You are on page 1of 6

Mga Gampanin ng Sektor ng Industriya sa Pambansang Kaunlaran

Malaki ang gampanin ng sektor ng industriya sa pagpapaunlad ng ating


bansa. dahil ang sektor na ito, ang pangunahing pinagkukunan ng kita ng
karamihan sa mga pilipinong manggagawa. Halimbawa, mga taong
nagtratrabaho sa mga pagawaan ng damit, sapatos, mga sangkap na
gingamit sa pagkain; at maging sa mga pabrika.

Isa sa gampanin ng sektor na ito ay ang proseso ng paggawa ng mga


produkto mula sa hilaw na sangkap na maaring tangkilikin ng mga
mamimili, dahil naniniwala ako na malaking sagabal ang pag-unlad ng
mga negosyong Pilipino ang pagtangkilik sa mga dayuhang produkto o
mamumuhunan na maaring maging sagabal rin sa pag-unlad ng ating
bansa.

Sadyang malawak ang sakop ng sektor ng industriya kaya nahati ito sa


iba’t ibang bahagi, ang primarya kung saan nangangalap ng mga hilaw na
sangkap katulad na lamang ng pagmimina. Ang sumunod naman ay ang
sekondarya na kinabibilangan ng pagmamanupaktura, pagrerepina at
konstruksiyon ng mga ginawang produkto mula sa nakuhang sangkap at
ang panghuli ay ang tersiyaryong bahagi na ang tungkulin ay ipamahagi
ang mga tapos nang produkto.

Mayroon ding mga ilang batas at polisiyang ipinatupad ang pamahalaan


upang mapalusog ang sektor ng industriya, katulad na lamang ng Pilipino
first policy na ipinatupad ng dating pangulo ng pilipinas na si Carlos P.
Garcia, na sa tigin ko ay naging epektibo dahil mas nabibigyang pansin ng
mga mamimili ang mga pilipinong namumuhunan na kinakitaan ng ganap
na pagunlad sa kanilang mga negosyo, ngunit di rin nagtagal ang
patakarang ito sapagkat ng matapos ang panunungkulan ni Pangulong
Garcia ay naibaon na rin sa limot ang nasabing polisiya.

Ngunit ngayong kasalukuyan ay hindi parin maalis sa isip ng ilang mga


Pilipino na mas de-kalidad ang produktong nagmula sa ibang bansa, kesa
sa ating lokal na produkto, ang ganitong maling pagiisip at pagtingin ay
maaring maging hadlang sa ganap na kaunlaran ng ating bansa, kaya mas
makabubuti kung tumangkilik na lamang tayo sa ating sariling gawa
Ano ang Gampanin ng Sektor ng Industriya sa ating Pambansang
Kaunlaran?

Kung gaaano kalawak ang sakop ng sektor na ito, ganoon rin kalaki ang
gampanin nito sa pagpapaunlad ng ating bansa. ang mga negosyante,
manggawa at nagtratrabaho sa paggawaan o pabrika ay bahagi ng Sektor
ng Industriya.

Ang pangunahing layunin ng nasabing sektor ay ang makalikha ng mga


produktong pasok sa panlasa ng mga mamimili. Kaya nahati ito sa tatlong
bahagi, ang primaryang bahagi kung saan nagaganap ang pangangalap ng
mga sangkap na ipanggawa ng produkto, ang sekondaryong bahagi kung
saan nabibilang ang pagmamanapaktura, pagrerepina at konstruksyon ng
mga maaring magawang produkto mula sa nakuhang sangkap at ang
tersiyaryong bahagi na tumutukoy sa pagmamahagi nang mga natapos na
produkto.

Ang mga nasabing mga bahagi ay ang proseso sa paggawa ng produktong


maaring tangkilikin ng mga mamimili, kung tatangkilikin natin ang mga
produktong mula sa atin ay maaring mabawasan ang pagtangkilik ng ibang
mamimili sa dayuhan na mamumuhunan na hadlang sa kaunlaran ng ating
bansa. Sa ganitong sitwasyon magiging ganap na maunlad ang ekonomiya
ng pilipinas.

