You are on page 1of 19

ISANG ARAW SA

PALENGKE

Pluma 3, Pahina 49

Ang wallet ko! Inagaw


ang wallet ko! Harangin
ninyo! Magnanakaw!
Magnanakaw!

Huwag po,
huwag po ninyo
akong sasaktan!

Huwag na po ninyo
siyang saktan! Ang
barangay na po ang
bahala sa kanya.

Ale, kailangan pong


sumama kayo sa
presinto para magfile ng reklamo laban
sa taong ito.

E, nasa akin na naman


po ang wallet ko. Hindi
na po ako
magrereklamo.

Kapag ho
walang
reklamo
ay
Misis,
kaya
po
pakakawalan na
naman
namimihasang
magnakaw
namin
itotaong
at maya-maya
ang
mga
ito ay dahil
lang ay nagrereklamo
babalik na naman
walang
laban
siya sa sa
lansangan
kanila. para
mambiktima ng mga
inosenteng mamimili.

Sige po. Kahit makaabala


sa akin ay sasama po ako
upang sampahan ng
reklamo ang taong ito.
Mayroon po siyang dapat
sagutin sa batas

Nana, bakit po nila dinala


ang lalaki? Ano po ang
gagawin sa kanya?

Anak, ang lalaking iyon ay


lumabag sa ating batas.
Kailangang panagutan niya
ang masamang ginawa
niya.

Ano po ang batas?

Ang batas ay mga tuntuning


sinusunod upang
mapanatiling maayos,
maunlad, at tahimik
ang pamayanan.

Ang lalaking iyon ay sumuway


sa batas kayat nararapat
lamang siyang managot.

Nanay, paglaki ko, susunod


po ako sa mga batas. Ayoko
pong makulong tulad ng
nangyari sa lalaki.

Mabuti kung gayon, anak. Halika,


ipagpatuloy na natin ang
pamimili. Alam mo bang ditto sa
palengke
ay may batas din para sa mga
nagtitinda?

SRP
P10.0
0

Tingnan mo, may mga presyong


nakakabit sa mga paninda. Iyan
ay para mapangalagaan ang
kapakanan ng mga mamimili
laban sa sobrang mataas na
presyo ng bilihin.

SRP
P10.0
0

Tinitingnan Din ng mga


inspector kung tama ang mga
timbangan upang hindi
madaya ang mga mamimili.

SRP
P10.0
0

Alam mo, Nay, ang dami ko pong


natutuhan sa araw na ito. Kahit
po pala sa palengke ay marami
ring maaaring matutuhan ang
isang bata.

You might also like