang taong dumaranas ng malalang sakit na ito ay kadalasang hindi batid na ito ay tumagos sa kanyang personalidad kaya ang kanyang mga gawain ay walang halaga. Ang mga tukso ni Satanas at ng sarili ay masyadong mapaglalang at ang landas ng pagkatao ay masyadong makitid. Kapag hindi mahagyang maingat ang tao, hindi niya mapapansin ang masamang ito. Sa kanyang palagay, ang kanyang mga gawain ay para sa kaluguran ng Allah subalit ang katotohanan ay para sa kanyang mga pangsariling interes. Maging manggagamot ng iyong sarili at madalas na tanungin ang sarili kung ano ang tunay na mga layunin sa iyong mga mabuting gawain, salita at pananampalataya. Ganoon din ba ang iyong kataimtiman sa paggawa ng mga mabuti, pagdarasal o pagaayuno kapag ikaw ay nag-iisa o walang nakakakita sa iyong mga gawain? Talaga bang gumagawa ka ng mabuti para lamang sa kaluguran ng Panginoon? Hinaangad mo bang iyong mga kaibigan dahilan sa iyong mga kabutihan, kagalingan, mahabang pagdarasal, at debosyon? Ano ang iyong nararamdaman kapag hindi ka puriin sa paggawa ng isang kabutihan? Paghambingin ang iyong dararamdaman kapag ginawa mo ang isang bagay sa publiko, at kung walang nakakakita. Kapag mas gusto mong gawain ito kapag may makikita kaysa kung walang makakita, iyong ituring ang sarili bilang isang biktima ng riya. Kapag ikaw ay nananaliksik ng dunong, ang pagiging biktima ng riya ay hihimok sa iyong magkaroon ng mahalagang katungkulan sa paningin ng mga taong marangal o pantas sa pamamagitan ng paglutas ng isang suliranin o pagtalakay ng isang paksa sa natatanging paraan. Itanong sa sarili: Kapag nakayang gawain ito ng isang kaibigan o ibang tao sa harapan ng madla, o di kaya ay higit pa sa aking nagawa, ganoon din ba ang magiging pakiramdam ko? Ang aking ginawa ba ay para sa kaluguran ng Allah? Gumawa ng hakbang upang masugpo ang riya dahil aakay ito sa iyo patungong impiyerno. Alisin ang hilig na puriin ng mga tao dahilan sa mga kabutihang ginawa para sa Allah. Gumawa ng mga kabutihan bilang katungkulan sa Panginoon. Labanan ang hilig na gumawa ng kabutihan o manalangin sa publiko o di kaya ay kung saan may malaking posibilidad na ikaw ay puriin, hanggang sa ang hilig na ito ay lubusang mabura sa iyong puso. Laging ipanalangin na mabura sa iyong puso ang mga dumi ng politeismo at ipokrisiya at ang kalawang ng paghahangad sa mundo na siyang ipagmumulan ng mga kasamaan.

...kapag sila ay nakatindig sa pagdarasal, hindi sila nakatindig nang mabuti; sinagawa nila ito upang makita ng mga tao at hindi nila naalaala ang Allah kundi panandalian lamang. (Quran, 4: 142)
Sinabi ni Imam al-Sadiq (a): Ang riya sa anumang anyo nito ay nangangahulugan ng shirk (politeismo); sa katotohanan, sinumang gumagawa para sa mga tao, ang kanyang gantimpala ay magmumula sa kanila, at sinumang gumagawa para sa Allah, ang kanyang gantimpala ay magmumula sa Kanya.
[Al-Kulayni, Al-Kafi, tomo 2, p. 402]

Mga Sakit ng Kaluluwa

Pakitang-tao
(riya)
Iniulat ni Imam al-Sadiq (a) na sinabi ni Amir al-Muminin Ali ibn Abi Talib (a): May tatlong kapuna-punang katangian ng taong mahilig magpakitang-tao (riya): siya ay masaya kapag binati ng mga tao; siya ay malungkot kapag nag-iisa; at nais niyang puriin siya sa anumang kanyang ginagawa.
[Al-Kulayni, al-Kafi, tomo 2, p. 295]

