You are on page 1of 3

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT

From: Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research (DA-BAR)


RDMIC Building, Visayas Avenue corner Elliptical Road,
Diliman, Quezon City

Contact:
Phone:
For Use:

Kaakibat ng paglipas ng panahon ay ang pag-usbong ng mga shopping

mall, fast food chain restaurant, commercial bank at mga industrial park sa

iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa bayan ng Lipa, kung saan mas pinili ng mga taga rito na panatilihin

ang tradisyunal na paraan ng pamumuhay base sa kanilang

nakasanayan, pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito.

Gulay at mais ang kadalasang itinatanim ng mga magsasakang may

maliliit na bukirin, samantalang kape at mga prutas naman sa mga may

malalawak na lupain.

Bukod sa pagsasaka, kilala ang Lipa sa industriya ng “beekeeping” (bi-ki-

ping) o pag-aalaga ng mga bubuyog. Si Mister Porferio Olan na mas kilala

sa tawag na “Ka Periong” (Ka Per-yong) ang nagsimula nito noong taong

1960.

Sa tulong ng Department of Agriculture Region IVA – Southern Tagalog

Integrated Agricultural Research Center o STIARC, ng City Agriculturist of


Lipa at sa pakikipagugnayan ng University of the Philippines Los Baños –

Bee Program, naitaguyod ng Bureau of Agricultural Research ang Lipa

Beekeepers Marketing Cooperative o LBMC sa pamamagitan ng isang

proyekto sa ilalim ng National Technology Commercialization Program o

NTCP.

Ang LBMC ay opisyal na kinilala sa Cooperative Development Authority

noong Hunyo 2015. Mayroon itong 25 miyembro na paglaoy umabot sa

40.

Ang mga miyembro ng kooperatiba ay binigyan ng mga training at mga

teknikal na paggabay ukol sa beekeeping. Nakapagpundar ang LBMC ng

mga kagamitan tulad ng honey extractor at wax melter na kanilang

ginagamit sa produksyon.

Ilan sa mga uri ng bubuyog na inaalagaan ng mga beekepeers ay ang

European (yu-rowp-yan) honeybee o Apis mellifera (a-pis mel-li-fe-ra),

native honeybee o Apis cerana (a-pis se-ra-na) na may bansag na

“laywan” at stingless bee o Tetragonula spp. (tetra-go-nu-la species) na

kilala sa lokal na tawag na “lukot”.

Ang kooperatiba ang nangangasiwa sa pagbebenta ng mga produkto

mula sa bubuyog gaya ng honey, wax, propolis, pollen, honey cider (si-

dar), vinegar at soap. Nakapagtayo din sila ng isang apiary-restaurant,

ang The Beehive Farm and Kitchen, isang American cuisine (ku-sin) na

ang pangunahing sangkap sa mga lutuin ay ang honey.


Para sa karagdagang impormasyon ukol sa beekeeping, maaaring

makipag-ugnayan kay Ginang Aida P. Luistro sa numerong 0-9-2-9-8-5-5-

5-8-5-8 o magpadala ng mensahe sa kanyang email na

aydzluistro@gmail.com (aydz lu-wis-tro at g-mail dot com).

Para naman sa iba pang research at technology, i-like lamang ang opisyal

na Face-book page ng D-A BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com

slash d-a bar official).

You might also like