You are on page 1of 18

MAIKLING

KUWENTO

Ano ang maikling kuwento?


Ito ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa pamamagitan ng mga
pangungusap at talatay binubuo ng may-akda upang sa kanyang
kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad ng panitikan, mailahad niya
ang isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal ng
isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa.
Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa isang bahagi ng buhay na
tunay na nangyari o maaaring mangyari.
Sapagkat itoy may makitid na larangan, mabilis na galaw kayat tuluytuloy ang pagsasalaysay, matipid at payak ang mga pangungusap, kakaunti
ang mga tauhan na lagi nang may pangunahing tauhan,payak o karaniwan
ang paksa, maikli ang panahong sinasakopang maikling kuwento ay madaling
maunawaan, kayat masasabing angkop sa lahat, lalo na sa mga taong
mahilig magbasa ngunit kapos sa panahon.

Mga Salik / Sangkap


ng
Maikling Kuwento
.

1.Tagpuan
Tumutukoy ito sa pook at panahong
pinangyarihan ng mga tagpo sa akda,
naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran
ng mga tauhan. Inilalarawan ito nang buong
linaw, pati na ang kaugalian ng mga nasa
kapaligiran ay masisinag sa mabisang
pamamaraan.

2. Tauhan
Kaunti lamang ang mga tauhan ng maikling katha
bagamat laging may pangunahing tauhan. Ang iba pa
sa kuwento ay tumutulong lamang sa lalong ikatitingkad ng
pagganap ng pangunahing tauhan sa akda. Sa kanyang galaw at ugali nakasalalay nang malaki ang kagandahan ng
akda. Kailangang siyay maging tunay at buhay. Siya at
ang iba pang tauhan ay inilalarawan nang di-tuwiran.
Makikilala sila sa pamamagitan ng kanilang panlabas na
kaanyuan pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig
ng kanilang ugali at pili ng mga salita.

3. Banghay
Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari. Dapat itong maging maayos
at magkakaugnay upang maging matatag at
kapani-paniwala. Gaano man kapayak o karaniwan
ang mga pangyayari, ang pagiging kawili-wili nito
ay nakasalalay sa makatwirang pagkakasunudsunod na magpapadulas sa daloy ng salaysay.

Mga Bahagi
ng
Maikling Kuwento

1. Panimula
Sa bahaging ito paaasahin ng may-akda
ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at
kapana-panabik na akda. Humigit-kumulang,
ang mga sumusunod ay nakapaloob sa mga
unang talata ng akda:

A. pagpapakilala sa mga tauhan maipabatid ang


kanilang pagkatao ng pangunahing tauhan; mapangibabaw ang katangian ng pangunahing tauhan upang magkagiliw agad sa kanya ang mga
mambabasa

B. pagpapahiwatig ng suliraning kakahaharapin ng


mga tauhan kailangang palitawin ang suliranin ng
pangunahing tauhan upang maitanim sa isipan ng
mga mambabasa na sa kanya iinog ang mga susunod pang pangyayari

C. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento ang lahat ng mga
pangyayari at tauhan sa akda ay kailangang isang
damdamin lamang ang antigin sa mga mambabasa

D. paglalarawan ng tagpuan sa di-tuwirang pamamaraan, magagawa ng may-akdang madama ng


mga mambabasa ang kapaligirang gagalawan ng
mga tauhan lalo ng ng pangunahing tauhan sa akda; mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga
mambabasa ang suliraning kahaharapin ng pangunahing tauhan at ang damdaming nasang maantig
sa mambabasa

2. Tunggalian
Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang
tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari kayat sinasabing ito ang sanliga ng akda. Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan
na hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas
ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng
layunin; at dapat na magdulot ng pananabik
at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong
huli.

3. Kasukdulan
Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng mga
mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito
pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing
tauhan o ng bayani sa kuwento. Subalit bago
sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan,
kailangang magduyan muna ang pananabik ng
mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit,
mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihinatnan ng pangunahing tauhan.

4. Wakas
Bagamat ang isang maikling kuwento ay
maaari nang magwakas sa kasukdulan, may
mga pagkakataong kailangan pa rin ang isang
katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maaari ritong
ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na
sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na
ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.

Mga Uri
ng
Maikling Kuwento

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

Kuwento ng Pag-ibig
Kuwento ng Maromansang Pakikipagsapalaran
Kuwento ng Madulang pangyayari
Kuwento ng katatawanan
Kuwento ng Katatakutan
Kuwento ng Tauhan
Kuwentong Makabanghay
Kuwento ng Katutubong Kulay/Kapaligiran

Binuo ni:

Rosemelyn T. Ranches
Quezon City High School

You might also like