You are on page 1of 1

FILIPINO 9

Modyl 1.1
Pangalan________________________ Seksyon __________ Petsa ________ Iskor ______
Pagsasanay 1
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo ang pahayag. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya,
sa lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.
2. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siyay nakakaraos sa buhay, (subalit, kaya) hindi pa rin
maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
3. Siyay nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi na niya
alintana ang mga darating pa.
5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya)
mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.
Pagsasanay 2
Panuto: Punan ng angkop na transitional device ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan ng kuwento.
Isulat sa papel ang iyong sagot
Krus
Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag-ensayo ng diving para sa isang tryout
bilang paghahanda sa SEA Games. ____ nga mayaman, sunod ang kaniyang layaw sa anumang gustuhin
niya. ____ kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mageensayo. Alam niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya ____ matalik na kaibigan ng
kaniyang ama ang Chairman ng Philippine Sports Commission. Pagod siya sa buong araw na pag-aaral ____
pursigido siyang dapat mapanalunan angkampeonato.
Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw lamang ay ang isang ilawan
sa covered court at ang maliwanag na sinag ng buwan.
____, habang siyay nakatayo sa springboard ng pool na may taas na tatlumpung talampakan, dahandahan niyang itinataas ang kaniyang dalawang kamay, ____ umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa
pagtalon. ____ biglang nag-brownout. Ang sinag na lamang ng buwan na nasa kaniyang likuran ang tanging
tumatanglaw sa kaniya. ____ na lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang
makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan. Siyay lumuhod sa kinatatayuang springboard at umusal.
Panginoon, kung itoy isang pahiwatig na akoy dapat magbago sa aking kapalaluan, patawarin Nyo
po ako.Taos-puso po akong lumuluhod sa inyong harapan at nagsusumamo na patawarin Nyo po sana ako.
Patuloy na humagulgol si Brinth at di namalayang bumalik ang kuryente. Siya pa rin ay nakaluhod at
nakayuko nang biglang umilaw ang paligid.
Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na wala palang tubig ang pool kung
saan siya dapat tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw.
Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong, Salamat po, Panginoon. Mula noon ay hindi na siya
bumalik sa springboard na yun.

You might also like