You are on page 1of 2

Ang La Liga Filipina ay isang samahang itinatag ni Dr.

Jose Rizal na kinabibilangan ni


Andres Bonifacio. Layunin ng samahan na pagkaisahin ang mga kapuluan,
siguraduhin ang seguridad ng mga tao, bigyang proteksyon ang lahat ng Pilipino sa
karahasan ng mga Espanyol, isulong ang edukasyon, agrikultura at komersyo, at
pag-aaral at pagpapatupad ng mga reporma. Ngunit dahil pinatapon si Dr. Jose Rizal
sa Dapitan, binuo nina Andres Bonifacio kasama ang ibang miyembro ng La Liga
Filipina ang Katipunan na layunin ay kalayaan ng Pilipinas. Ginamit ng grupo ang
pangalan ni Rizal bilang password ng kasapi ng Katipunan. Si Rizal din ang naging
tagapayo ng mga Katipunero nung mag-aaklas sila laban sa Espanya. Nagtulong sila
upang makamit ang inaasam na kalayaan n gating Inang Bayan, ang Pilipinas. Kung
hindi dahil sa kanila wala tayong tinatamasang kalayaan at magandang edukasyon
ngayon. Maraming salamat sa dalawang magiting na bayaning ito na hindi sumuko
upang makamit natin ang ating kalayaan. Salamat Andres Bonifacio at Dr. Jose
Rizal.

Bonifacio at Rizal

Sa gitna ng humihirap na kalagayan ng mga Pilipino sa


ilalim ng gobyernong Espanyol, nakita ni Jose Rizal na ang
kailangan ay isang organisasyon sa Pilipinas na kikilos
para sa mga hinahangad na reporma at pagbabago.
Noong 3 Hulyo 1892, itinatag niya ang samahang La Liga
Filipina. Kabilang sa mga naging miyembro nito ay si
Andres Bonifacio.

Nilayon ng La Liga Filipina ang sumusunod:

1.

Pagkakaisa ng kapuluan bilang isang buo at masigasig na katawan

2.

Seguridad sa lahat ng nangangailangan o may kagustuhan

3.

Proteksyon ng lahat sa karahasan at kawalan ng hustisya

4.

Pagsulong ng edukasyon, agrikultura, at komersyo

5.

Pag-aaral at pagpapatupad ng mga reporma

Ngunit bago maisulong ng samahan ang mga layunin nito,


ipinatapon ng pamahalaang Espanyol si Rizal sa Dapitan.

Nagpasya si Bonifacio at ang ibang mga dating miyembro


ng La Liga, tulad nila Ladislao Diwa at Teodoro Plata, na
buuin ang Katipunan. Tinatag nila ito noong 7 Hulyo 1892,
apat na araw matapos ipinatapon si Rizal sa Dapitan.

Itinatag ang Katipunan, ayon sa katitikan nito, upang

matuklasan ang pinakamabuting paraan upang mabigyan ng


lunas ang paghihirap ng Inang Bayan, itinatatag ang
samahan... na ang layunin ay kalayaan ng Inang Bayan...
sa pamamagitan ng mga baril at ng mga kanyon.

Kahit hindi naging miyembro ng Katipunan si Jose Rizal,


pinahalagahan siya ng mga katipunero. Sa 28 naging
kasapi ng Kataastaasang Sanggunian ng Katipunan sa
panahong 1892-1896, 13 ay dating miyembro ng La Liga
Filipina. Ginamit din ng lihim na samahan ang pangalan ni
Rizal bilang password ng mga kasapi.

Noong binalak ng mga Katipunero na mag-alsa laban sa


Espanya, humingi muna sila ng payo mula kay Rizal.
Inatasan si Dr. Pio Valenzuela na pumunta sa Dapitan
upang kausapin si Rizal.

You might also like