Professional Documents
Culture Documents
NAKARAAN
NAKARAAN
Nawalan ng sigla at kulay Sa madilim na mundo ako y nasanay Sa di pagkakaintindihan parating nag-aaway Dahil dito ikaw sa akin y nawalay.
Labis labis ang pagdadalamhati ko Ninais talikuran ang mundo Nasaktan ng sobra sa ginawa mo Makakaalis pa ba sa hukay na ito?
Pilit na bumangon, tinalikuran ang nakaraan Umakyat, Nangunyapit bagong pag-asa tanging tangan Sa liwanag natagpuan bagong buhay na nakalaan Ito na ba ang tamang oras upang maranasan ang kapayapaan?