You are on page 1of 7

Tiyo Simon

Dula Pilipinas ni N.P.S. Toribio


Mga Tauhan:
Tiyo Simon - isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga
paniniwala sa buhay na hindi
maunawaan ng kaniyang hipag na relihiyosa
Ina ina ni Boy
Boy pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang
Oras

Umaga, halos hindi pa sumisikat ang araw.

Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na


kinapapatungan ng mga langis at pomada
sa buhok, toniko,
suklay at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador,nakadikit sa dingding
ang isang malaking larawan ng
Birheng nakalabas ang puso at may tarak itong punyal. Sa tabi
ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang
silid ay larawan ng
kariwasaan.
Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na binibihisan ng
kaniyang ina. Nakabakas sa mukha
ng bata ang pagkainip
samantalang sinusuklay ang kaniyang buhok.
(Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.)
Ina:
Boy:
Ina:
Boy:
Ina:
Boy:
Ina:
Boy:
Ina:
Boy:
Ina:

O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis.
(Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
Ayaw mong magsimba! Hindi maa... Pagagalitin mo na naman ako, e! At anong gagawin mo
rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw?
Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ... si Tiyo Simon...
(Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang ... Patawarin ako ng Diyos.
Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo
Simon...
(Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa
kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon?
Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
A, husto ka na ... Husto na, bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon
ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban
Pero...
Husto na sabi, e!

(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit sa nakapinid na pinto ng
silid. Saglit na titigil ang yabag; pagkuway makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.)
Ina:
Tiyo Simon:

(Paungol) Uh ... sino yan?


(Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong ...

(Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon,
nakangiti ito.)
Tiyo Simon:
Boy:

Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy ...
(Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay
Mama.

Ina:

(Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, Kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan ...

(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob. Hahawakan sa balikat si Boy.)

Tiyo Simon:

Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo... kung gusto mong
isama ako ay maghintay kayo at akoy magbibihis ... Magsisimba tayo.

(Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kaniyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay napamangha
rin. Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa. Pagkuway babaling ang ina kay
Boy.)
Ina:
Boy:
Ina:

Nakapagtataka! Ano kayang nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa
atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos ...
Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako ...
Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi, e, hindi ka rin
sasama. Pero, mabuti rin iyon ... Mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa
wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring ...

(Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas lamang si Boy.)
Ina:

(Mahina at waring sa sarili lamang). Namatay siyang hindi man lamang nakapagpa-Hesus.
Kasiy matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid, sila ng
iyong amain. Sana;y magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa
kaluluwa ng kaniyang kapatid na sumakabilang buhay na ...

(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuway nakarinig sila ng hindi pantay na yabag, at ilang sandali
pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang kaniyang mukha,
pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.)
Ina:

Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasiy ... diyan muna kayo ni Boy, Kuya ...

(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang naroroon,
pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa harapan niya.)
Tiyo Simon:
Boy:
Tiyo Simon:
Boy:
Tiyo Simon:
Boy:
Tiyo Simon:

Boy:
Tiyo Simon:

(Maghihikab) Iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina ang katawan at ...
(biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kaniyang may kapansanang
paa. Matatawa.)
Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo bang sabi ni Mama na iyay parusa ng Diyos? ...
(Matatawa) Sinabi ba ng Mama mo yon?
Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi ...
(Mapapabuntong-hininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako na naniniwala sa Diyos ...
Pero yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo nangingilin kung araw ng
pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon?
May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba sa
pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa
sariling pagkamulat ... ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak:
malaki ang pananalig ko kay Bathala.
Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?...
Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan
ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala
ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.

(Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat sa malayo ay
biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kampana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuway titigil ang
pagtugtog ng batingaw. Magbubuntunghininga si Tiyo Simon, titingnan ang kaniyang may kapansanang paa,
tatawa nang mahina at saka titingin kay Boy).
Tiyo Simon:

Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko ang tumalikod, hindi lamang sa
simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at akoy nanalig

Boy:
Tiyo Simon:
Boy:

sa pilosopiyang pinanaligan ng kaniyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging maligaya. Boy,
hindi ako nakaramdam ng kasiyahan.
Ano ang nangyari, Tiyo Simon?...
Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa akin, nawalan
ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako ... hanggang sa isang araw ay nangyari sa
akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin.
Ano iyon, Tiyo Simon...?

(Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kaniyang lukbutan. Maglalabas ng isang bagay na
makikilala na isang sirang manikang maliit.)
Tiyo Simon:

Ito ay manika ng isang batang nasagasaan ng trak. Patawid siya noon at sa kaniyang
pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ngunit siyang pagdaan ng isang trak at siyay
nasagasaan ...Nasagasaan siya, nadurog ang kaniyang isang binti, namatay ang bata...
namatay...nakita ko, ng dalawang mata, ako nooy naglalakad sa malapit... At aking nilapitan,
ako ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at nooy tangang mahigpit ng
namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan...

Boy:

(Nakamulagat) Ano pang nangyari, Tiyo Simon?

