You are on page 1of 1

Panalangin ng Bayan - 7th Day

Sa diwa ng ating pagdiriwang sa kapistahan ni San Pablo ng Krus at sa kanyang tulong, ilapit
natin sa Ama ang ating mga panalangin, sabihin natin sa kanya:
AMA, PAKINGGAN MO ANG IYONG SAMBAYANAN
L - Nawa ang Simbahan, sa pamumuno at halimbawang ipinamamalas ng Santo Papa, patuloy
nawa itong maging tanda ng pag-ibig at presensya ng Diyos sa lahat lalo sa mga nangangailangan
at tumatangis, manalangin tayo. (T)
L - Nawa ang mga naglilingkod sa Pamahalaan ay patuloy na magpunyagi upang patuloy na
pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan lalo ang mga naging biktima ng sakuna, manalangin
tayo. (T)
L - Nawa ang mga katuwang sa pangangalaga sa ating parokya ay magkaroon ng lakas at sigla
upang sa kanilang paglilingkurang ito ay makita sa kanila si Kristo, manalangin tayo. (T)
L - Nawa ang mga nagpapalaganap ng ating pananampalataya lalo sa ibayong dagat ay patuloy na
ipakilaka si Kristo sa mga hindi nakakakikala sa kanya at ipadama sa kanila na sila'y kabilang din
sa kanyang tinipong sambayanan, manalangin tayo. (T)
L - Nawa ang mga kapatid nating nauna sa atin ay katagpuin ni Kristo upang sila'y ihatid sa lugar
na kung saa'y kanilang tatamasahin ang buhay na walang hanggan, manalangin tayo. (T)
Ama naming mapagkalinga, ang iyong pag-ibig ay patuloy mong ipinadarama sa amin sa
pamamagitan ng iyong nag-uumapaw na biyaya, nawa sa iyong kalooban, pakinggan mo kaming
iyong mga anak sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

You might also like