You are on page 1of 1

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES LOS BAÑOS

College of Agriculture and Food Science

AGRI11 Answer Sheet Module 2. Activity 1

Name: MIRA, Ella Jane R.


Section:

1. What agriculture and food business will you establish? Why?

Bagong daniw.

Tunay na malaki ang idinulot na pagbabago ng pandemya sa iba’t ibang aspeto


ng mga Pilipino—paraan ng pamumuhay, pagkakakitaan, hilig, at maging sa pagkain at
diyeta. Marami sa atin itinuring na libangan ang pagpapalago ng mga halaman, at
kinalauna’y tinaguriang mga “plantito” at “plantita.” Hindi rin nalalayo dito ang
pagsasagawa ng backyard vegetable gardening sa kani-kanilang mga tahanan. Sa
madaling sabi, isa ang pagtatanim sa mga naging paraan ng mga Pilipino upang
maging produktibo sa kasalukuyang panahon.

Hydroponics farm ang aking pipiliin kung ako man ay magtatayo ng isang
agriculture and food business. Isa itong sistema ng agrikultura kung saan pinalalago ang
halaman gamit ang tubig at nutrient solution (Obluska, 2020). Itinuturing din itong
urban gardening dahil maging ang mga tao sa lungsod ay maaring magsagawa ng
ganitong uri ng pagtatanim. Pangunahing produkto ng mga hydroponics farm ay mga
madadahong gulay tulad ng lettuce na tiyak na mabenta rin dahil sa sikat na sikat na
mga samgyeopsal at burgers.

Sa katunayan, may ilan ng hydroponics farm sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.


Matatagpuan ang mga ito sa Zambales, at Cavite. Nakatayo rin ang 8,000- square meter
na pasilidad sa CLSU Nueva Ecija na nagsisilbing research and techno-demo training
center. Pinili ko ito dahil isang magandang oportunidad kung magkakaroon din ng
ganitong uri ng farm sa Quezon Province. Dumarami na ang mga food businesses tulad
ng samgyeopsal restaurants at cafes na gumagamit ng lettuce. Makikita rin sa
nabanggit na datos na kakaunti pa lamang ay may hydroponic farm business sa Luzon.
Dahil bago sa tainga, at sa kakaibang paraan at hitsura nito, malaki ang posibilidad na
maging interesado ang kabataan sa komersiyong ito. Magiging katulungan din ang
pagkakaroon ng hydroponics farm sa sektor ng agrikultura upang unti-unti nang
maipakilala ang umuusbong na industriya sa bansa, at higit sa lahat ay upang
matulungan ang mga Pilipinong magsasaka na mabigyang kaalaman sa iba pang uri ng
pagpapalago ng tanim tulad ng hydroponics.

2. What will be the name of enterprise?

A2 Hydro
Ang A2 ay sumisimbolo sa A-squared (dalawang A) na nangangahulugang Angat
Agrikultura. Ginawa kong Filipino ang kahulugan nito upang maging mas makamasa at
tumatak sa ating kapwa Pilipino. Ang hydro naman ay nangangahulugang tubig na
kinuha sa mismong panagalan ng hydroponics.

AGRI 11. Introduction to Agriculture: Answer Sheet M2A1 Page 1 of 2


College of Agriculture and Food Science
University of the Philippines Los Baños

You might also like