You are on page 1of 2

PAKSA:NAKABUBUTI BA O NAKASASAMA ANG PAGPAPALAGANAP NG PAGGAMIT

NG FACEBOOK?
MGA MAMBABALAGTAS:
Panig ng NAKABUBUTI: CARLITO REYES II
Panig ng NAKASASAMA:CHRISTIAN SIY
Papel ng LAKANDIWA
LAKANDIWA:
Ako ay bumabati
Na may malaking ngiti
Sana may umintindi
Sa aking sinasabi
Facebook ating usapan
Laganap sa’ting bayan
Minsa’y Kinagalakan
Minsa’y pinagdudahan
Kaya tayo’y narito
Para na rin i-klaro
Pag-usapan ng husto
Sa paraang pagtalo
NAKABUBUTI
Wala ka bang makausap
Walang sayang malasap
Ay alam na ang dapat
Na ibigin mong sapat
Sa mundo ng pag-Facebook
Hindi ka magsisisi
May makakasalisi
Kaya’t dapat lumahok
Ikaw ba’y nalulumbay?
Lungkot na walang humpay
Kulang sa kaibigan?
Talagang Facebook lang iyan!
Pansin ba ang habol mo?
Talagang matatamo
Pang KSP kasi ‘yan!
Puro “like” dito, “like” dyan
Mabuti ngang KSP
Tulay ‘to sa pagdami
Ng iyong mga koneksyon
Important ‘yan ngayon!
Ang dating kaibigan
Muling madaraanan
Dating pinagsamahan
Muling makakamtan
Pano ang mga kaibigan
Sa States naninirahan
Facebook lang katapat dyan
Libre’t maasahan
NAKASASAMA
Ang Facebook daw ang tulay
Ang tulay ng ‘yong buhay
Na i-a-aabot-kamay
Kahit nga sa kaaway
Ngunit meron din naman
Cellphone’t e-mail para diyan
‘Di naman kailangan
Sa Facebook idadaan
Ito ay iyong dinggin
Hindi kayang talunin
Ng kahit ano pa man
Ang magharap-harapan
Ngunit d’yan tayo talo
Kung ikaw ay nagloko
Isang tag ng photo mo
Huli ka at kabit mo
Facebook agad malaman
Pag ika’y siniraan
May nagpapakamatay
Sirang-sira ang buhay
Tapos imbis maghapunan
Abuso sa pagimbak
Sa pekeng tinataniman
Katamara’y talamak
LAKANDIWA
Ang bibig na matalim
Itago ng malalim
Ng hindi makasakit
At walang hinanakit
Wala ngang absoluto
Hindi rin makaboto
Facebook ba’y nakabuti
Sa gumamit o hindi
Ngunit dapat tandaan
Pag Facebook inabuso
At nawala sa uso
Balik sa dating daan
Kaya’t wag lilimutin
Ang dapat na gawain
Para ‘yong mabalanse
Ng ‘di iresponsable
Para sa Klase sa ELECLIT (Literature Elective) ni Dr. Genevieve Asenjo. De La Salle University-Manila.
February 10, 2011. Sinikap isulat ang balagtasan sa paraang tanaga: isa pang tradisyonal na anyo ng
pagtula na sumusunod sa 4 na linya, 7 pantig bawat linya.
May pahintulot ng mga estudyante.

You might also like