Professional Documents
Culture Documents
Ipinasa kay:
Bb. Mayluck Malaga
Ipinasa nina:
Michael Angelo F. Azada
Mayrabel Cris G. GAlindez
Jeselle P. Guardiano
BSME I-3
I.
A.
Kwento ito ni Raymundo Mojica a.k.a Mong. Isa siyang dating horoscope writer sa
isang tabloid at hindi nagtagal naging isang reporter sa isang kilalang network. Babalik
sana siya sa Brgy. Magapok para tuparin ang hiling ng kanyang ina na ilagay ang
picture frame sa altar ng simbahan at isaboy ang abo nito sa kapatagan ng nasabing
lugar sa araw kung saan ipagdiriwang ang pista ng patron ng Sta. Barbara.
And all hell breaks loose nang magsimula ang tatlong araw na pista sa kanilang
lugar. Isa-isang nawala ang mga tao at hayop sa lugar, kinakain ng lupa ang mga
naninirahan doon at ibat iba pang weirdong mga bagay na mahirap ipaliwanag.
B.
Kaya pinamagatan itong Tatlong Araw Tatlong Gabi dahil ito ang bilang ng araw ng
pista ng Brgy. Magapok at sa tatlong araw at tatlong gabing pamamalagi ni Mong, ay
mararanasan niya ang kakaibang takot at mga kababalahaghang mangyayari sa lugar
habang siya ay namamalagi sa nasabing lugar.
Nagpapatunay dito ang linya sa libro sa pahina apat na put anim (46)
Sa halos limang taon ni Mong at nanay niya sa Sta. Barbara de Bendita, hindi
pwdeng hindi sila titigil ng tatlong araw tatlong gabi sa Magapok.
Hindi biglaang pananakot ang hatid ng Tatlong Gabi, Tatlong Araw. Hindi ito tulad
ng mga tipikal na kuwentong kababalaghan na patatalunin ang mambabasa sa
panandaliang pagkakagitla na saglit na pananakot lamang din ang itinatagal.
Pangmatagalang pagkabagabag at pagkalito ang hatid ng nobela ni Atalia. Ito ay isang
kuwento ng mga tao sa maliit na bayan ng Magapok at ng isang mamamahayag
nagbalik upang muling kilalanin ang kaniyang iniwang tahanan.
II.
TUNGKOL SA AUTHOR
PAGSUSURI
A. BUOD
nila si Berto at nakita ang kamay na nakakakapit kay Berto. Mapusyaw at maputi.
Parang bang kamay ng maniking kupas.
PAgkatapos ng pangyayari sa latian ay dumiretso na ang lahat sa barangay hall para
mananghalian. Habang nanananghalian ay pinagtatalunan nila kung sino o ano ang
humila kay Berto. May nagsasabing baka rebelde ito o baka naman bandido pero may
biglang lumitaw sa gitna ng maraming tao at ito ay si Nana Etang at sinabing baka
Malakat ang humila kay Berto.
Habang Nagkakagulo naman ang lahat ay nag-usap si Lumen at Mong tungkol sa utnag
ni Lumen kay Mong noong bata pa sila. Habang nag-uusap ay biglang nag-flash sa
alaala ni Mon gang mga babaeng dumaan sa kanyang buhay at ang mga aral ata
pangyayari sa tabloid na kanyang pinagtratrabahuan.
Hindi naman natinag ang Kapitan sa mga nangyari sa latian at pinagpatuloy pa rin ang
pista. Malolowbat na ang cellphone ni Mong kayat sinamahan siya ni Dencio sa Brgy.
Hall at habang naglalakad ay naaninagan niya si Dex at Val sa gitna ng maraming tao,
at ng madaanan na ang dalawa ay para na lamang silang bula na biglaang naglaho.
Sinabi na lamang niya sa sarili nab aka namamalikmata lamang siya.
