You are on page 1of 9

MGA SIMULAIN, METODO SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Mga Konsepto:
Metodo. Ito and tawag sa panlahat na pagplano para sa isang
sistematikong at epektibong pagtuturo ng isang aralin. May tiyak na
hakbang na sinusunod and bawat metodo o pamaraan.
Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing
ginagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng
mga awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika.
Teknik. Ay tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase.
Alinman sa mga kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum,
upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.
Dulog isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika,
pagkatuto at pagtuturo.
Pamaraan isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong
paglalahad wika at batay sa isang dulog.
Metodolohiya itoy isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal
(kasama rito ang mga paniniwalang teoretikal at kaugnay na pananaliksik).
Itoy tumutugon din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na
paano ang pagtuturo.
Silabus Itoy isang disenyo sa pagsasagawa ng isang particular na
programang pangwika. Itinatampok dito ang mga layunin, paksang aralin,
pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mga kagamitang panturo na
makatutugon sa mga pangangailangang pangwika ng isng tiyak na pangkat
ng mga mag-aaral.
B. MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA

1. Simulaing nakapokus sa mga mag-aaral


Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mag-aaral na taglay ang kanilang
ibat ibang katangian: kognitib, pandamdamin, at kagulangang sosyal,
kaalaman sa wika; motibasyon, kakayahan sa pagkatuto ng wika, istilo sa
pagkatuto, mga mithiin at mga pangangailangang subhetibo. Sa simulaing
ito, itinuturing ang bawat mag-aaral na may taglay na sariling
pangangailangan at interes.
2. Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral
Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng
maraming pagkakataon upang makilahok sa ibat-ibang uri ng gawaing
komunikatibo.
3. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika
Binibigyang halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng guro ang mga
mag-aaral ng mga input na komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa
at makabuluhan para sa sarili nilang pangangaailangan at interes.
Magagawa lamang ito ng isang guro kung lilikha siya ng isang sitwasyon
kung saan mararamdaman ng mag-aaral na nagagamit niya ang target na
wika ng natural at hindi pilit.
4. Simulaing Nakapokus sa Ilang anyo ng Wika
Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga magaaral sa loob ng maikling panahon, kailangang ng guro ang mga mag-aaral
sa ilang anyo at gamit ng wika, mga kasanayan at stratehiya na
makatutulong upang magamit ang wika sa isang kalagayan na limitado ang
panahon.
5. Simulaing Sosyo-kultural
Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito.
Mahalagang magkaroon ng mga kaalamang Kultural upang maunawaan at
mabigyang-kahulugan ang sinasabi ng kausap. Tungkuling ng guro na
ipadama sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa mga

karanasang pang-kultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapagyaman ito sa kultura ng mga taong gumagamit ng target na wika.
6. Simulain ng kamalayan
Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na
lubos na maunawaan ang ugnayan ng wika at kultura. Kailangan ng isang
mag-aaral ng wika ang pagiging sensitibo sa wika at kultura ng ibang tao.
Ang pagsasaalang-alang sa kultura ay nagiging daan upang madama ang
lakas ng wika upang mapaglapit ang diwa at isipan ng ibat-ibang taong
gumagamit ng target na wika.
7. Simulain ng Pagtataya
Ang kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad ng wika ay maaaring maging
pampasigla para sa ibayo pang pagkatuto. Kayat mahalaga na palagiang
may pidbak ang mag-aaral hinggil sa kanilang pagsulong sa pagkatuto at
kailangan itong maging realistiko.
8. Simulain ng Pananagutan
Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling
pananagutan anuman ang maging bunga nito at malinang ang pagkatuto
sa sariling sikap.
MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
Pamamaraang Grammar Translation (Pamaraang Klasiko)
Mithiin (Goals)
1. Mabasa ang literature ng target na wika.
2. Maisaulo ang mga tuntuning balarila talasalitaan ng target na wika.
3. Mga Katangian.
4. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang
target na wika.
5. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.

6. Binibigyang diin ang pagbasa at pagsulat halos hindi nalilinang ang


pakikinig at pagsasalita.
7. Pabuod na tinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan at
pagkatapos ay magkakaroon mg maraming pagsasanay sa pagsasalin.
8. Ang pagbabasa ng mga kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi
isinasaalang-alang ang kahandaan ng mga mag-aaral.
9. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa
pagsasalin ang mga mag-aaral mula sa target na wika.
Ang Series Method
Ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay
itinuturo nang tuwiran (walang pagsasalin) at isang serye ng mga
magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad sa isang kosepto na
madaling maunawaan ng mag-aaral.
Walang pagpapaliwana sa tuntuning balarila bagamat maaaring mayroong
kayaring balarila na napapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin.
Ang pamaraang itoy naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay
ang transpormasyon ng mga pananaw sa wika at isang konsepto na
madaling maintindihan.
Ang Pamaraang Direct
Mga simulain sa pamaraang Direct.
Mga katangian:
1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin.
2. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggagayak, pagsasaulo
ng mga parilala, at paulit-ulit na pagsasanay.
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na
pagsasanay.
4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga

tuntuning balarila ay itinuturo ng mga modelo.


5. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap.
6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito
sa language labs at mga pagsasanay na pares minimal.
7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase.
8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na
pinagtitibay.
9. Sinisikap ng furo na gamitin ng mga mag-aaral ang wika nang walang
kamalian.
Ang Mga Designer Methods ng Dekada 70
1. Ang Community Language Learning (CLL)
Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn
na pandamdamin. Ang pamaraan ito ay ekstensyon ng modelong
Counselling-Learning ni Charles A. Curran na nagbibigay-diin sa
pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente na nagsama-sama bilang
isang komunidad na binibigyan ng kaukulang pagpapayo.
2. Ang Suggestopedia
Ang pamaraang itoy halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang
kakaibay isinasagawa ang mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang
palagay ang kalooban ng bawat mag-aaral at relaks ang kanilang isipan.
Mga katangian:
a) Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga
mag-aaral na maging panatag ang kalooban
b) Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuot at may
maririnig na mahinang tugtugin.
c) Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di
tinatalakay nang komprehensibo.
d) Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa
katutubong wika.

e) Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension; ang kamalayan


(conscious) kung saan nakikinig sa isang binabasaang diyalogo at ang
kawalang-kamalayang (sub-conscious) kung saan ang musikang naririnig
ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali.
f) Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at
drama.
g) Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang
pormal na pagsubok ang ibinibigay.
3. Ang Silent Way
Ito ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung
ipinapaubaya sa mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto.
Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa
proseso ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa
ganitong kalagayan nanatiling tahimik ang guro kaya ang katawagan Silent
Way.
4. Ang Total Physical Response (TPR)
Ang pamamaraang itoy humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni
Gouin na nagsasabi na ang pakatuto ay epektibo kung may kilos na
isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aralan.
Mga Katangian:
a) Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mg autos mula sa titser
na isinasagawa ng mga mag-aaral.
b) May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral-mag-aaral; nagsasalita
ang guro, tumutugon ang mga ma-aaral sa pamamatnubay ng guro.
c) Binibigyang diin ang komunikasyong pasalita, isinasaalang-alang ang
kultura ng mga katutubong tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang
wika.
d) Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang sa pamamagitan ng
mga kilos.

e) Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang


magsalita; mga kamaliang global lamang ang iniwawasto.
5. Ang Natural Approach
Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang
lebel ng pagkatuto kung saan mahalaga ang mga comprehensive input
upang mapasigla ang pagtatamo ng wika. Nilalayon ng Natural approach
na malinang ang mga personal na batayang kasanayang
pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-araw na
sitwasyon gaya ng pakikipag-usap, pamimili, pakikinig sa radyo at iba pa.
Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng ibat-iba at mga kawiliwiling gawaing pangklasrum gaya ng laro, maikling dula-dulaan at
pangkatang gawain.
6. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching)
Ang katawagang itoy gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa
pagatuturo.
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:
a) Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral;
b) Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral.
(Hal. Pangkalahatang gawain o pagsasanay)
c) Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang
pansarili;
d) At kurikulum na may kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng
mag-aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
7. Ang Pagkatuto na Tulong-tulong (Cooperative Learning)
Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang magbahaginan ng
mga impormasyon na laging naroon ang pagtulungan sa isat-isa.
Dagdag na konotasyon ng kooperatib ay ang pagbibigay diin nito sa

sama-samang (collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang


matamo ang mga itinakdang layunin.
8. Ang Pagkatutong Interactib (Interactive Learning)
Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya
kundi pag-unawa rin s ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng
kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon, na lagging may nauunawaan
sa isang konteksto.
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:
a) madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan
b) paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay
na paggamit nito.
c) Paglikha ng mga tunay ng wika para sa makabuluhang komunikasyon
d) Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa
aktuwal na paggamit ng wika sa labas
e) Pagpapasulat na totoo ang target audyens
9. Ang Whole Language Education
Ang katawagang itoy bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit
upang bigyan-diin:
a) Ang kabuuan ng wika laban sa pananaw ng pagbabahagi ng wika sa
maliliit nitong elemento gaya ng ponema, morpema at sintaks.
b) Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig
at pagsasalita) at wikang pagsulat (pagbasa at pagsulat); at
c) Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na itoy likas na umuunlad,
na katulad din ng alituntuning pasalita.
Malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa edukasyon. Ang whole
language ay isang lebel na ginagamit upang mailarawan ang:
a) Tulong-tulong na pagkatuto
b) Pagkatutong partisipasyon
c) Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral

d) Integrasyon ng apat na kasanayan


e) Paggamit ng awtentiko ant natural na wika
10. Content-Centered Education
Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1989) ang content-centered education
ay ang integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalalman sa mga layunin sa
pagtuturo ng wika. Itoy ang magkasabay na pag-aaral ng wika at paksangaralin, na ang anyo at pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng wika ay
idinidikta ng nilalaman ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na
ang mga kasanayan sa wika ang itinuturo nang hiwalay at malayo sa
konteksto ng paggamitan nito
11. Ang Pagkatutong Task-Based
Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na
pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga
inaasahang matatamo nga mga magsasagawa ng task. Ang task ay isang
espesyal na anyo ng teknik subalit man malaki ang saklaw nit kaysa sa
teknik. Ang pagkatutong task-based ay bagong pamaraan. Binibigyang
pokus lamang nito ang tasksa pagtuturo. Tinatanaw nito ang proseso sa
pagkatuto bilang isang komunikatib task na tuwirang nakaugnay sa mga
layuning pangkagawian at ang mga hangaring nitoy lagpas na
nakagawiang pagsasanay ng wika.

You might also like