You are on page 1of 5

1. Ano ang ENIPAS?

a. Ang ENIPAS ng Senate or Expanded NIPAS Act ay bill na sinusog ni Sen.


Legarda (SB 2712) na naglalayong higpitan ang pamamahala ng mga protected
areas.
-

Section 2 par. 3

b. Ito din ay naglalayong isabatas ang mga initial component protected areas na
bumibilang ng 113.
-

Section 4(g)

c. Ang ENIPAS ng House or Enhanced NIPAS Act ay kahalintulad na bill na inakda


ni Sen. Legarda at may magkahawig na provisions.
-

Enhanced NIPAS Act Sections 2, 5 (2-c), 6, 19, 20

d. 97 protected areas ang kasama sa House version.


-

Section 5 (1-a)

2. Ano ang idinadagdag ng ENIPAS?


a. Ipinasok ng ENIPAS ang mga initial component protected areas sa pag amiyenda
ng orihinal na NIPAS Act.
-

Section 4 (g)

b. Ang mga isinamang protected areas ay dineklara ding mga national parks.
c. Dinagdagan at pinahigpitan ang mga bawal gawin sa loob ng protected areas.
-

Section 20 (a, b, c, d, f, j-v)

d. Itinaas ang parusa sa paglabag sa mga pinagbabawal sa loob ng protected


areas.
-

Section 21 (b, c, d)

3. Ano ang epekto ng ENIPAS?


a. Ang lahat ng protected areas ay ganap nang national parks regardless kung may
mga taong nakatira sa loob, mga pamayanan, pamahalaan, kabahayan, negosyo,
government facilities at infrastructures, mga lugar na di angkop sa classification
ng national park o protected area.
-Section 4 (a)
b. Ganap nang national parks ang lahat ng unclassified public forests na nasa loob
ng protected areas kahit na ang mga itoy mas angkop na iclassify na alienable
and disposable agricultural lands sa kadahilanang itoy masisiglang pamayanan
at pinaninirahan ng libo-libong residente.
-

Section 4 (a)

c. Kahit na ang mga kapatagan na walang mga puno, halaman, hayop, o insektong
dapat na pangalagaan o mga basakang matagal nang tinataniman at inaani ay
deklarado ring national park.
-

Section 4 (a)

d. Kasama din ang mga kalsadang sinementot ginastusang ng pamahalaan


national at local ay deklarado ring national parks.
-

Section 24

e. Ang pamamahala sa protected area ay pinauubaya sa PAMB at PAMO. Ang


local chief executive ay miyembro lamang ng PAMB.
f.

Section 8 Section11.2)

Ang lahat ng nais mag develop sa loob ng protected area ay kailangang kumuha
ng ECC.
-

Section 8 Section 11.2 H

g. Ang pagpapakuryente ay papayagan lamang kung may batas na pinasa ang


Kongreso o renewable energy project na papayagan ng DENR Secretary at
PAMB.
-

Section 14

h. Ang pamamahala ng protected area ay pinagkaloob sa DENR at sinumang


ahensiya ng pamahalaan ay mapasaiilalim ng DENR.
i.

Section 5 (b, c, d)

Ang mga panibagong sources of revenue ng local na pamahalaan ay kailangang


aprubahan ng PAMB.
-

j.

Section 16 (d)

Tenured migrants o mga naninirahan sa protected area ng may 5 taon at ang


kabuhayan ay sa protected area lamang ang hahayaan manatili sa protected
area. Ang iba ay palalayasin.
-

Section 23

k. Ang mga pasilidad katulad ng roads, buildings, water systems, transmission lines,
communication facilities, heavy equipment, irrigation facilities sa loob ng
protected area ay maaring paalisin ng PAMB o kung hindi man ay kailangang
magbayad sa PAMB.
-Section 24
4. Ano ang ilang pinagbabawal ng ENIPAS?
a. Sa bill ni Sen. Legarda bawal nang mangolekta ng real property taxes ang mga
pamahalaang local o mag-issue ng tax declarations.
-

Section 16 (d)

b. Ang paggamit ng mga sasakyang de motor.


-

Section 20 (c)

c. Ang pagtatayo ng mga subdivision at mga pasilidad na maghihikayat ng


pagdagsa ng mga tao.
-

Section 20 (g)

d. Ang pagbebenta ng lupa sa loob ng national park na may tenurial instrument.


-

Section 20 (w)

e. Ang mga walang tenurial instruments ay palalayasin sa national park.


f.

Upang marenew ang pagtira, kailangang magpaalam sa PAMB.

g. Ang paninirahan sa public lands na walang pahintulot sa PAMB.


-

Section 20 (f)

h. Ang pagtatayo ng kahit na ano o pagnenegosyo sa lupa at tubig nga walang


pahintulot sa PAMB o hindi ayon sa management plan.
i.