Kabanta 9 (Hindi Nagsisinungaling ang Camera)
Hinahanap ng kapitan si Tata Berong para sa gaganaping palaro ng agawan buko para
sa mga bata. Tradisyon na kasi sa Brgy. Magapok na si Tata Berong o kahit na sinong
panauhing pandangal ang magbabaon ng barya sa buko at magpapagulong sa tae ng
kalabaw o baka.
Pinahanap ng kapitan kala Dencio at Berto si Tata Berong at di pinasama si Mong dahil
sa gusting kausapin ng Kapitan si Mong at alam nitong abala ito sa pag-aanatay ng
breaking news sa T.V.
Pinaupo na ng Kapitan si Mong para manuod na ulit ng T.V. Kumuha na lamang siya ng
upuang kahoy para kausapin ito. Tinanong ng Kapitan kung ano nga talaga ag nakita ni
Mong sa videong kanyang nakuha. Kinuha nya ang nagchacharge na spare battery ng
camera at isinalpak agad ito. Gumana naman kahit isang bar palang ang karga ng
baterya.
Pinakita niya sa kapitan ang video at dito nila nadiskubre na isang military ang humila
kay Berto sa latian dahil sa tatong nakalagay sa braso ng humila kay Berto. Dumating
ang sina Dencio at Berto na hindi nahahanap si Tata Berong kaya umalis muna ito para
ayusin ang lahat. Napagisip-isip nya na ano kaya ang interes ng mga ito sa bayan ng
Magapok.
Samantala, pumunta na siya sa palaro ng agawan buko at si Mong ang naatasan
magpasinaya sa laro. At ilang sandal ay nakita nanaman niya ang mga kasamahan sa
paligid ng maraming tao at bigla ulit itong nawala. Hindi na bumalik ang resepsyon ng
T.V. kaya piata na lang ito.
Hapon na ng matapos ang agawan buko at naghanda na ang lahat para sa sagala at
programang gaganapin mamaya para sa mga bakla. Nirebyu niya ulit ang video
nakuha kanina at naalala niya ang sinabi ni Carmen na Hindi nagsisinungalong ang
Camera. Mula video mode ay inilgay niya sa photo mode at sinipat sa labas ng
Magapok. Sa papaunting tao, natamaan ng lente si Lumen, nakikipaglaro sa mga bata,
at napansin nya ang natural at simpleng kagandahan ni Lumen at nasabi nya sa sarili
na Hindi nagsisinungaling ang Camera.
Kabanata 10 (Malas)
Ilang araw na si Mong sa Barangay ng Magapok pero hindi parin nito nagagwa ang bilin
ng kanyang Ina na mailagay an kwadro nito sa kapilya at maisaboy ang abo ng
kanyang ina sa Brgy ng Magapok.
Tinignan muli ni Mon gang rehistro ng mukha ni Lumen sa kanyang camera, at isa isa
niyang tinitigan at inilarawan ang pisikal na anyo ni Lumen mula ulo hanggang paa.
Nabigla siya ng maktang matagal na palang nakatitig sa kanya ang kapitan at biglang
inalaska dahil sa matagal na pagtitig nito sa mukha ni Lumen.
NAgumpisa na ang sagala at pacontest para sa mga bakla, parang VIP ang mga ito
dahil may mga escort na tanod habang naglalakad. Tanging flashlight at kandila lamang
ang pumapawi ng dilim para makita nila ang kanilang daraanan.
Pagkatapos ng prosisyon ay dumeritso na sila sa kapilya, nauna na ang bakla sa pagaalay ng bulalaklak sa patron at sumunod na ang nakisama sa prosiyon na nag-alay ng
mga prutas at gulay. Pagkatapos ng pag-aalay ay naghapunan muna ang lahat bago
ganapin ang pacontest sa mga bakla.
Makalaipas ang ilang sandal, may mesa na sa harap ng stage at tumayong judge sila
Lumen, Mong at Kapitan. Sumakit ang tiyan nila kakatawa sa mga kakaibang talent na
ipinakita ng mga bakla, May nagpakitang di totoo ang kasabihang Ang pusa ay may
siyam na buhay at meron di namang nagpabugbog para lang mairaos ang talent.
