You are on page 1of 23

dagitab

BAHAGI NG PANANALITA: Pangngalan KAHULUGAN: Ito ay tumutukoy sa kuryente o elektrisidad. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Tumaas ang singil sa dagitab ngayon.

katoto
BAHAGI NG PANANALITA: Pangngalan KAHULUGAN: Ito ay kaibigan o kasa-kasama. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Mabait ang bago kong katoto.

binulahaw
BAHAGI NG PANANALITA: Pandiwa KAHULUGAN: Ito ay nangangahulugang ginimbal, ginulat o ginulo. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Binulahaw ni John ang kanyang kaklaseng nananahimik.

talaarawan
BAHAGI NG PANANALITA: Pangngalan KAHULUGAN: Ito ay kalipunan ng mga bugtobugtong o baha-bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw, na sumusunod sa porma ng kalendaryo. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Nakasulat sa aking talaarawan ang naging damdamin ko sa nangyari.

mariwasa
BAHAGI NG PANANALITA: Pang-uri KAHULUGAN: Ito ay naglalarawan ng isang pamumuhay na marangya, nakakaangat o may kaya. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Masigasig sa kanyang trabaho si Allen kaya naging mariwasa ang buhay niya.

salipawpaw
BAHAGI NG PANANALITA: Pangngalan KAHULUGAN: Ito ay isa pang katawagan sa eroplano. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Binilhan ako ni inay ng bagong salipawpaw.

mayumi
BAHAGI NG PANANALITA: Pang-uri KAHULUGAN: Ito ay isang katangian na nagsasabi ng pagiging pino o walang kagaspangan maging sa ugali, kilos ng tao o kaya ay sa uri ng pagkain. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Si Maria ay isang mayuming dalaga.

salat
BAHAGI NG PANANALITA: Pang-uri KAHULUGAN: Ito ay nangangahulugang mahirap o kakulangan. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Salat sa pagkain ang karamihan ng mga mahihirap.

habag
BAHAGI NG PANANALITA: Pang-uri KAHULUGAN: Ito ay nangangahulugang awa. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Si Christian ay nahahabag sa sitwasyon ng mga batang mahihirap.

patimpalak
BAHAGI NG PANANALITA: Pangngalan KAHULUGAN: Ito ay isang paligsahan o tagisan ng galing. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Sumali si David sa patimpalak ng pagguhit.

liban
BAHAGI NG PANANALITA: Pandiwa KAHULUGAN: Ito ay tumutukoy sa kawalan ng presensya ng isang tao. (Ingles: absent) GAMIT SA PANGUNGUSAP: Lumiban si Toto sa klase ngayon dahil may sakit siya.

matayog
BAHAGI NG PANANALITA: Pang-uri KAHULUGAN: Ito ay kasingkahulugan ng matayog. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Ang puno ng Niyog sa aming bakuran ay matayog.

matiwasay
BAHAGI NG PANANALITA: Pang-uri KAHULUGAN: Ito ay kasingkahulugan ng tahimik o payapa. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Matiwasay ang naging unang EDSA Revolution.

marikit
BAHAGI NG PANANALITA: Pang-uri KAHULUGAN: Ito ay kasingkahulugan ng maganda. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Marikit ang mga bulaklak na pananim ni lola.

saliwan
BAHAGI NG PANANALITA: Pandiwa KAHULUGAN: Ito ay kasingkahulugan ng sabayan. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Ang awitin ay sinaliwan ng sayaw.

maliksi
BAHAGI NG PANANALITA: Pang-uri KAHULUGAN: Ito ay kasingkahulugan ng mabilis at matulin. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Ang bata ay maliksi.

makupad
BAHAGI NG PANANALITA: Pang-uri KAHULUGAN: Ito ay kasingkahulugan ng mabagal. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Ang pagong ay makupad.

musmos
BAHAGI NG PANANALITA: Pangngalan KAHULUGAN: Ito ay tumutukoy sa mga bata. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Ang munting musmos ay nakatutuwa.

magmaliw
BAHAGI NG PANANALITA: Pandiwa KAHULUGAN: Ito ay nangangahulugang mawala. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kailanman magmamaliw.

binhi
BAHAGI NG PANANALITA: Pangngalan KAHULUGAN: Ito ay buto o punla. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Nagtanim ng binhi ng ampalaya si James.

bahura
BAHAGI NG PANANALITA: Pangngalan KAHULUGAN: Ito ay ang coral reef sa Ingles. Ito ay ang tahanan ng mga isda. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Napakaganda ng mga bahura sa Palawan.

aba
BAHAGI NG PANANALITA: Pang-uri KAHULUGAN: Ito ay nangangahulugang mahirap. GAMIT SA PANGUNGUSAP: Ang buhay nila ay aba.

You might also like