Konklusyon:
Sinabi ng Propeta (s): Sinumang gumagawa ng bagay na gusto ng Panginoon bilang pakitang-tao, at kung nag-iisa ay gumagawa ng mga bagay na hindi gusto ng Panginoon, kanyang matitikman ang poot at galit ng Panginoon. [Al-Hurr al-Amili, al-Wasa'il, tomo 1, p.69] Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa tunay na Islam, dumalaw sa:

http://al-islam.org/faq
v.01

Ano ang riya ?


Ang riya ay nangangahulugan ng iyong pagpakitang-tao na ikaw ay mabuti o tunay na nananampalataya upang igalang at hangaan ng madla o makaani ng magandang reputasyon. Ito ay naiiba sa ipokrisiya (nifaq) dahil ang ipokrito (munafiq) ay nagkukunwaring marangal, tapat, mabuti, at relihiyoso bagamat walang layuning makamit ang mga katangiang ito para sa Panginoon. Ang taong may riya ay may ganoong mga katangian para sa kaluguran ng Panginoon. Subalit, paglipas ng panahon gumagawa siya ng mabuti upang igalang at hangaan ng madla.

Ang mga antas ng riya


Unang antas: Ipinapakita ng tao ang kanyang mga paniniwalang pangrelihiyon at kaalam sa relihiyon upang patunayan sa mga tao na siya ay matapat kaya nararapat na pagkatiwalaan at igalang. Halimbawa, kanyang itinatanghal ang kanyang pananalig sa Panginoon at Kanyang Kapangyarihan sa pagsasabing hindi siya nananalig kanino man maliban sa Allah. Kapag ang pananalig sa Panginoon o pagsuko sa Kanyang pasiya ay pinag-uusapan, siya ay laging tumatango at humihimutok upang ipakita sa mga tao na siya ay tunay na nananampalataya. Ang antas na ito ng riya ay makikita rin sa taong tumalikod sa maling mga paniniwala at sa pamamagitan nito, nais niyang makakamit ng katungkulan at paggalang ng mga tao. Halimbawa, tuwing ang pagkukunwaring banal (nifaq) ay mabanggit, ang kanyang mga salita o kilos ay parang mga salita o kilos ng taong hindi nagkukunwaring banal. Ikalawang antas: Ipinapakita ng tao ang kanyang kabanalan at mga mabuting gawain at ganoon siya kumikilos sa pagkukunwaring wala siyang anumang kasamaan. Sa ganoong mga kilos, hangad niyang pagkatiwalaan ng iba. Halimbawa, siya ay magbigay abuloy o magpahayag ng debosyon upang igalang at puriin. Ikatlong antas: Ito ay kumakatawan ng hayagang pananampalataya ng tao at paggawa ng mga mabuti sa harapan ng mga tao upang ipakita sa kanila na siya ay tapatang sumusunod ng mga kautusang pangrelihiyon o umiiwas sa mga masamang gawi. Kaya, nais niyang bihagin ang kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng relihiyon. Halimbawa, tapat na nagdarasal siya sa tumpak na oras o nagsasagawa ng mga karagdagang dasal sa hating-gabi upang makilala siya bilang piyadoso ng kanyang mga kaibigan at ibang pa.

