You are on page 1of 2

Nakabubuti ba o Nakasasama ang Pagpapalaganap ng Paggamit ng FACEBOOK?

LAKANDIWA: Ako ay bumabati Na may malaking ngiti Sana may umintindi Sa aking
sinasabi
Facebook ating usapan Laganap sating bayan Minsay Kinagalakan Minsay
pinagdudahan
Kaya tayoy narito Para na rin i-klaro Pag-usapan ng husto Sa paraang pagtalo
Wala ka bang makausap Walang sayang malasap Ay alam na ang dapat Na ibigin
mong sapat
Wala ka bang makausap Walang sayang malasap Ay alam na ang dapat Na ibigin
mong sapat
Sa mundo ng pag-Facebook Hindi ka magsisisi May makakasalisi Kayat dapat
lumahok
Ikaw bay nalulumbay? Lungkot na walang humpay Kulang sa kaibigan? Talagang
Facebook lang iyan!
Pansin ba ang habol mo? Talagang matatamo Pang KSP kasi yan! Puro like dito,
like dyan
Mabuti ngang KSP Tulay to sa pagdami Ng iyong mga koneksyon Important yan
ngayon!
Ang dating kaibigan Muling madaraanan Dating pinagsamahan Muling makakamtan
Pano ang mga kaibigan Sa States naninirahan Facebook lang katapat dyan Libret
maasahan
Ang Facebook daw ang tulay Ang tulay ng yong buhay Na i-a-aabot-kamay Kahit nga
sa kaaway
Ngunit meron din naman Cellphonet e-mail para diyan Di naman kailangan Sa
Facebook idadaan
Ito ay iyong dinggin Hindi kayang talunin Ng kahit ano pa man Ang magharapharapan
Ngunit dyan tayo talo Kung ikaw ay nagloko Isang tag ng photo mo Huli ka at kabit
mo
Facebook agad malaman Pag ikay siniraan May nagpapakamatay Sirang-sira ang
buhay
Tapos imbis maghapunan Abuso sa pagimbak Sa pekeng tinataniman Katamaray
talamak
Ang bibig na matalim Itago ng malalim Ng hindi makasakit At walang hinanakit
Wala ngang absoluto Hindi rin makaboto Facebook bay nakabuti Sa gumamit o hindi
Ngunit dapat tandaan Pag Facebook inabuso At nawala sa uso Balik sa dating daan
Kayat wag lilimutin Ang dapat na gawain Para yong mabalanse Ng di iresponsable

You might also like