May isang polisiyang naipatupad noong panunungkulan ng dating


pangulong Carlos P. Garcia na tinatawag na Filipino first policy. Maganda
ang naging resulta ng polisiyang na ito dahil nakitaan ng pag-unlad ang
negosyo ng mga pilipinong namumuhunan. Ngunit kasama ring natapos
ang polisyang ito ang pagtatapos ng panunungkulan ni Garcia bilang
pangulo. Di rin ito nagtagal dahil nasakop na ng koloyal na mentalidad
ang pagiisip ng ibang mga Pilipino na mas maganda o maayos ang
produktong galing ibang bansa kesa sa mga produktong sariling atin.
Ang Gampanin ng Sektor ng Industriya sa Pambansang Kaunlaran

Ang ano mang bagay o sangkap na makapaglilikha ng produkto at


maaring pagkakitaan ay maituturing na industriya. Malaki ang gampanin
ng sektor ng industriya lalo na kung paguusapan ang pambansang
kaunlaran dahil malawak ang kakayahan nitong makapagbigay ng trabaho
sa ordinaryong mga pilipino. At kaakibat nito ang paggalaw ng mga
kaugnay na naegosyo o pinagkakakitaan.

Nahahati ito sa iba’t ibang bahagi at anyo, ang mga bahagi nito ay
primarya, ang pangangalap ng sangkap, sekudarya ang proseso ng
paggawa at tersiyaryong ang pamamahagi o distribusyon At ang mga anyo
namn nito ay ang pagmimina, ang pagkuha ng mga yamang mineral,
pagmamanupaktura tumutukoy sa pagproseso ng mga hilaw na sangkap sa
bagong produktong kapanipakinabang, konstruksiyon ay tumutukoy
naman sa pagtatayo ng iba’t ibang gusali at pangunahing serbisyo ay ang
mga establisimyento.

Ang gampanin ng sektor na ito ay ang lumikha ng mga produktong local


na tatangkilin ng mga mamimili upang maiwasan ang pagbili sa mga
dayuhang namumuhunan. Dahil ang malaking kalaban dito ang maling
pagiisip ng ibang tao na patuloy na tumatangkilik sa dayuhang produkto.
Sa kadahilanang mas maganda at mas de-kalidad.

Iba’t ibang batas ang naipatupad para umunlad ang sektor ng industriya at
isa na roon ang oil de regulation law o ODL at ang Filipino first policy,
policy on microfinancing at policy on online business.
Ang Sektor ng Industriya at ang gampanin nito sa kaunlaran ng bansang
pilipinas

Ang sektor na ito ay may kakayahang makapagbigay ng trabaho sa mga


Pilipino, dahil kapag nagtratrabaho ka kahit sa isang pagawaan lamanga
ay bahagi ka na ng sektor ng industriya. Malawakang paglikha ng kahit
anong mga produkto maaring pakakitaan.

Gampanin ng sektor ng industriya na paunlarin ang mga local na produkto


para maiwasan ang pagtangkilik ng mamimili sa dayuhang produkto, na
nagiging balakid sa atin na makamit ang ganap na kaunlaran.

Binubuo ng tatong bahagi (primary, sekundarya, at tersiyaryo.) na


tumutukoy sa buong proseso sa paggawa ng isang produkto mula sa hilaw
na sangkap sa kapanipakinabang na maaring magamit ng isang indibidwal
sa pang araw araw na buhay, gaya ng lata ng sardinas, pastries at marami
pang iba.

May mga anyo rin ang sektor na ito (pagmimina, pagmamanupaktura,


kostruksiyon, at pangunahing serbisyo) na dapat pang paunlarin dahil ito
ang mga tumutugon sa pangunahing kailangan para sa proseso ng paglikha
ng produkto.

Ang pagtangkilik sa dayuhag produkto ay itinuturing na harang patungo sa


ganap na kaunlaran kaya naipatupad noon ang Filipino first policy na para
sa akin ay isang magandang polisiya dahil mas napgtutuunan ng pansin
ang mga local na produkto at nakikitaan ng pagunlad ang mga negosyo ng
mga pilipinong mamumuhunan. Ngunit kalaunan ay nawala rin ang
polisiya at magpa hanggang ngayon ay bulag parin ang iba sa de kalidad at
magandang produkto ng mga dayuhan samatalang hindi nakikita ang
sariling atin.

You might also like