Umugong ang palakpakan para question and answer ng mga bakala dahil sa mga
pilyong sagot sa mga pilyong tanong. Nang sasabihin na ang mga nanalo para sa
pacontest ay biglaang nagbrown-out. Minonitor ng mga tanod ang kapaligiran at may
nakitang kumakaluskos at may narinig silang ingay sa likod ng isang makapal na
halaman at nang makita ay isa lamang palang aso.
Habang nagmomonitor ang mga tanod ay biglang sumigaw si Berto papunta sa kapitan
para sabihing nawawala ang mga alaga nyang hayop. Pinasamahan ng kapitan si Berto
ka Dencio at Dentor. Makalipas ang ilang sandal ay sumigaw si Dencio at sinabing
Kap, nakita na yung isang baka.
Kabanata 11 (Kumunoy, Sinkhole, Malakat)
Pinuntahan ng mga taga-Magapok ang umuungol nab aka sa putikang palayan na
nilalamon ng kumunoy. Gumamit sila ng flashlight at sulo para pawiin ang dilim at para
makita rin ang baka. Patuloy parin ang atungal ng baka na halos kalahati na ng
katawan ang lubog sa putik. Pinuntahan ng isang tanod ang baka para hilahin. Kumuha
siya ng lubid at tinali sa magkabilang sungay ng baka. Umatungal parin ang baka
habang binabatak ang lubid. Pero unti-unti paring lumulbog ang baka na halos leeg na
lang ang nakalitaw.
Dumating sina Kapitan at Mong sakay ng habal-habal kasama sila Dencio at Berto.
Itinali nila ang lubid sa pwetan ng motor. Habang nirerebulusyon ang motor ay
umaatungal ang baka. Pinaandar pa ang motor. Medyo gumegewang na ang gulong ng
motor at biglang may sumanggi sa pwetan ng motor at yun ang putol na katawan ng
baka.
Sinubukang basahin ni Nana Etang ang mga nangyayari sa Brgy. Magapok pero wala
itong mabasa, napili nalang na lumabas ni Mong at Lumen. Umiyak si Lumen kay Mong
dahil ngayon lang nito nakita ang nana nagkakakganoon. Habang naguusap ay may
biglang naalala si Mong. Isang sinkhole, sinkhole ang mga lumalaon sa mga hayop sa
Brgy. Magapok.
Habang naguusap ay biglang may batang nilalamon ng lupa. Dumadausdos si Nana
Etang sa batang nilalamon ng lupa. Umiiyak ito. Pinipigil ang paglamon ng lupa.
Tinulungan nila ang bata na maka-ahon. Tinalian nila ang bata para mahila. Nagtulong
tulong ang lahat para mahila ang bata at Naiahon na ang bata.
Kahit na nanginginig at lumuluha na si Nana Etang ay inutusan parin nitong manahimik
ang lahat, umusal ng dalangin hawak hawak ang itim na rosary, sumayaw-sayaw.
Iniabot ng matanda ang kanag kamay nitong may rosaryo sa hukay. Lumubog ang
kamay at muling sumilip ang liwanag sa butas.
Nang walang anu-anoy sa bugso ng damdamin ng kapitan ay naibato nito ang granda
sa butas. Sinenyasan na umalis ang lahat. Yumanig ang lupa na naggaling sa ilalim.
Kabanat 12 (Ikalawang Gabi)
Walang makaimik sa mga nangyari, humhithit ng sigarilyo ang Kapitan. Kumpleto lahat
ng opisyales ng barangay sa hall. Lahat ay pagod sa paghahanap ng mga nawawala
pero wala pa ring natutulog sa mga oras nay un dahil nga baka mamaya isa na sakanila
ang lamunin ng lupa.
Habang sinisilip ni Mong ang cellphone na wala paring signal at di pa rin nakaksend
hanggang ngyaon ay nirebyu ulit ni Mon gang video. Alam nya sa sarili niya na may
paliwanang sa mga nangyayari pero hindi pa sya sigurado ditto. Kinuha niya ang spare
battery para icharge at nakapa niya ang picture frame at naalala nya bigla ang nanay
nya, ag pagtatalo ulit nila sa pag-alis nila sa Brgy. Magapok.
