You are on page 1of 1

Isa sa mga umuunlad na negosyong pang-agrikultura dito sa ating bansa ay

ang pag-aalaga ng itik o pag-iitikan. Maraming mga magsasaka at mga


pangkaraniwang mamayan ang nakikinabang sa ganiton uri ng negosyo. Sa
Pilipinas, ang itik ay pumapangalawa sa manok kung produksyon ng itlog
ang pag-uusapan. Ang malaking porsyento nito ay nagmumula sa mga nag-
aalaga at nagpapalaki ng itik sa likod-bahay.
Ang likas na kapaligiran sa Pilipinas ang siyang dahilan kung bakit marami
ang pumapasok sa pag-iitikan. Sinasabing ang maraming lawa at ilog na
angkop sa pag-aalaga ng mga itik ay nakakatulong upang mapangasiwaan
ng mas mabuti ang pag-aalaga sa mga ito. Bukod dito, maraming produkto
ang nanggagaling mula sa itik, kahit nga balahibo nito ay
napapakinabangan.
Ang kursong ito a magbibigay ng mga kaalaman sa pangangasiwa at pag-
aalaga ng itik. Sa unang modyul, tatalakayin ang mga Pagunahing Patakaran
sa Pag-aalaga ng Itik. Ito ang magsisilbing gabay sa mga taong nais
pumasok sa ganitong negosyo o kaya ay nais sumubok na mag-alaga ng
kaunting itik sa likod-bahay para sa sarili nilang gamit.
Ang ikalawang Modyul naman ay nauukol sa mga sistema ng pangangasiwa t
pag-aalaga ng itik. Ito ay kailangan ng mga nagnanais na gawing
pangkomersyal ang pag-iitikan.
Ang Modyul III at IV ay tungkol naman sa paggawa ng iba't-ibang produkto
mula sa itik at ang pagbebenta nito.
Mainam na pag-aralang mabuti at subukan ang mga tatalakayin sa araling
ito. Hindi sakop ng kursong ito ang lahat ng mga panuntunan sa larangang
ito, subalit malaki ang maitutulong nito sa mga nagsisimula pa lamang.

You might also like