You are on page 1of 9

Tomas Pinpin

Si Tomas Pinpin ay kilala bilang unang Pilipino-Intsik na manunulat at


tinaguriang "Prinsipe ng Manlilimbag sa Pilipino".
Ang araw ng kapanganakan ni Tomas Pinpin ay hindi naitala, subalit
pinaniniwalaang siya ay isinilang sa pagitan ng mga
taong 1580 at 1585 sa Abucay, Bataan.
Isinulat niya ang "Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castilla"
noong 1610. Ang aklat na ito ang kaunaunahang aklat na isinulat nang isang
Tagalog.

Pablo Antonio
Si Pablo S. Antonio (Enero 25, 1901 - Hunyo 14, 1975)[1] ay
isang Pilipinong arkitekto. Bilang tagapagsimula ng makabagong arkitekturang
Pilipino,[2] kinikilala siya bilang isa sa mga natatanging arkitektong Pilipinong
modernista noong kaniyang kapanahunan.[3][4] Binigyan siya ng ranggo at
pamagat na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas ni PangulongFerdinand
Marcos noong 1976.

Ildefonso Santos
Si Ildefonso P. Santos[1] ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon, sa
nayon ng Baritan noong ika-23 ng Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina
Andres Santos at Atanacia Santiago.
Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang
si Leonardo Dianzon na isang makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi.
Si Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa niya ang tula ng pag-ibig
na sinulat ni Ildefonso. SiIigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon
na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat
ang Ilaw Silangan.[1]

Fernando Amorsolo
Si Fernando Cueto Amorsolo (Mayo 30, 1892 - Abril 24, 1972) ay isa sa mga
pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas.[1]Si Amorsolo ay isang pintor ng
mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa
kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa
aspeto ng sining. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral
mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909. [2][3]

Benedicto Cabrera
Si Benedicto Reyes Cabrera, na lumalagda sa kanyang mga pintang larawan
bilang "BenCab"[1], ay isang Pambansang Artista ng Pilipinas para sa Sining
Biswal (Pagpipinta)[2], at itinuturing bilang mapangangatwiranang
pinakamabentang pintor ng kanyang salinlahi ng mga Pilipinong artista ng
sining.[3]

Jose T. Joya
Si Jose Tanig Joya ay isang pintor at artistang maramihang-media na nabigyang
parangal bilang Pambansang Alagad ng Siningpara sa Sining Biswal noong 2003.
Namulat sa kasanayang traditionalista, lumihis din siya kinalaunan sa paraang
kanya. Kilala bilang tagapaghiwatig ng basal (abstract expressionist), ginamit niya
ang mga konsepto ng kinetikong enerhiya at spontaneity sa pagpipinta, at naging
bihasa sa sining ng gestured painting, kung saan madaliang ipinipinta ang
pintura gamit ang malalapad na brush stroke. Maliban sa pagpipinta, hilig din
niya ang pagdidisenyo ng mga seramikang sisidlan, mga plato at tiles o baldosa,
at print making.

Leandro Locsin
Si Leandro Valencia Locsin (1928-1194), isang arkitekto at Pambansang Alagad
ng Sining, ay isa sa mga artistang Pilipino na nakaambag nang malaki sa
arkitektura ng Pilipinas. Mula 1955 hanggang 1994, siya ay nakagawa ng 75 na
tahanan, 88 na gusali, at isang state palace.
Nagtapos si Locsin ng hayskul sa De La Salle College sa Maynila noong 1947 at
pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas Conservatory of Music upang kumuha
noon ng kurso sa Musika. Ngunit noong 1949, tumigil siya sa pag-aaral ng
Musika at bagkus ay kumuha ng kursong Arkitektura sa parehong Unibersidad.

Vicente Manansala
Si Vicente Manansala ay isang alagad ng sining sa larangan ng pagpipinta sa
Pilipinas. Naturuan siya ni Fernando Amorsolo. Kabilang sa kanyang mga
gawa Market Scene(1975), Fruit Vendor, Anak-laot. Ipinanganak sa
Macabebe,Pampanga (Enero 22, 1910 - Agosto 22, 1981)

Hernando Ocampo
Si Hernando R. Ocampo (28 Abril 1911 28 Disyembre 1978) ay isang Pilipinong manunulat
at pintor na nagawaran ng karangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas.
Si Ocampo ay ipinanganak sa Santa Cruz, Maynila noong 1911. Pagkatapos ng haiskul ay
nahilig na si Hernando sa pagpipinta at pagsusulat kaya hindi na niya naipagpatuloy ang
kanyang pag-aaral sa unibersidad. Nauunawaan niya ang mga suliranin ng karaniwang tao.
Ayon kay Teodoro Agoncillo: "Si Hernando ay nabibilang sa maliliit na pulutong ng mga
manunulat sa Pilipinas na naniniwalang nasa buhay at nag-uugat sa buhay ang sining." Ang
kanyang kuwentong Bakya na nasulat noong 1938 ay nagtataglay ng kakaibang pamamaraan
ng pagsulat na naaayon sa mga pamamaraan ng masining na pagsulatat ang paksa ay
nananatiling sariwa sapagkat nag-uugat sa katotohanan. Kasama ang kuwentong Bakya sa
aklat na tinipon ni Teodoro Agoncillo at pinamagatang Ang Maikling Kuwentong Tagalog: 18861948.

You might also like