ng tao at maipagyabang ang sarili. Ang taong may riya ay kadalasang mahilig humamak ng iba at sumakit sa damdamin ng kapwa-tao. Madalas siyang marahas sa sinumang relihiyoso upang patunayan na mas relihiyoso siya. Kapag ang puno ng riya ay pahintulatang tumubo sa puso ng tao, itoy tutulak sa kanyang maging isang hipokrito. Bawat isa sa mga masamang katangiang nabanggit ay sapat na aakay sa tao patungong impiyerno. Nakasaad sa mga tradisyon (ahadith) na ang taong may riyanagpapakita ng kanyang debosyon, pagkarelihiyoso, dunong, pagtatalumpati, pangunguna sa pagdarasal, pag-aayuno at iba pang gawain sa layuning igalang ng mga tao at hindi pagkamit ng gantimpala mula sa Allahay isang politeista (mushrik). Ang kanyang politeismo (shirk) ay pinapatunayan ng Quran at mga tradisyong (ahadith) naiulat mula sa Banal na Pamilya ng Propeta (s). Kaya, ang kanyang kasalanan ay hindi ipapatawad. Ang Imam al-Sadiq (a) ay tinanong hinggil sa sumusunod na kasabihan ng Allah: Sinumang nais na makipagtagpo sa kanyang Maykapal ay dapat na gumawa ng mga mabuti at huwag sumamba sa sinuman maliban sa Allah (Quran 18:110). Ganito ang kanyang kasagutan: Ang mga gawain ng taong gumagawa ng mga mabuti hindi upang palaring matagpuan ang kanyang Panginoon kundi upang malaman ng mga tao ang kanyang mga mabuting gawa at ituring siyang piyadoso ay magiging dahilan na siya ay ituring na politeista na sumamba ng iba maliban sa Allah. Kanya pang sinabi: Walang sinuman sa mundong naglihim ng kanyang mga gawaing mabuti na hindi ibinunyag ng Allah paglipas ng panahon. At walang sinuman sa mundong makapaglihim ng kanyang mga gawaing masama na hindi ibubunyag ng Allah bago pa man siya lumisan sa mundo. [Al-Kulayni, alKafi, tomo 2, p. 453]

Ang ibat ibang mga antas ng mga mananampalataya at

awliya
Yaong mga mabuti at hindi gumagawa ng kasalanan ay maibibilang sa mga santo at kaibigan ng Allah (awliya Allah). Tungkol naman sa iba, ang uri ng kanilang mga kabutihan at kasalanan ay malalaman ayon sa antas kung saan sila nabibilang. Ang mga katangian na itinuturing na kabutihan ng mga taong nasa mababang antas ay maaring ituring na kasalanan ng mga taong nasa mataas na antas. Katapatan (ikhlas) ang pinakamataas na antas ng kaligtasan mula sa riya at isang natatanging katangian ng mga awliya. Karamihan sa mga tao ay mahilig na ipaalam sa iba ang kanilang mga kabutihan. Bagamat itoy hindi nakakaapekto sa kanilang paniniwala (iman) o katapatan (ikhlas), itoy itinuturing ng mga awliya bilang isang pagkukulang. At dahilan sa kanilang pagiging malapit sa Panginoon, itoy isang uri ng nifaq o shirk. Si Imam al-Baqir (a) ay tinanong tungkol sa katayuan ng taong masaya tuwing malaman ng iba ang kanyang mga mabuting gawain. Sinabi ng Imam (a): Walang masama sa ganoon. Walang sinumang hindi gustong malaman ng mga tao ang kanyang mga gawaing mabuti, subalit hindi niya dapat na gawain ang mga ito sa layuning hangaan siya. [Al-Kulayni, al-Kafi, tomo 2, p. 297]

Ang mga masamang epekto ng riya


Hindi batid ng taong may riya na kahit pa man maging tanyag siya sa mga tao, pantas at makapangyarihan, siya ay kadusta-dusta sa paningin ng Hari ng mga hari at ang kanyang mga gawain ay aakay sa kanyang patungong Sijjin (ang pinakamababang bahagi ng impiyerno). Ang riya ay kadalasang kasama ng ibang mga masamang katangian. Kabilang dito ay sumah na nangangahulugan ng pagpuri sa sarili upang igalang

You might also like