You are on page 1of 1

nakakahong bahaghari ang kulay ay sarisari.

sagot:krayola

aso kong si turko nakalabas ang buto. sagot:kasoy

bahay bahayan kong may kapandakan apat ang paladingdingan wala ni isang durungawan. sagot:baul

sagana sa ugat dahon at sanga, ngunit wala namang bunga. sagot:kawayan

Bahay ni Goring-goring, Butas-butas ang dingding. Sagot: kulambo

Maitim na parang uwak, Maputing parang busilak, Walang paay nakalalakad, At sa hariy nakikipag-usap.
Sagot: liham

May binti walang hita, May tuktok walang mukha. Sagot: kabute o mushroom

Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. Sagot: bayong o basket

Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. Sagot: batya

Gintong binalot sa pilak, Pilak na binalot sa balat. Sagot: ITLOG

Mga kaloobang pinaghalu-halo, Na niluto sa init ng pagkakasundo. Sagot: dinuguan

Di naman isda, di naman itik, Nakahuhuni kung ibig, Maging sa kati, maging sa tubig, Ang huniy
nakabubuwisit. Sagot: palaka

Baong kinayuran, Lamay kayamanan. Sagot: ALKANSIYA

Kabit-kabit na uling, Tingnat bibitin-bitin. Sagot: DUHAT

You might also like