Professional Documents
Culture Documents
Ang bakuna ay tumutulong sa immune system ng katawan upang makabuo ng proteksyon laban sa posibleng impeksyon.
Ito ay naglalaman ng katiting na dami ng isang pinahina o patay na organismong sanhi ng sakit na hindi sapat upang magdulot ng tunay na sakit. Ngunit ito ay sapat na upang ang iyong immune system ay makagawa ng antibodies na maaaring makakilala at maatake ang mga organismong ito kapag ang katawan ay maexpose dito.
ang iyong mga anak sa pinakamaagang pagkakataon Kada Lunes, Miyerkules at Biyernes ay itinakdang araw ng pagbabakuna sa ating health center. Libreng makukuha ang mga bakunang kasama sa Expanded Program of Immunization ng DOH, para sa sanggol hanggang 1 taong gulang. Sumangguni sa immunization schedule para malaman ang tamang gulang kung kalian dapat magkaroon ng ibat ibang bakuna.
Pinakakaraniwan ay binibigay ito sa pamamagitan ng pag-iniksyon, ngunit meron ding uri ng bakunang nilulunok.
Ang ilang bakuna ay ibinibigay lamang ng isang beses. Ang iba naman ay nangangailangan ng ilang karagdagang dosis sa paglipas ng panahon.
Diphtheria (Dipterya) Pertussis (tuspirina) Tetanus *OPV/IPV Polio *Hep A Hepatitis A *Hep B Hepatitis B *Measles Tigdas MMR Measles (tigdas) Mumps (beke) Rubella (tigdas-hangin o German measles) Varicella Chickenpox (bulutong-tubig) Hib Haemophilus influenzae type b PCV Pneumococcal Disease RV Rotavirus HPV Human Papilloma Virus Influenza Trangkaso
5.
6.
7.
8.
hindi ito nabakunahan. Ngunit malayo ito sa malubhang sintomas ng sakit. Di totoo: Ang bakuna ay maaaring naglalaman ng mapanganib na preservatives o kemikal. Ang totoo: May ibang bakuna na naglalaman ng ethylmercury na hindi mapanganib kumpara sa methylmercury. Mas madaling mailabas ng katawan ang ethyl mercury sa bakuna kaysa methyl mercury na matatagpuan sa paligid o maging sa pagkain. Mas maigi na iwasan o limitahan na lamang ang iba pang bagay na naglalaman ng mas maraming mercury tulad ng pagkain ng isda (tuna, shark, espada, at hito). Di totoo: Hindi maaaring ibigay ang bakuna sa batang may sipon. Ang totoo: Maaaring magbigay ng bakuna sa batang may sipon, nagtatae, ubo o lagnat na hindi malala dahil hindi apektado ng kasalukuyang sakit ang abilidad ng katawan na gumawa ng depensa para sa bakuna. Di totoo: Nagkasakit na ako ng bulutongtubig noong bata ako pero hindi naman ito malala. Ang totoo: May mga ilang kaso na kung saan nakamamatay ang bulutong-tubig o di kaya ay lumala dahil sa matinding impeksyon dulot ng di pangkaraniwang mikrobyo sa balat o sa baga. Mas maigi na lamang iwasan ito sa pamamagitan ng bakuna. Mas malubhang karamdaman ang maaaring maidulot ng bulutong-tubig sa mga tumatanda na walang bakuna kumpara sa bata. Di totoo: Ang bakuna ay nakapagbibigay ng 100 porsyentong proteksyon laban sa sakit. Ang totoo: Ang mga bakunang mula sa pinahaninang mikrobyo tulad ng MMR o chicken pox ang makapagbibigay ng mabuting proteksyon sa sakit na ito. Ngunit ang ibang bakuna na mula sa namatay na mikrobyo ay maaaring hindi magdulot ng kumpletong proteksyon kaya mas mahalaga
na mas marami dapat ang mabakunahan para mas bumaba ang pagkakataong magkasakit. 9. Di totoo: Mas mahusay na maghintay na lamang na lumaki ang mga sanggol bago ibigay ang bakuna. Ang totoo: Ang bakuna ay ginawa para proteksyunan ang mga mas nasa panganib na populasyon tulad ng mga bata at sanggol. Kung hindi pinabakunahan ang mga sanggol sa tamang edad, mas nalalagay sa panganib ang mga ito.
1. Katamtaman o malubhang sakit, may lagnat man o wala. 2. Pamamaga, pamumula, pananakit ng bahaging naturukan na may kasamang lagnat matapos ang unang dosis ng bakuna. 3. Kakulangan ng mga nakaraang pagsusuri sa pasyente kahit siya ay mukhang walang karamdaman 4. Kasalukuyang pag-inom ng gamot laban sa impeksyon 5. Paggaling ng karamdaman. 6. Sanggol na kulang sa buwan ipinanganak. 7. Kamakailang karamdamang nakakahawa tulad ng impeksyon. 8. May allergy sa penicillin o mga nagpapagamot ng allergy sa pamamagitan ng allergen immunotherapy. 9. Lagnat na may temperaturang < 40.5C, pagka-iritable o pagkaantok matapos mabigyan ng DPT or DTaP vaccine 10.Pakakaroon ng kumbulsyon, sudden infant death syndrome sa mga miyembro ng pamilya 11.Hindi malubhang pagtatae 12. Kasalukuyang paggagamot ng antibiotics o paggaling na sa karamdaman 13.Pagpapasuso 14.Malnutrisyon 15.Iba pang allergy maliban sa mga kemikal na nilalaman ng bakuna o ung mismong bakuna
BAKUNA
Sa mga kondisyon na ito, mas mahusay na ibigay ang bakuna kung ito ay mas nakabubuti kaysa sa hindi pagbigay ng bakuna. Mas nakabubuti kung kumonsulta na lamang sa doktor kung hindi nakasisigurong ang karamdaman ng anak ay makaaapekto sa bakuna o kabaliktaran nito