Tiyo Simon:

Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking sarili...sapagkat
nang yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang
ngiti sa bibig ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng kaniyang buto... ngiting tila ba
nananalig na siya ay walang kamatayan...

(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy. Muling maririnig ang
tunog ng batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang higit na mahabang sandali sa
pagtunog, pagkuway titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.)
Tiyo Simon:

Mula noon, akoy nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko
ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapaalalang lagi sa akin
ng matibay at mataos na pananalig ng isang batang hangggang sa oras ng kamatayan ay
nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang pananalig, kahit ano,
pananalig, nang sa anong bagay, lalong mabuti kung pananalig kay Bathala, kung may
panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian... upang
may makapitan siya kung siyay iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay.

(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuway maririnig ang matuling yabag na papalapit. Susungaw ang
mukha ng ina ni Boy sa pinto.)
Ina:
Boy:

Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. . Hinanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako
natagalan. Tayo na, Boy...Kuya
(Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na, Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog
ang kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo na!

(Muling maririnig ang tugtog ng kampana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging
madalas ang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas, habang bumababa ang tabing).

Appetizer Utensils

Appetizer Forks

Chip & Dip Bowl

Fondue Set

Main Dish Utensils

Colanders/Strainers

Dessert Utensils

Chopping Board

Whisks

Icing Bag

Pop Maker

Ice Cream Scoop

Beverage Utensils

Cocktail Shaker

Coffee Maker

Fruit Juicer

Different Processes in Preparing Food


Baking the technique of prolonged cooking of food by dry heat acting
by convection, normally in an oven, but can also be done in hot ashes or on hot
stones.
Boiling the rapid vaporization of a liquid, which occurs when a liquid is
heated to its boiling point, the temperature at which the vapor pressure of the

liquid is equal to the pressure exerted on the liquid by the surrounding


environmental pressure.
Blanching cooking technique which food substance, usually a vegetable or
fruit, is plunged into boiling water, removed after a brief, timed interval, and
finally plunged into iced water or placed under cold running water (shocked) to
halt the cooking process.
Braising combination cooking method using both moist and dry heat;
typically the food is first seared at a high temperature and then finished in a
covered pot with a variable amount of liquid, resulting in a particular flavor.
Coddling food is heated in water kept just below the boiling point.
Pressure cooking cooking in a sealed vessel that does not permit air or
liquids to escape below a preset pressure, which allows the liquid in the pot to
rise to a higher temperature before boiling.
Simmering foods are cooked in hot liquids kept at or just below the boiling
point of water, but higher than poaching temperature.
Poaching process of gently simmering food in liquid, generally milk, stock or
wine.
Steaming boiling water continuously so it vaporizes into steam and carries
heat to the food being steamed, thus cooking the food.
Steeping saturation of a food (such as an herb) in a liquid solvent to extract a
soluble ingredient into the solvent. E.g., a cup of tea is made by steeping tea
leaves in a cup of hot water.
Stewing food is cooked in liquid and served in the resultant gravy.
Grilling a form of cooking that involves dry heat applied to the surface of
food, commonly from above or below.
Frying cooking food in oil or another fat, a technique that originated in
ancient Egypt around 2500 BC.[3]
Microwaving
Microwave oven type of oven that heats foods quickly and efficiently using
microwaves, but, unlike conventional ovens, does not brown or bake food. This
makes them unsuitable for cooking certain foods, or to achieve certain culinary
effects. Additional kinds of heat sources can be added to microwave packaging,
or into combination microwave ovens, to add these additional effects.
Roasting cooking method that uses dry heat, whether an open flame, oven,
or other heat source. Roasting usually causes caramelization or Maillard
browning of the surface of the food, which is considered by some as
a flavor enhancement.
Barbecuing method of cooking meat, poultry and occasionally fish with the
heat and hot smoke of a fire, smoking wood, or hot coals of charcoal.
Grilling applying dry heat to the surface of food, by cooking it on a grill, a grill
pan, or griddle.
Rotisserie meat is skewered on a spit - a long solid rod used to hold food
while it is being cooked over a fire in a fireplace or over a campfire, or while
being roasted in an oven.

Searing technique used in grilling, baking, braising, roasting, sauting, etc.,


in which the surface of the food (usually meat, poultry or fish) is cooked at high
temperature so a caramelized crust forms.
Smoking the process of flavoring, cooking, or preserving food by exposing it
to the smoke from burning or smoldering plant materials, most often wood. Hot
smoking will cook and flavor the food, while cold smoking only flavors the food.
Brining Brining is a process similar to marination in which meat or poultry is
soaked in brine before cooking

Ceviche
Drying
Fermentation
Marinating
Pickling
Salting
Seasoning
Souring
Sprouting
Sugaring
Basting
Cutting
Chopping

Dicing
Grating
Julienning
Mincing
Peeling
Shaving
Kneading
Milling
Mixing
Blending
Vacuum Filling

You might also like