You are on page 1of 1

Dalawang balahibuhin masarap pagdaitin.

Sagot sa Tagalog: Mata at kilay


Malaon nang patay hindi maibaon at buhay ang kapit-bahay.
Sagot sa Tagalog: Bulag ang isang mata
Dalawa kong kahon buksan walang ugong.
Sagot sa Tagalog: Mata
Daluang balon hindi malingon.
Sagot sa Tagalog: Tainga
Naligo ang kapitan hindi nabasa ang tiyan.
(Sagot: Tagalog) Bangka

Tinugtog ko ang bangka nagsilapit ang isda.
(Sagot-Tagalog) kampana sa misa
Kahoy kong Marigundong, na sangay walang dahon.
(Sagot-Tagalog) Sungay
Eto na si "Nuno," may sunong na guinto.
(Sagot:Tagalog) Babuy
Apat na tukod, langit, at isang panghagupit.
(Sagot:Tagalog) Kalabaw
Dalawang bangyasan, naghahagaran.
Sagot sa Tagalog: Binti
Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos

May bintana nguni't walang bubungan,
may pinto nguni't walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan

Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo

Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo

sariling-sarili mo na, ginagamit pa ng iba.
Answer: Pangalan!
Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin
Sagot. Saging

Isang magandang dalaga, di mabilang ang mata.
Sagot: mais

Isang suman, magdamag kung tanuran.
Sagot: unan

Sa aking nabiling maliit na kuwarto
Kasyang-kasya maging sanlibong katao
Sagot: Telebisyon

Kaharap kong mahangin
Wala nang ginawa kung di umiling
Sagot: Electric Fan

You might also like