You are on page 1of 12

MGA MAKRONG KASANAYAN

PAKIKINIG
PAGSASALITA
PAGBASA
PAGSULAT

Makrong Kasanayan
sa Pagsulat

Kahulugan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang
kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag
sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang
paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos
ang ibat ibang ideya na pumapasok sa ating
isipan.

Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa
iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa
ngayon.
Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay,
pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga
eksperimentasyon at paglikha ng mga papel
pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.
Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng
liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas
pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa
paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga
kliyente at maramipang iba.

Proseso ng Pagsulat
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa
pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka
at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba
at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo
nat kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa

buong mundo.

MGA ELEMENTO NG
PAGSULAT

PAKSA
MGA LAYUNIN
AUDIENCE
WIKA

Pamamaraan ng Pagsulat
Pag-asinta (Triggering)
Kailangang may isang bagay na magsisilbing daan
upang tayoy sumulat. Kung tayoy may paniniwala sa
ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang
magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting
sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang
sarili sa paksa.

Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili, kailangan pa ring magdaan
sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang
makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag
magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan,
maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine,
ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa
panonood ng sine at telebisyon.

Paghugis (Shaping)
Habang nangangalap tayo ng mga materyales,
binbigyan na natin ng hugis ang ating paksang susulatin.
Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring
maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan.
Kailangan Makita natin ang pokus ng ating paksa sa
pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang
tunay na paksa.

Pagrebisa (Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan
lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng
ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala
tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel.
Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng
mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot
nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng
pagsulat.

Mga Bahagi ng Pagsulat


Panimula
Katawan
Konklusyon
Rekomendasyon

Mga Uri ng Gawaing Pagsulat:


Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat ang
sulating pormal at ang sulating di-pormal. Ang sulating
pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at
tinakay sa klase, forum, seminar. Maaaring magkaroon o
magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang
pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang
mga mag-aaral ng isang kathang di-pormal. Ang mga
pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal
ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa
pagsulat ng kathang pormal.

You might also like