Section 20 (g)

Ang pangangalakal ng tenurial instrument.


-

Section 20 (k, l, m)

5. Mayroon bang parusa ang paglabag sa mga pinagbabawal nito?


Ang mga parusa sa paglabag ng mga pinagbabawal ay naglalaro sa mula sa
pinakamababang multa na PHP 200,000 hanggang PHP 5 Milyon o pagkakakulong o
parehas.
-

Section 21 (a, b, c, d)

6. Ano ang implikasyon ng ENIPAS sa mga lugar na magpasa hanggang ngayon


hindi pa naka classify ng DENR o ng Kongreso?
a. Maganda ang layuning ng ENIPAS na pangalagaan ang natural na yaman at
payabungin ang biodiversity ng mga protected areas. Ngunit para sa mga lugar
na tinatawag na unclassified public forests at sinaloob ang napakalaking bahagi
ng nasasakupan sa protected area, mawawalan ng saysay ang pagkilala ng batas
sa vested right sa kadahilanang walang vested right ang sinuman sa unclassified
public forest na technically ay sa estado ayun na din sa tinatawag na Regalian
Doctrine.
-

Section 2, Secretary of DENR vs Yap

b. Sadyang napakarami pa ang mga nasasabing lugar sa kadahilanang ang tinakda


ng Saligang Batas na tungkulin sa Kongreso na ihiwalay ang gubat sa kapatagan,
na siyang dapat tirahan ng mamamayan at paunlarin ng mga local na
pamahalaan para sa kanilang pagunlad, ay hindi pa naisasakatuparan.
-

Article 12 Section 2 of 1987 Philippine Constitution

c. Patunay na mismong ang DENR ang kumikilala na may mga lugar na hindi
angkop na maging protected area nang kanilang isagawa ang delineation of
boundaries between forestlands, national parks and agricultural lands (DENR

DAO 2008-24) na siyang dapat maging basehan ng Kongreso sa


pagsasakatuparan ng mandato ng Saligang Batas.
-

Rule 12 of DAO 2008-24

d. Sa pagpasa ng ENIPAS na kasama ang mga initial component protected areas


una sa land classification law, ipapawalang bahala ang realidad na ang mga
nasabing lugar ay kinikilalang tahanan ng daang libong mamamayan na
pinamamahalaan ng mga aktibong barangay, munisiplyo at lalawigan.
-

Section 14

7. Ano ang maaring pagkasunduan ng mga nagtatagisang pananaw sa pagpasa


ng ENIPAS?
a. Ang ENIPAS ay isang kahanga hangang panukalang batas na angkop sa ating
bansa upang mapanatili ang yaman ng buhay sa kagubatan at karagatan.
-

Section 2

b. Ang tanging komplikasyo lamang ay ang pagsasabatas, sa loob ng ENIPAS, ng


mga initial component protected areas na hindi man lamang dumaan sa
prosesong itinakda ng orihinal na NIPAS Law.
-

Section 4

c. Ang orihinal na NIPAS Law, kung nasunod lamang, ay dapat nagsagawa ng


itinakda ng DAO 2008-24 nang sa ganun ay mapahiwalay ang siyang hindi
angkop mapasaloob ng protected areas.
-

Article 5 Section 10-17 of DAO 2008-24

d. Kasunod ng boundary delineation na may kasamang konsultasyon sa mga


maapektuhan at pagsauna ng pag-classify ng DENR ng agricultural lands na
angkop pamahayan at paunlarin ng mga mamamayang naninirahan doon, saka
lamang sana isusog ang pagasasabatas ng mga initial component protected
areas.
-

Section 4 (d)

e. Isang malaking kamalian ang pagsasabatas ng mga initial component protected


areas una sa pagsasakatuparan ng itinakda ng DAO 2008-24 sa kadahilanang
napakaraming taong naninirahan sa loob nito ang ipapaloob sa national parks na
kung saan sila ay masasakop ng mga itinakda ng orihinal na NIPAS Law at ng
panukalang ENIPAS kasama na ang mga ipinagbabawal nito.
f.

Kung ito ang mangyayari, walang kamalay mala ang mga mamamayang
apektado na ang kinagisnan nila na pamumuhay at nakagawian, dahil sa
pagsasabatas ng mga initial component protected areas, ay siya ng bawal at sila
ay magmumulta ng hanggang PHP 5 Milyon at maari pang makulong, kung hindi
man ay palalayasin.
-

Section 14 (b and c)

8. Sa pagsusog sa kapakanan ng mga mamamayan at ng likas at buhay na


yaman, hindi imposible na pantay na mamayani ang parehong interest. Ang
institution ng NIPAS at ng DAO 2008-24 ang siya ring sagot.

You might also like