Nagtatalo parin ang lahat kung ano ang dahilan ng mga nangyayari. Ang sabi ng isa ay
rebelde daw, ang isa naman ay bandido at ang isa naman ay malakat. Pero silang lahat
ay di sigurado kung ano o sino talaga ang gumagawa nito.
Pinaronda muna ng Kapitan ang mga tanod para makapag-usap sila ni Mong. Napagusapan nila baka mga militar ang mga may gawa nito dahil nga sa ilang clues na
kanilang nakita, at sa palagay ni Mong sila ang pwede makagawa ng mga underground
tunnel dahil sila lang ang may sapat na kagamitan. At ang sinabi niyang dahilan kung
bakit nangyayyari ito ay baka may nalamang o nakitang nakatagong yaman sa ilalim ng
Magapok.
Patuloy parin sa pagroronda ang lahat kahit na pasilip na ang araw. Pumunta muna si
Mong sa entablado sumingit na siya sa mga nangyayari at sinabe sa mga tao na
sasagit siya sa Kapitolyo para iparebyu sa kanyang unit ang mga videong kanyang
nakalap para malaman na kung sin talaga ang may sala sa mga nangyayari sa
Magapok. Napasigaw na lamang si Nana Etang na Sabi ko na nga ba at si Mong ang
magpappakilala sa Magapok.
Kabanat 13 (Ikalawang Araw)
May pamilyar na huni ng ibon siyang naririnig pero hindi niya alam kung ano ibon ito.
Inilagay niya sa videomode ang kanyang camera at sinipat kung anong ibon ang nasa
likod ng mga bakawan. Zinoom in niya, Zoom in pa, at Zinoom in pa niya ult pero wala
siyang nakita.
Tinawag siya ni umen mula sa ikod at biglang umiyak at humangos sa kanyang dibdib.
Umiiyak. Ramdam niya ang pinagsamang laway,sipon at luha na binasa ang bandang
balikat ng kanyang damit. Sinabe ni Mong na hindi naman siya kinain ng lupa kung
kayat bakit ito umiiyak, sinabe na lamang ni Lumen ang pakay nito na pinapatawag
siya ni Nana Etnag dahil may ibibigay ito bago sya pumuntang kapitolyo.
Tinawag niya si Filomena na papaalis na at sinipatan ng camera at nakita nito ang
natural na kagandahan ng dalaga. Inaasahan niya na muling yayakap si Lumen pero
inunahan na niya at nang walang anu-anoy hinalikan niya si Lumen.
Ibinagay na ni Nana Etang ang kwerdas na ibibigay noya kay Mong at binasahan muna
niya ng rtwal ang binata at pinainom ng pinakuluang kung ano-anong dahon.
Papaalis na si Mong ng biglang sumigaw si Tameng. Nagulatang ang lahat na lahat ng
mga nagnakaw ng tulog ay namatay na. Isang kababalaghan na gumulantang sa bayan
ng Magapok. Lahat ng natulog, babae o lalaki, bkala o tomboy, matanda o bata ay
namatay. Ang iba nga ay nasa ibat ibang posisyon pa. May nakadapa, may yakap,
nakamake-up at kung ano-ano pang posisyon.
Hindi na nila alam kung ano ang gagawin. Napag-isipan na lamang ng Kapitan na
sumama kay Mong para malaman ang totoong nangyayari.
Kabanata 14 (Patay na Oras)
Plinani na ni Mon gang rutang taahakin pagdating sa Rio de Gracio. Alam nyang kapag
tinawagan nya ang kanyang desk na si Carmen ay agd siyang papagalitan nito. Habng
inihahanda na ang habal-habal ay napatingin sya sa kapatagan ng Brgy. Magapok dahil
hindi niya alam kung para sa Brgy Magapok nga ba ang gagawin niya o para sa sarili.
