You are on page 1of 2

Introduksyon

Pagdagsa ng mga Dayuhang Kalakal


Ang pagbukas ng Pilipinas sa kalakalang panlabasat ang pagsali nito sa pandaigdigang
samahantulad ng WTO ay may epekto rin sa mgamagsasaka at sa sektor ng agrikultura.
Ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto ay nagbunsod ng pagbabago sa panlasa ng
mga Pilipino.
Ang globalisasyon at liberalisasyon ang mga dahilan ng pagdagsa ng mga dayuhang
produkto sa ating pamilihan.
Maraming produktong agrikultura ang hindi napakikinabangan dahil
nasisira,nabubulok at nalalanta dahil sa kawalan ng pag-iimbakan o storage at maayos
na transportasyon.
Malaki ang kinikitang dolyar ng ating bansa buhat sa mga produktong agrikultural.
Ang mga dolyar na ito ang ginagamit na pmbili ng mg IMPORTED na materyales at mga
makinarya na kailangan ng industriya.
Mas marami pa ang mga produktong dayuhan kaysa sa mga lokal. Sa mga malalaking
tindahan, ang mga kilalang tatak ng pabango, sapatos at damit ay nakikipagtunggali sa
mga sapatos mula sa Marikina at damit mula sa Taytay, Rizal. Sa mga tatak-Pilipino,
nangunguna ang Blend 45 at Great Taste ng Universal Robina Corp., Caf Puro ng
Commonwealth Foods at Jimms Coffee, na nagdagdag pa ng ilang sangkap sa kanilang
produktong kape.
Ang mga dayuhan din ang nauna sa produktong toothpaste, gaya ng Colgate ng ColgatePalmolive at Close Up ng Unilever. Ang totoo, mas marami ang tatak-dayuhan (pito, ayon
sa listahang hawak ko) kaysa sa mga toothpaste na tatak-Pilipino: Hapee, gawa ng
Lamoiyan Corp.; Unique, gawa ng ACS Manufacturing Corp.; Beam, produkto ng Zest-O
Corp. ni Alfredo Yao; at Herbaflo Herbal.
Kung bilang ng tatak ang pag-uusapan, mas marami ang sabong gawa ng mga Pilipino,
ngunit mas kilala ang Dove (Unilever), Olay, Camay at Safeguard (mula sa Procter &
Gamble) dahil sa laki ng ginugugol sa mga anunsiyo sa telebisyon at iba pang uri ng
pamamahayag. Mula sa mga programa sa umaga, sa mga telenovela sa hapon at gabi,
at sa mga programa sa balita, ang mga produktong tatak-dayuhan ang nakikita ng mga
mamimili. Bihirang mapanood, kung maryoon man, ang mga commercial ng Shield
(gawa ng ACS), Ever Bilena at Mestiza (gawa ng Philusa).

Sa aking pananaw, pinahihigpit ang kumpetisyon para sa mga lokal na produkto ng


tinatawag na colonial mentality ng ilang mamimili, ngunit may mga palatandaan na ito
ay nagbabago na, dahil sa pagtatagumpay ng ilang kumpanyang Pilipino.

You might also like