Si Kapitan, Nana Etang at Lumen lamang ang ilan sa mga hindi namatayan kung kayat
sila ang nag-asikaso ng mga kabarangay. Gusto na nilang iwanan ang Barangay dahil
sa mdami nang kababalaghan ang nagyayari dito ero hindi nila ito maiwan hanggat
hindi nabibigyan ng maayos na libing ang mga kaanak nila. Hindi man payag ang lahat
pero napagdesisyunan nilang sunugin na lamng ang mga bangkay kayat isa isang
inilabas ng mga taga-Magapok ang mga bangkay sa bawat bahay.
Inihanay nila ang mga bangkay sa harapan ng Barangay Hall. Nilagyan nila ng mga
sawili at sanga ang mga bangkay para agad masunog kung paliliyabin na. Nang
matapos ayusin ang hanay ng mga bangkay ay binalutan na nila ito ng kumot.
Sisindihan n asana ang bunton ng mga patay pero pagkahagis ni Mong ng sulo ay bigla
itong namatay, sinindihan ulit at namatay. Nang walang anu-anoy bigla yumanig ang
paligid at bilang nilamon ang bunton ng mga bangkay ng lupa.
Pinaalis na ng kapitan at ni Nana Etang si Mong at pinapunta na sa Kapitolyo. Nasa
kaligitnaan na ng daan sina Lumen at Mong ng biglang nawalan ng krudo ang habalhabal. Kayat minabuti nalamang nilang bumalik sa Magapok. At pagkabalik doo ay
nakita niya ang Kapitan at sinabing nawalan ng krudo ang motor ni Berto at sinigawan
siya ng Kapitan at sinabing nandoon pa ang motor ni Berto. Nagulat si Mong sa nakita,
kitang kita ng kanyang mata ang motor ni Berto na may pulang rosary sa hawakan na
kanina lang ay iniwan nila dahil sa nawalan ng krudo.
Bigla lamang bumuhos ang napakalakas na ulan na para bang wala nang bukas.
Pumunta ang mga nagiiyakan at humahagulgol na kabarangay sa kapilya at don
nagdasal. Umupo na lamang sa may tabi ng pintuan si Mong dahil sa hindi nito alam
ang sasambiting dasal, sa panahong yun niya naramdaman ang pagod at puyat at di
niya namalayan na nilalamon na siya ng lupa.
Kabanata 15 (Ikatlong Gabi)
Halos hind nagbago ang buhos ng ulan. Tuloy parin sa pagdadasal ang mga tao sa
kapilya. Sinabi na ng Kapitan na hindi ligtas na manatili sila sa Brangay kung kayat
naisipan nilang umalis at pumunta Rio de Gracio.
Ipinagpatuloy ng mga taga-Magapok ang karakol sa kabila ng mga kababalaghan na
nagyayari. Pinangunahan ni Lumen ang pagsayaw para sa karakol Siya naman
madalas ang nagkokoryo ng sayaw. Sinundan pa siya ng mga kababayan at
nagsisayaw. Habang sumasayaw ay tumila ang malakas na ulan.
Napagdesiyunan na nilang umalis ng Magapok at tahakin ang mga bulubundukin
papuntang Rio de Gracio. Ngunit habang nasa daan ay bigala namang nagliparaan ang
mga taga-Magapok na parang lobo na nilalamon ng madilim na langit. Nagtakbuhan
ang lahat sa takot nang masulyapan ang nanyari.
Inakbayan na lamang Mong si Lumen at kinuhanan ng litrato, At sinabi niya na pinagako
niya kay Lumen noong mga bata pa sila na hindi niya iiwan ang dalaga. Dumiretso na
lamang ang dalawa sa kapilya ng Magapok at pagdating doon ay wala na silang
nasulyapang kahit ano. Wala na ang mga santo, patron at kung ano-ano pa.
Pagkalabas naman nila ng kapilya ay wala ng mga gumagalang hayop at insektong
nagliliparan na dati nilang nakikita sa Barangay. Nanalig na lamang ang dalawa na sila
ay makakaligtas. At humiga na lamang sila.